Search This Blog

Saturday, March 27, 2010

Closing the Gap (a must read)

i love old people, maybe because ive never felt to be"Apo" neither experience to have my lolo and lola, to be spoiled by them, to run and hide beside them kapag papaluin ako ng parents ko. wala na sila when i was a kid. kalungkot lang, sana may isang taong willing acong samahan sa mga trip ko, tulad ng pagbisita sa mga pasyente sa hospital, aliwin sila, sa tahanan ng mga matatandang inabando na, something like that. kaso hindi niya pa ako nahahanap kaya hindi pa ngyayari yan. ^^


Until late this century, we spent with people of all generations. Now many baby boomers may not have much contact with old folk until they're relatively old themselves.

Thats because we group people by age. We put our three-year-olds in day-care centers, our 13-year-olds in schools and sports activities, and our 80-year-olds in senior citizen homes. Why?

We segregate the old for many reasons: prejudice, ignorance, a lack of good alternatives. Younger people sometimes avoid the old to evade fears of ageing and dying. Death is easier to bear in the abstract. Its much harder to watch someone we love fade before our eyes. Sometimes its so hard that we stay away from the people who need us most.

But there are problems with the age-segregation experiment. Ten 14-year-olds grouped together will form a Lord of the Flies culture – competitive and mean. But ten people aged two to 80 grouped together will fall into a natural age hierarchy that nurtures and teaches them all. For our own mental and social health, we need to reconnect the age groups.

Fortunately, some of us have found our way to the old. And we have discovered that they often save the young.

A reporter moved her family into a block filled with old people. At first her children were disappointed. But the reporter baked banana bread for the neighbors and had her children deliver it and visit. Soon the children had many new friends, with whom they shared food, stories and projects. My children have never been less lonely, the reporter said.

The young, in turn, save the old. Once I was in a rest home when a visitor showed up with a baby. She was immediately surrounded. People who hadn't got out of bed in a week were suddenly ringing for a wheel chair. Even those who had seemed comatose woke up to watch the child. Babies have an amazing power to comfort and heal.

Grandparents are a special case. They give grandchildren a feeling of security and continuity. As my husband put it, my grandparents gave me a deep sense that things would turn out right in the end. Grandchildren speak of attention they dont get from harried parents. My parents were always telling me to hurry up, and my grandparents told me to slow down, one friend said. A teacher told me she can tell which kids have relationships with grandparents: they are quieter, calmer, more trusting.

There was an artist I'll call Maeve who sought truth far from home in ashrams and workshops. Just as Maeve was leaving for Europe one summer, her grandmother fell ill, and the family asked Maeve to care for her. She protested, but there was no-one else. Maeve moved in with her grandmother for six months - handling her medical needs, cooking for her and bathing her – until she died. For the first time in Maeve's life, her concern for another person became as great as her concern for herself. The experience changed her life more than her therapy and gurus.

My life is richer, too, because of the time that I've spent with my elders. Over the past three years I've interviewed my five aunts, listened to family stories, looked at photos and eaten home-cooked meals. As a result I better understand my own parents and our history. I've also learned the art of ageing. I've come away feeling more accepting, more grateful. And I have witnessed the incredible calculus of old age: as more is taken, there is more love for what remains.

To learn from the old, we must love them - not just in the abstract but in the flesh – beside us in our homes, businesses and churches. We must work together to build the kinds of communities that allow us to care for one another.

Why we need to reconnect the young and the old
By Mari Pipher

(pp. 63-64, November 1999 Issue, Reader's Digest)

tama na tama na muna.

Tama na muna tayo
tama na muna tayo, sa tingin ko mas makakabuti na ang ganito,
maghiwalay na muna na tayo.Baka sakaling may magandang
pagbabagong mangyari,baka sakaling may marealize tayo,
na hindi natin maisip-isip dahil masyado tayo nasanay
na palagi tayong isa.

Tama na muna tayo
tama na muna, hindi ba't nakakapagod na palagi
na lang tayong ganito? aawayin mo ako,susuyuin kita
kahit na alam kong ikaw ang may mali at hindi ako.
Magsisigawan tayong dalawa, hanggang sa
hindi na tayo magkarinigan. Pwede bang
kapalit ng mura mo ang salitang
"mahal kita! pwede bang tama na?!"

Tama na muna tayo
tama na muna tayo, baka sakaling mamiss mo rin ako
tapos ikaw naman ang manuyo sa akin, ikaw naman ang maghabol
ikaw naman ang mag-effort, ikaw naman ang mamoblema
at mag-ayos ng relasyon natin, baka lang naman

Tama na muna tayo
tama na muna,
para malaman natin kung
ano ba ang kulang sa atin,
malay mo maramdaman mo rin na
kulang pala ang buhay mo 'pag wala na ako
na baka balang araw hanap-hanapin mo din ako
tulad ng araw-araw na paghahanap ko sayo
kahit na palagi tayo magkasama
namimiss pa rin kita

miss na miss..

Tama na muna tayo
tama na...wala pa rin naman pinagkaiba
kung malalayo tayo sa isat-isa
dahil kahit kasama pa kita parang malayo ka pa rin
sabi nga ni robocap kaylangan na natin maghiwalay
para sa ganoon malaman natin kung talagang
may pinagsamahan tayo, kung buo pa rin tayong
dalawa kahit wala na yung isa

Tama na muna tayo
tama.. tama na.
sa ganitong paraan matututo tayong
huminto na, tumigil na muna
ng sa ganoon matutunan natin mabuhay
na wala ang isat-isa
na posibleng maisip mo na
kaylangan mo rin makinig kahit isang beses lang
na baka balang araw maalala mong
ikaw at ako ay iisa


"Hindi ang isa't isa ang tinitingnan ng mga nagmamahalan,
kundi ang kanilang iisang hantungan." (Kahlil Gibran)



Eksena sa loob at labas ng simbahan


Sinama ako ng friend ko sakanila, magsisimba daw sila ng tita niya kasama ang
tatlo niyang pinsan at kapatid niyang limang taong gulang na batang babae.
Ang gara ng dala nilang sasakyan, at ang tita niya mukha talalagang mayaman
sa kasuotan niya.Mahilig daw silang magsimba lalo na kapag mahal na araw,
kung saan-saang simbahan sila pumupunta.Malapit na kami sa simbahan ng Baclaran,
pero sa sobrang dami ng tao nagdesisyon na lang kaming maglakad at iparada ang
sasakyan medyo malayo sa simbahan.Sa kapal ng daming ng tao muntikan pa akong
maapakan. First time kong makakapagsimba sa Baclaran, hindi naman kasi ako active
sa pagsisimba every weekends. Masasabi bang masama akong tao? nagdadasal naman
ako at pumapasok ng simbahan kahit hindi ako nakakaatend ng misa. Ng nasa loob na
kami ng simbahan hindi kami nakaupo dahil sa wala ng bakanteng upuan para sa amin.
Taimtim na nagdadasal ang iba samantalang ang iba nagtetext, natutulog, mga batang
naghahabulan, mga magulang na nagsasaway, ang iba ay nakikipagdaldalan at habang
ako naman ay nagmamasid-masid at hindi rin nakikinig, hindi dahil sa english
ang sermon ng pari, dahil sa kinakain ng pari ang sinasabi niya,wala naman
kasalanan ang pari, marahil ako. Kahit papano naman naintindihan ko kahit isa sa
mga sinabi niya, tungkol sa "adultery". Bago kami lumabas ng simbahan hinawakan
muna nila at pinahid ang panyo nila sa mga santo na nanduon.Bago kami sumakay sa
sasakyan nila bumili muna ng kandila ang tita ng kaibigan ko, kulang ang binayad
ng tindera sakanya kaya bigla na lang itong nakapagsalita ng "Punyemas! hindi kasi
tinitignan mabuti ang sinusukli, nakakbuset" at isa pang mura para sa kawawang
tindera.


-The End



I juz paste thiz bcoz i lurv it

INSPIRATIONAL QUOTES ON WORK
"MGA SIPING PAMUKAW UKOL SA TRABAHO"

Success is not the key to happiness. Happiness is the key to success. If you love what you are doing, you will be successful.

"Hindi tagumpay ang susi sa kaligayahan. Kaligayahan ang susi sa tagumpay. Kung mahal mo ang ginagawa mo, magtatagumpay ka."


- Albert Schweitzer

The highest reward for a person's toil is not what they get for it, but what they become by it.

"Ang pinakabiyaya sa tao ng kaniyang pagsisikap ay hindi ang kaniyang masusuweldo, kundi ang ikauunlad ng kaniyang pagkatao."


- John Ruskin

The man who does not work for the love of work but only for money is not likely to make money nor find much fun in life.

"Ang gumagawang walang pagmamahal sa kaniyang ginagawa, walang gaanong napapalang yaman o kasiyahan."


- Charles Schwab

The only thing that overcomes hard luck is hard work.

"Matinding sikap lang ang tumatalo sa matinding malas".


- Harry Golden

The price of success is hard work, dedication to the job at hand, and the determination that whether we win or lose, we have applied the best of ourselves to the task at hand.

"Upang magtagumpay, kailangan ng sipag, tiyaga, at paniniwalang manalo man tayo o mabigo, ibinuhos natin ang abot ng ating makakaya sa ating ginawa."


- Vince Lombardi

Work relieves us from three great evils: boredom, vice, and want.

"Inililigtas tayo ng paggawa sa tatlong malalaking perhuwisyo: pananamlay, bisyo at reklamo."


- French Proverb

Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life.

"Pumili ka ng mamahalin mong hanapbuhay, at makapaglilibang ka na habambuhay."


- Confucius

When work is a pleasure, life is joy! When work is a duty, life is slavery.

"Kapag gusto ang trabaho, ang sarap! Kapag ayaw ang trabaho, ang saklap!"


- Maxim Gorky

When you cease to make a contribution, you begin to die.

"Kapag huminto ka nang magbigay, nagsisimula ka nang mamatay."

- Eleanor Roosevelt

The object of living is work, experience and happiness. There joy in work. All that money can do is buy you someone else's work in exchange for our own. There is no happiness except in the realization that we have accomplished something.

"Pagsisikap, karanasan at kaligayahan - 'yan ang layunin ng buhay. May ligaya sa pagsisikap. Ang magagawa lang ng pera ay bilhin ang pinagsikapan ng iba kapalit ng pagsisikap mo. Wala tayong ibang ligaya kundi ang malamang mayroon tayong nagawa."

- Henry Ford

It is the quality of our work which will please God and not the quantity.

"Sa husay ng pagkakagawa matutuwa ang Diyos, hindi sa rami."

- Mahatma Gandhi

Let us realize that the privilege to work is a gift, that power to work is a blessing, that love of work is success.

"Matauhan tayong ang pagkakataong magtrabaho ay biyaya, ang kakayahang magtrabaho ay pagpapala, ang pagmamahal sa trabaho ay tagumpay."

- David O. Mckay

One machine can do the work of fifty ordinary men. No machine can do the work of one extraordinary man.

"Kayang gawin ng isang makina ang nagagawa ng limampung ordinaryong tao. Walang makinang kayang gawin ang magagawa ng isang ekstraordinaryong tao."

- Elbert Hubbard

Every job is a self-portrait of the person who does it. Autograph your work with excellence.

"Bawat trabaho ay larawan ng taong gumawa no'n. Lagdaan mo ng husay ang gawa mo."

- Unknown

Sometimes the things that may or may not be true are the things a man needs to believe in the most. That people are basically good; that honor, courage, and virtue mean everything; that power and money, money and power mean nothing; that good always triumphs over evil; and I want you to remember this, that love... true love never dies. You remember that, boy. You remember that. Doesn't matter if it's true or not. You see, a man should believe in those things, because those are the things worth believing in.

"Kung minsan, ang mga bagay na di-mapatutunayan ang pinakadapat paniwalaan.
Na mabuti ang tao;
na dangal, tapang at bait ang tanging kailangan;
na walang katuturan ang posisyon at pera, pera at posisyon;
na laging dinadaig ng kabutihan ang kasamaan;
at tandaan mo ito, na ang pag-ibig… hindi kailanman mamamatay ang tunay na pag-ibig.
Tandaan mo 'yan, iho. Tandaan mo 'yan. Hindi mahalaga kung totoo o hindi. Alam mo kasi, ito ang mga dapat paniwalaan ng tao, dahil ito ang mga makabuluhang paniwalaan."

- Hub McCann (Secondhand Lions)


Filipino Translation by:
Ronan B. Capinding

Monday, March 22, 2010

Wisk ko lang


Dear Sirang Papel,

Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang Jenica, nais ko lang po sana ibahagi ang kwento ng aking simpleng buhay ngunit isang napaka makulay. Makulay siya masasabi dahil hindi lang puro iyak at kalungkutan ang aking naranasan dahil na rin po sa malaking pagbabago ng aking buhay. Ako po ay sunod sa luho noong aking kabataan, halos lahat ng damit at sapatos na naisin ko ay nabibili ko, lahat ng gusto kong pagkain ay natitikman ko. Masasabi kong may kaya ang aming pamilya noon, ngunit nag wakas ang lahat dahil sa isang pangyayari. Nalulon po sa droga ang aking ama, mabuting tao si papa at mabuting rin siyang ama sa amin tatlong magkakapatid. Naalala ko pa kapag palagi niya ako sinasaway na matulog na at huwag ng magbasa sa dilim. Nakaugalian ko na po kasi magbasa ng libro lalo na ang mag-aral, kaya naman namimiss ko ang boses ni papa sa tuwing napupuyat ako sa pagbabasa. Hindi ko alam kung bakit nasangkot siya sa pag gamit ng pinagbabawal na gamot. Sinubukan niyang magbago para sa amin nila mama ngunit sadyang hirap na siya makatas sa tuksong dala ng droga. Kasalukuyang nakakulong sa pihitan ang aking papa ngayon, simula ng nakulong siya naiba na ang estado ng aming pamumuhay, ibang-iba sa dati. Nahinto ako ng dalawang taon sa kolehiyo, 2nd year college na sana ako, naisip kong paunahing mag-aral muna ang bunso kong kapatid saka na ako mag-aaral ulit kapag nakaluwang na kami sa gastusin. Kaso inabutan na naman ako ng isang taon wala pa rin nangyari, nagdesisyon akong manilbihan bilang isang kasambahay isa sa mga kakilala ni mama, lumipat na rin kami ng tirahan malapit sa iilan naming kamag-anak. Isang sakay lang papunta sa amin mula sa tinitirhan ng amo ko. Mabait sila tita Lenny at tito Tony, pumayag silang tita at tito na lang ang itawag ko sakanila, maswerte ako dahil mabait sila sa akin. Hindi naman msyado mabigat ang gawain na pinapagawa nila sa akin, kaya nagdesisyon akong subukang mag entrance exam sa isang public school. Ano naman masama kung susubukan? malay mo makapasa ako, ayan lang ang tanging nasa isip ko sa mga oras na andoon na ako sa loob ng eskwelahan. Palihim akong umalis sa amin upang alamin kung nakapasa ako, habang papunta ako sa listahan ng mga pumasa medyo kinakabahan ako paano kaya kung hindi ako nakapasa, pero ng tignan ko ang first letter ng Last name ko, tuwang tuwa ako sa galak dahil andoon ang pangalan ko. Excited akong umuwi ng bahay, hindi ko alam kung paano sasabihin sa mama ko at kela tita pero hindi ko muna sinabi at nag-enrol na lang ako basta ng hindi nila nalaman. Pasgkatapos ng mahabang pila sa pag-eenrol saka ko sinabi kay mama ang ginawa ko. Nasigawan ako ng konti pero naiintindihan ko si mama kahit naman ganoon siya masaya daw siya para sa akin dahil nakapasa ako, nag-aalala lang siya para sa akin, paano ko daw mapagsasabay ang pag-aaral ko kung inaalagaan ko sila tita. "Alam ba yan nila tita lenny mo? paano kung hindi sila pumayag anak ha?" tanong ni mama. Umiyak na lang ako, hindi ko kasi alam kung paano nga kung hindi nila ako payagan, makakapag-aral pa kaya ako, iilan lang yan sa mga tanong ko sa sarili. Kina umagahan naglakas loob akong kausapin sila tito Tony, sobrang kaba sa dibdib ang naramdaman ko habang kausap sila, "tita, tito, nag-enrol po ako sa UDM nakapasa po kasi ako sa entrance exam, pwede po bang payagan niyo po akong makapag-aral?" pakiusap ko. nagtinginan silang dalawa at hindi nkapagtatakang medyo nagulat sila sa hinihiling ko. "basta ba gawin mo pa rin kung ano man ang trabaho mo dito sa bahay okay lang" sabi ni tita Lenny, "at umuwi ka palagi ng maaga ha". sabi naman ni tito Tony. Nawala lahat ng kaba sa dibdib at talaga naman ang saya ko. Nagsimula na ang unang klase, pangalawa, pangatlo, nakakapagod pala, parang hindi na ata makakaya pa ng katawan ko. Hindi ako makapag-aral at makapagbasa pa ng libro dahil pag-uwi ko hindi ko dapat kalimutan na hiram lang na sandali ang pag-aaral ko, balik kasambahay na naman ako, at balik bilang panganay na anak. Ang ginagawa ko na lang hindi na ako nag lulunch break imbes nasa library ako at nag-aaral, nagbabasa, nagrereview para bukas at sa susunod na bukas. Hanggang sa nagkasakit ako, nagkaroon akon ng ulcer sa madalas na pagpapalipas ng gutom. Madalas ako yayain ng mga kaklase ko na kumain at nagtataka sila kung bakit hindi ako kumakain, ang hindi nila alam, sakto lang sa pamasahe balikan ang baon ko. Pero nang sumahod ako hindi ko na hinayaang malipasan pa ako ulit ng gutom. Naging kaclose ko na ang mga kaklase ko, marami akong naging kaibigan, kabilang na dito sila Badong, Julia, Edwardo, Toto, at marami pa sila. Pero sila lang ang madalas kong nakakasama, pero kahit gaano pa namin kaopen sa isat-isa hindi ko pa rin magawang maging tapat sakanila. Isang araw sa loob ng aming class room tinawag ako ni Ms. Tolentino upang magresite, napunta sa tanong niya ang isa sa mga personal kong buhay. Naikwento ko sakanila na nakatira ako sa tita at tito ko hindi ko sinabi na isa akong kasambahay at hindi ko sila tunay na kamag-anak. Nahiya ako ngn husto sa sinabi ko, hindi ako nakatulog ng sapat dahil sa pag-iisip, natatakot akong baka layuan din nila ako gaya ng dati kong kaibigan pagkatapos kong ipag tapat ang kwento ng aking buhay sakanila ay bigla na lang nila akong iniwasan na para akong may sakit, lalo na nang nalaman nilang nasa bilangguan ang aking papa. Pero napagdesisyonan kong ipagtapat na sakanila ang totoo, gumaan ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko parang nawala lahat ng hinanakit ko sa mundo ng malabas ko lahat ng lungkot at hirap na pinag daanan ko. Umiyak sila at niyakap ako, sinabi nilang kaibigan ko sila at kahit anong oras ay maaasahan ko sila wag lang daw sa utangan, tawanan kaming lahat. Nagkaroon din ako ng magandang love life, nakilala ko si Poter, isa sa mga kaklase ko, gwapo siya, tahimik lang, pero mukhang matalino dahil sakanyang makapal na gradong suot na salamin. Isa siya sa mga labasan ko ng sama ng loob, kakwentuhan, kabiruan at matalik kong kaibigan. Masaya ako pumapasok araw-araw dahil sakanya, napansin ng mga kaklase ko ang pagbabagong nagaganap sa akin. "wow Jenica ! blooming ka ngayon ha! inlove?" pang-asar na hiyawan nila. Masyadong torpe si Poter, kaya nalaman ko lang sa iba na matagal na pala siyang may gusto sa akin. Gusto niya ako at gusto ko din siya, pero may mga bagay na kahit anong gawin mo ay para lang kayong negative at positive na magnet kahit kylan ay hindi mo pwedeng maipagdikit. tama ba? haha. mali ata. basta un na yun. Iglesia ako at siya naman ay catholic, hindi talaga pwede. Naging kami pero isang araw lang, sobrang nasaktan ko siya alam ko, dahil nakita ko siya umiiyak at dahil sakin yun, wala ako magawa pero sinubukan ko naman pero hindi talaga pwede maging kami. Nag focus na lang ako sa pag-aaral, nag-aral ako ng nag-aral, hanggang sa isa ako sa mga naging dean lister. Malapit na kaming makapagtapos ng kolehiyo, excited na akong makaakyat ng stage, at makapag suot ng toga. Pero mapaglaro ang tadhana, sa pag-uwi ko sa amin sinalubong ako ng isang sunog na bahay, nasunog ang bahay namin, walang nakakaalam kung paanong bahay lang namin ang natupok ng apoy at kung saan nag mula ito. Walang natirang damit maliban na lang sa suot-suot ng dalawang kapatid ko at ang suot ni mama. Blangko ang utak ko, paano na kami, ano na mangyayari sa amin. Pumasko pa rin ako ng school, napansin ng mga kaibigan ko na matamlay ako, nalaman kagad ni Poter ang ngyari agad-agad naman siya humingi ng pahintulot para makalikom ng tulong para akin. Nagpapasalmat ako ng lubusan sakanila, sa mga nagbigay at tumulong. Naglalakad-lakad ako sa may tabing ilog, umupo ako at nag nilay-nilay, paano kaya kung may makita akong bote tapos may lumabas na genie, paano kaya un? gusto sana hilingin na makapagsuot ako ng toga makaakyat sa stage kasama ng mga kaibigan ko, at makahanap na ng magandang trabaho. Sa sobrang pagod ko nakatulog ako sa tabing ilog.. hanggang sa.....
*tingi-ning-ngi-ning-ngi-ning* may bigla na lang lumabas na genie pero wala naman bote

Genie: "Ano kamo ang iyong kahilingan?"

Jenica: "Sino ka ba?"

Genie "Isa akong Genie hindi mo ba nakikita?"

Jenica: "Pero wala naman bote ha? saan ka nanggaling? adik ka noh?"

Genie: "Ako pa tong adik cge bahala ka kung ayaw mo maniwala heller"

papaalis na ang genie ngunit pinigilan ko siya.

Jenica: "Wait ! okay sige na naniniwala na ako, kaya mo ba talagang baguhin ang buhay ko sa isang iglap lang?"

Genie: "hindi, sa isang sulat, anong feeling mo? special ka teh?"



jenica: "Eh siraulo ka pala eh, aaa

bigla na lang akong nagising, panaginip lang pala. haha. biglang may narinig akong boses, may mga ilaw at camera sa paligid, at bakit may maliit akong mic. sa damit ko? may papalapit na reporter kasama mga kakalase ko pero bakit nakasuot sila ng pangkatulong? ano ba ito?

1....2....3....4...

JENICA GARNADA ikaw ay nasa "WISH KO LANG !" sabay tulo ng mga luha ko sa mata.




Dear wish ko lang,

Meron po akong kaibigan na si --------------, magkaklase po kami ngayong college. Masipag po siyang mag-aral, Nahinto siya ng ilang taon dahil sa kalagayan ng kanilang buhay. Kasusunog lang ng bahay nila noong nakaraan, wala pong natira sa mga gamit nila, buti na lang mababait mga kaklase namin at binigyan siya ng mga lumang damit. At sa tulong ng kapatiran nila sa iglesia ay kahit papano ay nagkaroon sila ng bubungan at higaan. Nakita ko po ang kalagayan ng buhay nila, wala silang ilaw, kaya ang dilim lalo na pag sumasapit na ang gabi, tanging maliit na gasera lamang ang gamit nila. Medyo may kaliitan ang tinitirhan nila. Meron siyang isang kapatid na babae at pitong taon na gulang na bunsong lalake, at siya ang panganay sakanila. Labandera ang kanyang ina, katulong ng kanyang ina ang kapatid niyang babae sa paglalaba. Habang siya po any namamasukan bilang kasambahay isang sakay mula sa kanilang tahanan. Mabuti na lang po ay mababait ang napasukan niya. Hindi po alam ng mga kaklase namin na namamasukan siya, ang pagkakalam nila mga tita at tito nya ang kasama niya sa bahay. Dahil sa takot na magiging reaksyon nila dito kaya hindi nya magawang masabi pa. Ang kanyang ama ay kasalukuyang nasa pihitan dahil sa droga. Kaya ngayon siya na lang ang inaasahan ng kanyang ina, madalas po siya noon na hindi kumakain dahil sa pagtitipid. Kahit po namamasukan siya pinagsikapan niyang mag-aral. Patapos na po kami ngayong taon siya lang po ang bukod tanging hindi makakasuot ng toga dahil medyo may kamahalan ito, nais ko po sanang makaakyat siya sa stage kasama namin. Pakiusap huwag niyo na pong ipaalam na ako ang sumulat kung sakaling mapili ninyo po ito. Umaasa po akong mabasa niyo to pakiusap sana po matulungan nyo po sila. Wala akong ibang maisip na paraan upang matulungan ko siya. Marami pong salamat.

eto po pala adress nila if sakali man.-------------------------------

Nagmamahal,

Giine

Saturday, March 20, 2010

Dear Sirang papel,

Masasabi kong daig ko pa ang mga pang famas at mga storya sa maalala mo pa kaya at magpakailanman dahil sa aking matinding napagdaanan sa aking buhay. Sagana nga kami sa pera pero mas gugustuhin ko pang magkaroon ng kompleto at maayos na pamilya. May mga magulang nga ko ngunit mas close ko pa mga kapitbahay namin kesa sakanila, mas pinili na lang nilang maghiwalay kesa sa buo nga ang pamilya wala namang halong pagmamahal na nag-uugnay sakanila. Si mama na daig pa ang isang dalaga kung bumili ng mga luho niya, at si papa naman idol ata si ramon revilla sa dami ng anak. Sira man ang family background ko panigurado na sakin ang swerte sa career o love life. Natapos na't lahat ang ang high school days ko pati na rin ang college days ko wala man lang love life na dumating. Pero wala pang ilang araw pagtapos ng graduation natanggap kagad ako sa trabaho at over qualified pa nga daw ako. Eto nana man ako, umaasa pa rin ako na makikilala ko na ang lalaking magpapatibok sa natutulog kong puso, at kung wala pa baka matuluyan ng hindi na ito magising sa pagkakahimlay ng matagal. Marami akong nakilalang kaibigan sa trabaho, mukha naman silang mababait kaya kung tratuhin ko sila ay parang mga kapatid ko na. Hanggang sa isang araw may pinakilala sakin ang isa kong kaibigan, pinsan niya, si Mikel. Matangkad siya at mukhang matalino kaso may gf na, yun lang. Palagi namin siya nakakasama kapag may mga party o birthday lalo na kapag walang pasok. Madalas kami magkausap sa txt dahil sa mga hinaing niya tungkol sa problema nila ng girl friend niya. Todo advice pa ako sakanya, at sobrang nagpapasalamat naman siya kapag nagkakaayos sila ng gf niya dahil daw sa mga payo ko. Kapag may extra time ako palagi niya ako pinipilit lumabas para lang itrit o magvideoke, pagpapasalamat daw yun dahil daw sakin going strong pa rin sila ng girl friend niya. Walalang naman sakin yun dahil wala naman kaming ginagawang masama pero ang hindi ko alam hindi na pala magandang tignan para sa iba. May gf siya at single ako, ako na palagi nilang nakikita na kasama si Mikel samantalang ang girlf friend dapat niya ang kasama niya. Itinigil ko na ang madalas na pagkikita at pag-uusap namin, tinatanong niya ko kung bakit at kung may nagawa daw ba siyang hindi maganda. Sinabi ko sakanya na busy lang talaga ako. ilang linggo pa lang ang nakakalipas pero parang nakakamiss rin pala, nakakamis ang mga panahong wala kong iniisip basta alam kong masaya ako pag magkasama kami ni Mikel. Alam kong mali pero bakit namimis lang naman diba? tinuon ko na lang ang isip ko at ang puso ko sa pagtatrabaho, mas mabuti na ito kesa isipan siya. Makalipas ang dalawang taon habang nagpapahinga ako sa aking malabot na kama bigla na lang may nagtxt at number lang ang nag-appear.

"Kamusta ka na? namiss kita."

ang weird ! naisip ko sino na man tong mokong na ito at ang lakas ng trip, nireplayan ko nga ng walang kamatayang .

"Who's this? do i know you where did you get my number?" mamaya pa nagreply

"si Mikel to."

oh shaiks. bigla akong nanlamig totoo ba talagang siya to. nagreply ako

"is this for real? Mikel who?" at mabilis siyang nagreply

"Yes, its me Mikel Laurente. still remember? Anna's cousin your friend. Musta ka na? its been a long time may bf ka na ba?"

omg! siya nga. hindi ko alam ang sasabihin ko pero paano niya nalaman number ko.

Doon na ulit nagstart ang closeness namin dalawa sa isat-isa at dahil na rin sa matagal na rin pala siyang wala ng gf. Nasabi niya sakin magkikita daw kami bukas sabi ko bakit naman kami magkikita, "haha" lang ang sagot ng mokong. Kinabukasan 'pag pasok ko sa office nagulat ako dahil nakasabay ko siya sa elevator, lalo siya naging magandang lalaki at ang bagay na bagay sakanya ang suot niyang business attire.

"Oh bakit andito ka ano meron?" tanong ko.

"Sabi ko namn sayo magkikita tayo diba?" sabay tawa.

"siraulo ka talaga" inis na sabi ko na may pagkakilig kasi naman ang gwapo niya. Sabay seryosong sabi ko

"saan ka nga ba talaga pupunta?"

sabay sabi niyang "pinupuntahan kita masama ba un?" at bigla niyang pang dagdag na

"makikita mo na ako araw-araw at wala ka ng choice dun"

sa isip-isip ko ano kaya sinasabi niya don't tell me . . . at tama nga hinala ko isa siya sa mga ittrain ko na mga bagong empleyado sa department namin. Naging super close na kami ulit. Isang gabi hinatid niya ako pauwi ayoko sana pero siya kasi mapilit. sabi niya

"okay lang naman siguro hatid ka single ako at single ka diba?"

"bat nga pala kayo naghiwalay ni Bea?" tanong ko. Ewan ko bat bigla ko bang natanong un.

"wala, hindi lang talaga siguro kami para sa isat-isa, malay mo tayo pala?" sabay tingin sakin ng malokong tingin.

"Gago !" sabay sambit ko sakanya.

Maya-maya nagpara na siya ng taxi. ihahatid niya pa sana ko hanggang bahay pero sabi ko 'wag na gabi na rin masyado. Iba ang mga araw ko sa trabaho kesa dati, madalas akong excited pumasok ng maaga at tila parang sabik akong makapunta na ng opisina. Nagkasabay na naman kami sa elevator.

"Good morning mam" nakangiting pagbati sakin ni Mikel.

Okay siya dahil alam niya kung kaylan siya pwede magbiro at kylan hindi, ginagalang niya ako at tinatratong trainor niya, pero pag sa labas ay sobrang kulit at pasaway niya sa akin. Ininvite niya ako minsan sa birthday ng mom niya, kantahan lang daw, dahil sa wala naman ako msyado gagawin sa mga araw na yun pumayag na rin ako. Nasundan na yun ng ilang punta sakanila lalo na kapag new year at christmas. Hindi ko masasabing M.U na kami or ano ba, kasi madalas niya ako hinahatid at palagi inaabangan sa elevator parang siraulo lang, sabi niya exciting daw un, ano naman kaya kaexcite-excite sa ginagawa niyang pag-aantay sakin palagi dun. Pero infairness exciting nga un dahil doon ay ginaganahan akong pumasok ng maaga tuwing 7:30 asahan mong andun na kagad siya at inaantay ako, nagugulat na lang ako nasa loob na siya kaga ng elevator. isang umaaga biniro ko siya.

Mikel: "Good Morning Mam !"
nagkataon na kami lang dalaw sa loob ng elevator.

Ako: "Trabaho mo bang maghatid sundo sa elevator? daig mo pa un mga guard dito huh"

Mikel: "No mam, hindi ko trabahong maghintay ng ilang oras sa isang babae at ihatid sundo siya, basta ang alam ko lang masaya akong ginagawa ito, ang paghihintay sa special na babae na un, anong malay natin may magandang resulta ang paghihintay ko"

hihiritan ko sana siya sa mga banat niya kaso huli na dahil bumukas na ang elevator. Ang hirap pala talaga kung hindi mo alam ang status niyo sa isat-isa, ni hindi ko alam kung panliligaw ba ang ginagawa niya sakin. halos tatlong taon kaming ganito pag tapos noon bigla na naman siya nawala ng parang bula kasabay ng Pagka promote ko sa opisina. Wala din balita ang pinsan niya tungkol sakanya, ni "ha" ni "ho" wala kong natanggap na mensahe. Joke ba ito? Masaya ka ngayon pero bukas hindi mo alam wala na pala ang taong nagpapasaya sayo, wala ng nangungulit. Nasanay akong may naghihintay sa akin sa elevator, sumasalubong sakin ng matamis na pagbati mula sa taong mahal ko. Dumaan ang halos apat na taon, napagod na ako sa pag-asang pagbukas ng elevator ay andun si Mikel na nakangiti sakin, pero walang Mikel na nagpakita. May iilan din akong naging bf pero hindi sila worth it para ibigay ko ang 100 % na pagmamahal ko. Sabi nga nila pag swerte ka sa career hindi ka magiging swerte sa lovelife, nakakalungkot naman isipin na mukha ngang tama sila. Medyo humupa na ang lungkot na nararamdaman ko sa pangungulila at sa pag-asang makakatagpo pa ko ng taong mamahalin ko at mamahalin din ako. Okay na sana ang lahat pero ang kaisa-isahang mentor ko sa buhay ay iniwan na ako, biglaan ang pagpunta niya sa ibang bansa dahil sa sobrang busy ko hindi ko man lang nakuha ang contact number niya. Siya lang ang bukod tanging nasasabihan ko ng mga pagpoprotesta ko sa buhay, sa lovelife at sa trabaho ko. Sobrang nalungkot talaga ko ng husto sa mga panahong kylangan ko ng makakusap. Pati mga inaakala kong mga tunay na kaibigan ay napag alaman kong mga peke pala. Ginagamit lang nila ko, pineperahan, at sa tuwing kylangan nila ng tulong ako kagad ang nilalapitan nila. Itinatak ko na sa utak ko na walang ibang maaasahan sa mundo kung hindi ang sarili mo lang talaga, lalo na kapg wala kang minamahal. Sarili lang ang dapat na pinagkakatiwalaan, at tanging sarili ko lang ang kakampi ko sa mundo. Hindi na ako muling aasa pa na may lalaking darating pa sa buhay ko, mas gugustuhin ko pang mabuhay ng nag-iisa, ng walang inaalala. Ganyan ang nasa isip ko sa mga panahon na nakulong ako kalungkutan. Isang araw sa mall may umagaw ng pansin ng isang batang babae sa akin, ang puti at ang lusog lusog niya. May bigla lumapit na lalake sakanya at kinarga siya. Napatingin kami sa isat-isa, si Mikel, si Mikel nga ba ang basa harapan ko? tanong ko sa sarile ko. Nagulat siya at biglang tanong na

Mikel: "Ikaw ba yan? oh kamusta ka na?"

Ako: "Okay lang naman ako, anak mo?" tanong ko.

Mikel: "Oo, ikaw kasi eh, nakakapagod din kaya mag-antay lang, edi sana anak natin ang kinakarga ko ngayon"

nakakatawa.. nakakatawang isipin na siya pa may ganang magsabi ng ganun sakin. Kahit na iniiwasan kong isipin at seryosohin ang sinabi niya tila hindi ko maalis sa isipan ko, pauli ulit na nag-eecho sa akin ang boses niya. Paano niya nasabi ang mga bagay na ganoon, parang feeling ko tuloy na ako pa tong may kasalanan, o sadyang ganun na ba talaga ko ka manhid para hindi maramdaman ang gusto niya ipahiwatid noon. "Nakakatawa" yan lang ang pauli-ulit kong nasasabi sa sarili ko. Sa paglingon ko ng mabilis papalayo sakanya nabuhusan ko ng shake ang isang lalaking nakasalubong ko, medyo nanginginig ang tuhod ko sa mga oras na un dahil sa sinabi niya, kaya hindi man lang ako nakapag sorry sa tao na nakabangga ko. Wala na ata akong pag-asa sa buhay, kaya nagdesisyon na akong 'wag na talagang mag-asawa. Iisipin ko na lang ang kinabukasan ko, magtatrabaho ng mabuti para kapag may masamang mangyari sakin may pang gastos ako. Sino pa bang mag-aalaga sakin, wala naman. Nag tilang ewan ata ako at bigla tuloy ako nagkasakit, nagulat ako nasa hospital na lang ako, naabutan daw akong walang malay sa may elevator. May isang taong ngdala daw sa akin, pero hindi daw iniwan yun pangalan. Binalewala ko lang siya naisip ko baka isa sa mga guards o sino man siya basta salamat. Matamlay akong pumasok kinabukasan, ang bigat ng pakiramdam ko. Pasara na ang elevator ng may isang lalaki humabol pa, medyo bata siya sa akin ng konti, matangkad at moreno siya. Nakakatuwa ang ngiti niya kasi kung makangisi siya abot hanggang tenga. Ilang minuto ang nakalipas bumaba na ang lahat sa ikawalong palapag, tanging siya at ako lang ang naiwan.

SIYA: "Ms. okay ka na ba ngayon?"

AKO: "huh?" sa isip-isip ko kilala ko ba siya, ano bang sinasabi niya.

SIYA: "Hindi mo na ako maalala? niyakap mo pa nga ko , tapos binuhat pa nga kita, sumakit pa nga likod ko."

AKO: "Bastos ka ha !" hindi ko alam ang sinasabi mo!" sigaw ko sakanya.

Wala talaga akong idea sa mga sinasabi ng lalaki na yun, barumbado msyado, hindi bagay sa pananamit niya. Hindi ko na lang siya pinansin pero maya-maya pa ay nasa likod ko na naman siya.

AKO: "Sinusundan mo ba ako?"

SIYA: "Teka Ms. relax ka lang, nagkataon lang na pareho tayo ng way na pupuntahan."

Parang napahiya ata ako nun. Naglakad na lang ako na kunwari walang ngyari. Pero ang kulit niya dumidikit siya sa akin at parang ng-aasar talaga. Binilisan ko na lang ang paglalakad at iniwanan siya. Pumasko si President Chua, at may pinakilala sa amin, bagong Manager namin. Mr. Ramon Yi ang pangalan, sa pag tingin ko ang bastos na lalaki sa elevator ang bago naming manager. Nakakatawng isipin na paanong? mapaglaro talaga ang tadhana. "nakakatawa" yan na lang ang palagi kong sambit sa sarili. Ipinakilala siya sa amin isa-isa at syempre kaylangan namin magbigay galang sa mataas sa amin. Parang nakakaloko at mapang asar ng tinignan niya ako. Matapos ang isang linggong tambak na trabaho sa opisina sa pag sakay ko ng elevator andun si Mr. Barumbado at ang kanyang malokong ngiti.

SIYA: "Hello Ms. I'm Ramon Yi, just call me Ramon, and you are?"

Sa isip ko pwede naman sigurong sumagot ako ng pabalang sakanya dahil wala na kami sa loob ng opisina at dahil sa super inis na talaga ko sakanya ito pagkakataon ko para barahin siya!

AKO: "Ah..eh, I'm ____ po sir"

SIYA: "Don't call me sir, Ramon na lang, para atang hindi ka masungit ngayon? Mas cute kang tignan pag nagsusungit ka" sabay ngiti niya.

AKO: "Ah sige na sir , Ramon pala mauna na ako."

Hinabol niya ako at sabay sabing "Pwede ba kitang ihatid? sana pwede?"

Gusto ko sana tumanggi pero hindi ko alam bat hindi ko nagawang tanggihan siya. Napag alaman ko siya ang lalaking nagdala sa akin sa hospital at siya rin pala ang lalaking nakabanggahan ko at nabuhusan ng shake. nakakatuwa, nakakatawa talaga sambit ko na naman sa sarili. Yun lang ang una't huling hinatid niya ako, dahil ayokong dumating sa point na maiwan na naman ako sa ere ng mga lalaking napapamahal sa akin. Pero masipag siya, makulit na sinusuyo ako, kahit na madalas ko siya sungitan. Isang gabi nagtapat siya ng pag-ibig sa akin, hindi ko talaga inaasahan ang pangyayari na yun, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, basta ang alam ko lang ayoko na masaktan, ayoko na.. Patulog na ako pero hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Ramon, para na akong nababaliw dahil kinakausap ko na ang sarili ko.

sarili 1: "Duwag ka, alam mo kung bakit? kasi natatakot ka magmahal, natatakot ka na kapag binigay mo ang pagmamahal mo sa isang tao iniisip mo kagad na baka masaktan ka lang."

sarili 2:"tama! hindi mo masasabing pag-ibig ang nararamdaman mo kung wala kang sakit na pagdaraanan"

Ako: "Hindi.. hindi, dahil nakakapagod at nakakasawa din masaktan, ayoko na, nagbibiro lang siya, baka nagtritrip lang yun."

Sarili1: "paano kung hindi? paano kung mahal ka talaga niya? paano kung mapalampas mo pa ang pagkakataon na matagal mo ng hinihintay?"

Sarili 2: "tama ! bakit hindi mo ulit subukan? anong malay mo? na siya na ang lalaking nakalaan sayo"

AKO: "paano kung hindi siya?"

Sarili 1 & 2: "paano mo malalaman kung hindi mo susubukan!?"

AKO: "Waaaahhhh ! ah basta ! ayoko na !"

kinabukasan, pumayag na akong ihatid niya ako. Mabait naman pala siya, maloko lang.

SIYA: "Anong tingin mo sakin?" bigla niyang tanong.

AKO: "Anong tingin? Ah, hindi ka kagwapuhan matangkad ka lang tapos palagi ka lang kasi nakangiti kaya nagmumukha ka lang cute"

SIYA: "Talaga?? haha" sabi niya sabay seryoso ng mukha niya. "Gusto ko palagi ka nakikitang masaya, sana payagan mo ako maging isa sa mga dahilan ng bawat ngiti mo"

Wala ako nasabi, nanlamig nalang ako at tila gustong bumigay ng dalawang tuhod ko, basta ang hirap iexplain ng pakiramdam sa mga oras na yun. Siya na nga ba ang hapiness na matagal ko ng inaantay, na matagal ko ng pinagdarasal, matagal ko din pinag isipan ang bagay na yan. Taon din ako sinuyo ng husto ni Ramon, matyaga talaga siya kaya naman hindi imposibleng na naging kami. Wala pang petsa sa ngayon ang pagpapakasal namin, pero isa lang ang napatunayan ko sa mundo, na habang buhay may pag-asa, na kahit mukhang imposible pwede pa rin maging posible. Kahit pa ilang elevator pa ang napalampas ko may tanging nakalaan pa rin sa bawat sasakay nito, na naghihintay lang na makasakay ka. Masaya kami sa kung ano man status namin ngayon, hindi ako umaasa na magiging kami na talaga sa future, basta masaya kami ngayon, masayang masaya. ^__^

Short story

Bigla na lang akong nagising sa my jeep muntikan na naman akong lumampas sa bababaan ko, buti na lang nagising ako sa ingay ng wang-wang ng isang ambulansya. Bakit kaya? ang daming tao sa may kabilang tawiran, gusto ko sana silipin kaso male-late na talaga ko, ipagdadasal ko na lang na sana wala nasaktan sa aksidenteng un. Ang sarap sa pakiramdam pag naghahabol ka ng oras lalo na kapag nakarating ka ng klase mo na 1minute na lang malalate ka na. haha ang saya talaga nun. maliban na lang sa pakikipagsik-sikan sa BUS. Damn, sobrang dami na naman tao, ano pa bang bago, ayos na ayos kang umalis ng bahay at eto ko ngayon makikipagsiksikan lang sa ibat-ibang klase at amoy ng mga tao, nakakainis talaga. Pinalampas ko muna ang isang bus, sa susunod na lang ako sasakay for sure medyo maluwang na. ilang minuto lang dumating na ang susunod na sasakyan, tama nga hinala ko medyo maluwang na kahit papano. Buti na lang may iilan pang bakanteng upuan pero mabilis din itong mapuno kagad. May isang matandang lalake ang pinaupo ng isang . . wow gwapo at matangkad na lalaki. Nakakturn on un ginawa niya. Habang tinitignan ko siya bigla siya napatigin sakin, ang bilis ng tibok ng puso ko. nahuli niya ata ako nakatingin sakanya. Paano ba naman ang ganda ng labi niya parang ang sarap sarap halikan, at ang katawan niya panalo! Napapangiti na lang ako, kasi nahuhuli ko siya tinitignan niya rin ako. Bigla binulabog ni lolo ang momentum ko, un matandang lalaking pinaupo ni mala fafa piolo ang katawan. Nakakadiri ng bigla na lang ako kinindatan ng matanda at ang tingin niya sakin ay para niya na akong hinuhubaran, muntik ko na tuloy malunok ang candy sa bibig ko. Sa sobrang takot ko baka bigla na lang siya may gawin di maganda ewan ko ba at napasama ko sa mga bumaba ng mga oras na yun. Hindi pa ako masyado nakakalayo sa mga oras na yun bumangga ang bus na sinakyan ko sa isang truck at bigla na lang tong sumabog. -THE END

Sunday, March 7, 2010

Isang malaking turn off

nasa LRT ako that time ng may umagaw pansin sakin na babae, ganda ng uniform niya fit na fit sakanya, maganda siya, at ang ganda ng cellphone niya. Ng umalis un nasa harapan niya agad siya umupo biglang nagtaas ng kilay ang isang mukhang prof. na babaeng nasa edad na 40 plus. Ilang stasyon pa bago ko bumaba, so matagal tagal din ako nag-usisa sa loob ng LRT, pero wala kaintereinteresado sakanila,except sakanya. Paano ba naman nagtetext siya ng wala naman tinetext,para lang siguro maiwasan niya un tingin ng matandang baabe nasa harapan niya. Dalawang station pa bababa na ako, Medyo inaantok na aco, pero halasha.,. si pretty vain girlaloo ng tatanggal ng dumi sa likod ng tenga niya, at talaga namang nirorolyo niya pa at pinatalsik sa lapag. OMG. Tatlong ulit niya pa ginawa yun, at dahil dyan napatunayan kong MAS MAGANDA ko sakanya ! haha.

Marami na rin akong nakilalang lalaki, karamihan sakanila mga my itsura, sa 10 cguro sakanila 6 lang ang matinong kausap, at sila pa un mga hindi uso ang itsura. nakakatuwa kasi kahit na gaano pa sila kagwapo mapapatunayan mo talgang hindi lahat binibigay sa isang tao. marahil nakuha nila ang kagandahang itsura, kutis na makinis, matangos na ilong, at magandang pangangatawan.Pero malaking TURN OFF naman pag silay nakausap mo.haha. nakakatawa, kahit anong gawin mo hindi ka matatawa sa mga corny jokes nila, nakakaboring at walang sense kausap, if hindi naman puro kabastusan lang ang laman ng utak nila.May mga lalaki pa ba na hindi bastos ngayon, parang super liberated na ata ang pinas. tsk.tsk.