Search This Blog

Tuesday, September 21, 2010

Bakit ba sa tuwing sasambitin
ko ang salitang "mahal kita"
palagi mo na lang binabato
ang salitang "salamat"

sana hindi ka na lang nag salita
mas mabuti yun kesa sa
salitang binitawan mo

bakit ba sa tuwing sinasabi ko
lang ang nararamdaman ko

bakit ba palagi mo na lang
nililihis sa mga kwentong
barbero mo

sinabi mo kaibigan mo lang
ako, pero kung bakit tratuhin
mo ko daig mo pa ang asawa
ng ate ko

sinasadya mo ba talaga
akong linlangin

sumasakit na ang ulo ko
sa mga pinapakita mong
palaisipan

daig mo pa ang sodoku
kung paganahin ang isip ko

kung ayaw mo sa akin pwede
'wag ka na lang gumawa pa
ng dahilan para lalo pa akong
mahulog sayo

-ale na naka high na nag-eemote

Ang lampara at ang gamo-gamo

Para kang isang gamo-gamo
at ako naman ang lampara

katulad ng gamo-gamo
hilig niya ang kaanyuan
at liwanag na taglay
ng isang lampara

kahit na alam niyang maari
siyang mapahamak at masaktan
sa pag dikit niya dito

pilit at patuloy niya
pa rin itong ginagawa

mahirap para sa isang lampara
makitang nasasaktan ang
kawawang gamo-gamo

wala siya magawa kung hindi
mapanood lang ang pagdurusa
ng munting gamo-gamo

habang unti unting nanghihina
ang kanyang maliit na katawan
hanggang sa tuluyan na
itong mahulog at mawalan
ng mga pakpak

kung pwede lang sana saluhin
ni lampara sa pagkahulog
si gamo-gamo

matagal niya sana itong
ginawa

kung pwede lang sana
kung pwede lang...

Paano

Paano mo pa masasabi sa isang
kaibigan na "You can leon on me"
na "I'll be there" at ang katagang
"i'm just one call away"
kung ang dahilan ng kalungkutan niya
ay IKAW.

Paano mo pa ba siya mapapayuan
kung ang gusto niya lang
marinig mula sayo ay ang tatlong
salita na "mahal din kita".

Paano mo pa ba siya madadamayan
sa pag-iyak, kung ang bawat patak
ng luha niya ay dahil sa pagbitiw
mo ng "andito ako kaibigan mo"
(KAIBIGAN mo lang...)

Paano mo pa pakikinggan ang
kanyang mga daing
kung ang tanging dinadaing
lamang niya ay walang
iba kung hindi ang pag-ibig mo.

Paano mo pa siya matutulungan
kung IKAW mismo ang problema
niya.

..............................

.....................................


natatawa na lang ako kapag
naiisip ko ang mga bagay na
sinabi ko sayo noon

na "wala na kong ibang gusto
kung hindi ikaw lang, ikaw lang"

naalala mo noong mga panahong
walang ibang nakikita ang mata
ng puso ko kung hindi ang puso
mo lang

ang sabi ko sayo noon patuloy
pa rin kitang mamahalin kahit
na wala ka na man pagmamahal
para sa akin

bigla ka na lang tumawa at sinabi
mong "nasasabi mo lang yan ngayon"

dinadaan mo lang lahat sa biro
ang mga sinasabi ko sayo

bakit ba hindi mo maintindihan
na mahal lang talaga kita
kasalanan ko ba?

nakakatawa ka kasi
nasa harapan mo na nga ako
hindi mo pa rin napapansin

nakakatawa ka kasi ang
laki mong tanga dahil
hinayaan mo lang ako
mawala sa buhay mo

nakakatawa....
nakakatawa....

kasi hanggagang ngayon
pinipilit ko pa ring lokohin
at paniwaliin ang sarili ko
na hindi na kita minamahal pa

..............................