Search This Blog

Monday, March 22, 2010

Wisk ko lang


Dear Sirang Papel,

Tawagin niyo na lang po ako sa pangalang Jenica, nais ko lang po sana ibahagi ang kwento ng aking simpleng buhay ngunit isang napaka makulay. Makulay siya masasabi dahil hindi lang puro iyak at kalungkutan ang aking naranasan dahil na rin po sa malaking pagbabago ng aking buhay. Ako po ay sunod sa luho noong aking kabataan, halos lahat ng damit at sapatos na naisin ko ay nabibili ko, lahat ng gusto kong pagkain ay natitikman ko. Masasabi kong may kaya ang aming pamilya noon, ngunit nag wakas ang lahat dahil sa isang pangyayari. Nalulon po sa droga ang aking ama, mabuting tao si papa at mabuting rin siyang ama sa amin tatlong magkakapatid. Naalala ko pa kapag palagi niya ako sinasaway na matulog na at huwag ng magbasa sa dilim. Nakaugalian ko na po kasi magbasa ng libro lalo na ang mag-aral, kaya naman namimiss ko ang boses ni papa sa tuwing napupuyat ako sa pagbabasa. Hindi ko alam kung bakit nasangkot siya sa pag gamit ng pinagbabawal na gamot. Sinubukan niyang magbago para sa amin nila mama ngunit sadyang hirap na siya makatas sa tuksong dala ng droga. Kasalukuyang nakakulong sa pihitan ang aking papa ngayon, simula ng nakulong siya naiba na ang estado ng aming pamumuhay, ibang-iba sa dati. Nahinto ako ng dalawang taon sa kolehiyo, 2nd year college na sana ako, naisip kong paunahing mag-aral muna ang bunso kong kapatid saka na ako mag-aaral ulit kapag nakaluwang na kami sa gastusin. Kaso inabutan na naman ako ng isang taon wala pa rin nangyari, nagdesisyon akong manilbihan bilang isang kasambahay isa sa mga kakilala ni mama, lumipat na rin kami ng tirahan malapit sa iilan naming kamag-anak. Isang sakay lang papunta sa amin mula sa tinitirhan ng amo ko. Mabait sila tita Lenny at tito Tony, pumayag silang tita at tito na lang ang itawag ko sakanila, maswerte ako dahil mabait sila sa akin. Hindi naman msyado mabigat ang gawain na pinapagawa nila sa akin, kaya nagdesisyon akong subukang mag entrance exam sa isang public school. Ano naman masama kung susubukan? malay mo makapasa ako, ayan lang ang tanging nasa isip ko sa mga oras na andoon na ako sa loob ng eskwelahan. Palihim akong umalis sa amin upang alamin kung nakapasa ako, habang papunta ako sa listahan ng mga pumasa medyo kinakabahan ako paano kaya kung hindi ako nakapasa, pero ng tignan ko ang first letter ng Last name ko, tuwang tuwa ako sa galak dahil andoon ang pangalan ko. Excited akong umuwi ng bahay, hindi ko alam kung paano sasabihin sa mama ko at kela tita pero hindi ko muna sinabi at nag-enrol na lang ako basta ng hindi nila nalaman. Pasgkatapos ng mahabang pila sa pag-eenrol saka ko sinabi kay mama ang ginawa ko. Nasigawan ako ng konti pero naiintindihan ko si mama kahit naman ganoon siya masaya daw siya para sa akin dahil nakapasa ako, nag-aalala lang siya para sa akin, paano ko daw mapagsasabay ang pag-aaral ko kung inaalagaan ko sila tita. "Alam ba yan nila tita lenny mo? paano kung hindi sila pumayag anak ha?" tanong ni mama. Umiyak na lang ako, hindi ko kasi alam kung paano nga kung hindi nila ako payagan, makakapag-aral pa kaya ako, iilan lang yan sa mga tanong ko sa sarili. Kina umagahan naglakas loob akong kausapin sila tito Tony, sobrang kaba sa dibdib ang naramdaman ko habang kausap sila, "tita, tito, nag-enrol po ako sa UDM nakapasa po kasi ako sa entrance exam, pwede po bang payagan niyo po akong makapag-aral?" pakiusap ko. nagtinginan silang dalawa at hindi nkapagtatakang medyo nagulat sila sa hinihiling ko. "basta ba gawin mo pa rin kung ano man ang trabaho mo dito sa bahay okay lang" sabi ni tita Lenny, "at umuwi ka palagi ng maaga ha". sabi naman ni tito Tony. Nawala lahat ng kaba sa dibdib at talaga naman ang saya ko. Nagsimula na ang unang klase, pangalawa, pangatlo, nakakapagod pala, parang hindi na ata makakaya pa ng katawan ko. Hindi ako makapag-aral at makapagbasa pa ng libro dahil pag-uwi ko hindi ko dapat kalimutan na hiram lang na sandali ang pag-aaral ko, balik kasambahay na naman ako, at balik bilang panganay na anak. Ang ginagawa ko na lang hindi na ako nag lulunch break imbes nasa library ako at nag-aaral, nagbabasa, nagrereview para bukas at sa susunod na bukas. Hanggang sa nagkasakit ako, nagkaroon akon ng ulcer sa madalas na pagpapalipas ng gutom. Madalas ako yayain ng mga kaklase ko na kumain at nagtataka sila kung bakit hindi ako kumakain, ang hindi nila alam, sakto lang sa pamasahe balikan ang baon ko. Pero nang sumahod ako hindi ko na hinayaang malipasan pa ako ulit ng gutom. Naging kaclose ko na ang mga kaklase ko, marami akong naging kaibigan, kabilang na dito sila Badong, Julia, Edwardo, Toto, at marami pa sila. Pero sila lang ang madalas kong nakakasama, pero kahit gaano pa namin kaopen sa isat-isa hindi ko pa rin magawang maging tapat sakanila. Isang araw sa loob ng aming class room tinawag ako ni Ms. Tolentino upang magresite, napunta sa tanong niya ang isa sa mga personal kong buhay. Naikwento ko sakanila na nakatira ako sa tita at tito ko hindi ko sinabi na isa akong kasambahay at hindi ko sila tunay na kamag-anak. Nahiya ako ngn husto sa sinabi ko, hindi ako nakatulog ng sapat dahil sa pag-iisip, natatakot akong baka layuan din nila ako gaya ng dati kong kaibigan pagkatapos kong ipag tapat ang kwento ng aking buhay sakanila ay bigla na lang nila akong iniwasan na para akong may sakit, lalo na nang nalaman nilang nasa bilangguan ang aking papa. Pero napagdesisyonan kong ipagtapat na sakanila ang totoo, gumaan ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko parang nawala lahat ng hinanakit ko sa mundo ng malabas ko lahat ng lungkot at hirap na pinag daanan ko. Umiyak sila at niyakap ako, sinabi nilang kaibigan ko sila at kahit anong oras ay maaasahan ko sila wag lang daw sa utangan, tawanan kaming lahat. Nagkaroon din ako ng magandang love life, nakilala ko si Poter, isa sa mga kaklase ko, gwapo siya, tahimik lang, pero mukhang matalino dahil sakanyang makapal na gradong suot na salamin. Isa siya sa mga labasan ko ng sama ng loob, kakwentuhan, kabiruan at matalik kong kaibigan. Masaya ako pumapasok araw-araw dahil sakanya, napansin ng mga kaklase ko ang pagbabagong nagaganap sa akin. "wow Jenica ! blooming ka ngayon ha! inlove?" pang-asar na hiyawan nila. Masyadong torpe si Poter, kaya nalaman ko lang sa iba na matagal na pala siyang may gusto sa akin. Gusto niya ako at gusto ko din siya, pero may mga bagay na kahit anong gawin mo ay para lang kayong negative at positive na magnet kahit kylan ay hindi mo pwedeng maipagdikit. tama ba? haha. mali ata. basta un na yun. Iglesia ako at siya naman ay catholic, hindi talaga pwede. Naging kami pero isang araw lang, sobrang nasaktan ko siya alam ko, dahil nakita ko siya umiiyak at dahil sakin yun, wala ako magawa pero sinubukan ko naman pero hindi talaga pwede maging kami. Nag focus na lang ako sa pag-aaral, nag-aral ako ng nag-aral, hanggang sa isa ako sa mga naging dean lister. Malapit na kaming makapagtapos ng kolehiyo, excited na akong makaakyat ng stage, at makapag suot ng toga. Pero mapaglaro ang tadhana, sa pag-uwi ko sa amin sinalubong ako ng isang sunog na bahay, nasunog ang bahay namin, walang nakakaalam kung paanong bahay lang namin ang natupok ng apoy at kung saan nag mula ito. Walang natirang damit maliban na lang sa suot-suot ng dalawang kapatid ko at ang suot ni mama. Blangko ang utak ko, paano na kami, ano na mangyayari sa amin. Pumasko pa rin ako ng school, napansin ng mga kaibigan ko na matamlay ako, nalaman kagad ni Poter ang ngyari agad-agad naman siya humingi ng pahintulot para makalikom ng tulong para akin. Nagpapasalmat ako ng lubusan sakanila, sa mga nagbigay at tumulong. Naglalakad-lakad ako sa may tabing ilog, umupo ako at nag nilay-nilay, paano kaya kung may makita akong bote tapos may lumabas na genie, paano kaya un? gusto sana hilingin na makapagsuot ako ng toga makaakyat sa stage kasama ng mga kaibigan ko, at makahanap na ng magandang trabaho. Sa sobrang pagod ko nakatulog ako sa tabing ilog.. hanggang sa.....
*tingi-ning-ngi-ning-ngi-ning* may bigla na lang lumabas na genie pero wala naman bote

Genie: "Ano kamo ang iyong kahilingan?"

Jenica: "Sino ka ba?"

Genie "Isa akong Genie hindi mo ba nakikita?"

Jenica: "Pero wala naman bote ha? saan ka nanggaling? adik ka noh?"

Genie: "Ako pa tong adik cge bahala ka kung ayaw mo maniwala heller"

papaalis na ang genie ngunit pinigilan ko siya.

Jenica: "Wait ! okay sige na naniniwala na ako, kaya mo ba talagang baguhin ang buhay ko sa isang iglap lang?"

Genie: "hindi, sa isang sulat, anong feeling mo? special ka teh?"



jenica: "Eh siraulo ka pala eh, aaa

bigla na lang akong nagising, panaginip lang pala. haha. biglang may narinig akong boses, may mga ilaw at camera sa paligid, at bakit may maliit akong mic. sa damit ko? may papalapit na reporter kasama mga kakalase ko pero bakit nakasuot sila ng pangkatulong? ano ba ito?

1....2....3....4...

JENICA GARNADA ikaw ay nasa "WISH KO LANG !" sabay tulo ng mga luha ko sa mata.




Dear wish ko lang,

Meron po akong kaibigan na si --------------, magkaklase po kami ngayong college. Masipag po siyang mag-aral, Nahinto siya ng ilang taon dahil sa kalagayan ng kanilang buhay. Kasusunog lang ng bahay nila noong nakaraan, wala pong natira sa mga gamit nila, buti na lang mababait mga kaklase namin at binigyan siya ng mga lumang damit. At sa tulong ng kapatiran nila sa iglesia ay kahit papano ay nagkaroon sila ng bubungan at higaan. Nakita ko po ang kalagayan ng buhay nila, wala silang ilaw, kaya ang dilim lalo na pag sumasapit na ang gabi, tanging maliit na gasera lamang ang gamit nila. Medyo may kaliitan ang tinitirhan nila. Meron siyang isang kapatid na babae at pitong taon na gulang na bunsong lalake, at siya ang panganay sakanila. Labandera ang kanyang ina, katulong ng kanyang ina ang kapatid niyang babae sa paglalaba. Habang siya po any namamasukan bilang kasambahay isang sakay mula sa kanilang tahanan. Mabuti na lang po ay mababait ang napasukan niya. Hindi po alam ng mga kaklase namin na namamasukan siya, ang pagkakalam nila mga tita at tito nya ang kasama niya sa bahay. Dahil sa takot na magiging reaksyon nila dito kaya hindi nya magawang masabi pa. Ang kanyang ama ay kasalukuyang nasa pihitan dahil sa droga. Kaya ngayon siya na lang ang inaasahan ng kanyang ina, madalas po siya noon na hindi kumakain dahil sa pagtitipid. Kahit po namamasukan siya pinagsikapan niyang mag-aral. Patapos na po kami ngayong taon siya lang po ang bukod tanging hindi makakasuot ng toga dahil medyo may kamahalan ito, nais ko po sanang makaakyat siya sa stage kasama namin. Pakiusap huwag niyo na pong ipaalam na ako ang sumulat kung sakaling mapili ninyo po ito. Umaasa po akong mabasa niyo to pakiusap sana po matulungan nyo po sila. Wala akong ibang maisip na paraan upang matulungan ko siya. Marami pong salamat.

eto po pala adress nila if sakali man.-------------------------------

Nagmamahal,

Giine