Search This Blog

Thursday, January 13, 2011

Mr. Stefan & Me

Kasama ako magpatingin kanina , mabuti naman at maayos lahat ng result.
Nakakainip pumila at maghintay doon, buti na lang kinausap ako ng katabi ko, at siya nga si Mr. Stefan. =)

Mr Stefan : "Iha ano bang sakit mo?"

Ganda: "Ay hindi po ako, tatay ko po"

Mr. Stefan: "Ilan taon ka na ba?" "ok lang ba my isshare lang ako saiyo kung ok lang para hindi tayo mainip kakahintay"

Gondo: "okay lang po un! . kayo po ilan taon? =) (sabay tago ng celphone nabitin sa wifi)

Mr. Stefan: "74 na ako, matanda na. ikaw ba ilan taon na?"

Ganda: "Wow po ! as in!? hindi po halata ang lakas lakas nyo pa po ah, ang galeng naman. =)"

Mr. Stefan: "Sbi nga nila, ang dami nga nagsasabi sakin yan lalo na sa opisina dati. ano daw ba sekreto ko. Ilan taon kna nga ba ?"

Gondo: "Oh, ano po ba sekreto nyo? nakakatuwa naman ^^"

Mr. Stefan: "Eto sinabi ko na ito sa mga nakakausap ko, sasabihin ko din sayo"

Ganda: (hindi kaya kapangyarihan ito, imposibleng bato ni Darna kc lalaki na man siya. captain barbel kaya? o baka naman my orasyon. nag gugood time lang kaya tong si manong?)

Mr.Stefan: "eto huh makinig kang mabuti pwede mo rin itong ishare sa iba"

Gondo: "paulet ulet.? ^^ tagal na man. "

Mr. Stefan: "Pakakatandaan mo ito, sa buhay ng tao wala ka talagang masasabi kung hindi "MABUTI ANG DIYOS" basta magtiwala ka lang sakanya, alam mo ako madalang lang talaga ako magkasakit, sinasabi nila bakit daw ang lakas lakas ko pa. Naniniwala ako sa mundong itong gumawa ka lang ng mabuti sa kapwa mo, kahit na may sabihin sila masama laban sayo, tahimik ka lang. ipaubaya mo na lang kay Lord ang lahat. Di ba nga sabi nila pag binato ka ng bato batuin mo ng tinapay"

Ganda: "Pano po pag wla akong tinapay?"

Mr. Stefan: (medyo masama ang tingin)

Gondo: "ahe..Joke lang po tay ! (sabay tapik) echoosz! ^^

Mr. Stefan: "kaya pakakatandaan mo lang yan, maging mabuti ka lang, lahat maganda balik sayo, masaya ang buhay, maganda ang buhay. Ilan taon ka na ?"

Ganda: (kulet?..........LOL) 20 po tay. ay joke lang ! 21 po. .............................."

Mr. Stefan: "Mukha ka lang kasi Elementary, liit mo . pero okay lang yan ang gondo-gondo mo nman"

AYUN OH ! :))



-The End <3