nspirational Quotes on Work, with Pinoy translation by RoBoCap | for everyone |
INSPIRATIONAL QUOTES ON WORK
"MGA SIPING PAMUKAW UKOL SA TRABAHO"
"MGA SIPING PAMUKAW UKOL SA TRABAHO"
Success is not the key to happiness. Happiness is the key to success. If you love what you are doing, you will be successful.
"Hindi tagumpay ang susi sa kaligayahan. Kaligayahan ang susi sa tagumpay. Kung mahal mo ang ginagawa mo, magtatagumpay ka."

- Albert Schweitzer
The highest reward for a person's toil is not what they get for it, but what they become by it.
"Ang pinakabiyaya sa tao ng kaniyang pagsisikap ay hindi ang kaniyang masusuweldo, kundi ang ikauunlad ng kaniyang pagkatao."

- John Ruskin
The man who does not work for the love of work but only for money is not likely to make money nor find much fun in life.
"Ang gumagawang walang pagmamahal sa kaniyang ginagawa, walang gaanong napapalang yaman o kasiyahan."

- Charles Schwab
The only thing that overcomes hard luck is hard work.
"Matinding sikap lang ang tumatalo sa matinding malas".

- Harry Golden
The price of success is hard work, dedication to the job at hand, and the determination that whether we win or lose, we have applied the best of ourselves to the task at hand.
"Upang magtagumpay, kailangan ng sipag, tiyaga, at paniniwalang manalo man tayo o mabigo, ibinuhos natin ang abot ng ating makakaya sa ating ginawa."

- Vince Lombardi
Work relieves us from three great evils: boredom, vice, and want.
"Inililigtas tayo ng paggawa sa tatlong malalaking perhuwisyo: pananamlay, bisyo at reklamo."

- French Proverb
Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life.
"Pumili ka ng mamahalin mong hanapbuhay, at makapaglilibang ka na habambuhay."
- Confucius

When work is a pleasure, life is joy! When work is a duty, life is slavery.
"Kapag gusto ang trabaho, ang sarap! Kapag ayaw ang trabaho, ang saklap!"

- Maxim Gorky
When you cease to make a contribution, you begin to die.
"Kapag huminto ka nang magbigay, nagsisimula ka nang mamatay."
- Eleanor Roosevelt

The object of living is work, experience and happiness. There joy in work. All that money can do is buy you someone else's work in exchange for our own. There is no happiness except in the realization that we have accomplished something.
"Pagsisikap, karanasan at kaligayahan - 'yan ang layunin ng buhay. May ligaya sa pagsisikap. Ang magagawa lang ng pera ay bilhin ang pinagsikapan ng iba kapalit ng pagsisikap mo. Wala tayong ibang ligaya kundi ang malamang mayroon tayong nagawa."
- Henry Ford

It is the quality of our work which will please God and not the quantity.
"Sa husay ng pagkakagawa matutuwa ang Diyos, hindi sa rami."

- Mahatma Gandhi
Let us realize that the privilege to work is a gift, that power to work is a blessing, that love of work is success.
"Matauhan tayong ang pagkakataong magtrabaho ay biyaya, ang kakayahang magtrabaho ay pagpapala, ang pagmamahal sa trabaho ay tagumpay."

- David O. Mckay
One machine can do the work of fifty ordinary men. No machine can do the work of one extraordinary man.
"Kayang gawin ng isang makina ang nagagawa ng limampung ordinaryong tao. Walang makinang kayang gawin ang magagawa ng isang ekstraordinaryong tao."

- Elbert Hubbard
Every job is a self-portrait of the person who does it. Autograph your work with excellence.
"Bawat trabaho ay larawan ng taong gumawa no'n. Lagdaan mo ng husay ang gawa mo."

- Unknown
Sometimes the things that may or may not be true are the things a man needs to believe in the most. That people are basically good; that honor, courage, and virtue mean everything; that power and money, money and power mean nothing; that good always triumphs over evil; and I want you to remember this, that love... true love never dies. You remember that, boy. You remember that. Doesn't matter if it's true or not. You see, a man should believe in those things, because those are the things worth believing in.
"Kung minsan, ang mga bagay na di-mapatutunayan ang pinakadapat paniwalaan.
Na mabuti ang tao;
na dangal, tapang at bait ang tanging kailangan;
na walang katuturan ang posisyon at pera, pera at posisyon;
na laging dinadaig ng kabutihan ang kasamaan;
at tandaan mo ito, na ang pag-ibig… hindi kailanman mamamatay ang tunay na pag-ibig.
Tandaan mo 'yan, iho. Tandaan mo 'yan. Hindi mahalaga kung totoo o hindi. Alam mo kasi, ito ang mga dapat paniwalaan ng tao, dahil ito ang mga makabuluhang paniwalaan."

- Hub McCann (Secondhand Lions)
Filipino Translation by:
Ronan B. Capinding
No comments:
Post a Comment