paano ko makakagawa ng kanta
kung di ako marunong mag-guitara
paano ko makakabuo ng isang storya
kung di ko alam kung paano simula
at kung paano ito tatapusin
paano nga ba makakalikha ng isang
magandang tula kung hindi
tugma ang mga salita
sa paghawak ko ng aking panulat
kusang nabubuo at lumalabas
ang mga nakatagong salita
hindi gaano kagandang
bigkasin at hindi gaano kaganda
pakinggan
ngunit lahatng itoy
"practice lamang"
Wednesday, January 6, 2010
huling mensahe
ang huling mensahe
mo sakin
pero wala man lang kahit
konting luha ang tumulo
sa pisngi ko
pilit kong pinapakiramdaman
ang sarili
ngunit ni isang emosyon
wala akong maramdaman
paikot-ikot sa kama
harap dun,
harap dito,
naiinis ako.
naiinis talaga ko..
pambhira! expired na pala ko!
"YOUR UNLIMITED HAS ALREADY EXPIRED"
mo sakin
pero wala man lang kahit
konting luha ang tumulo
sa pisngi ko
pilit kong pinapakiramdaman
ang sarili
ngunit ni isang emosyon
wala akong maramdaman
paikot-ikot sa kama
harap dun,
harap dito,
naiinis ako.
naiinis talaga ko..
pambhira! expired na pala ko!
"YOUR UNLIMITED HAS ALREADY EXPIRED"
Dear Sirang Papel,
Sana ay mabasa nyo po ang aking munting kwento tungkol sa aking buhay,pag-ibig,at pag-asa.Nais ko rin po sanang magsilbing inspirasyon sa mga readers nyo, kung meron man. Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang "Nene". 29 taon na po akong nabubuhay dito sa mundo pero ni minsan hindi pa nadampihan ng ibang labi ang labi ko, ni minsan wala pang lalake ang bumalot sa inosenteng katawan ko at ni minsan hindi pa nabahiran ng dungis ang pagkababae ko. Opo, tama po kayo, birhen pa po ako. 'Wag na po kayong magduda tama po ang nabasa nyo. Masasabi ko na endanger na po ang mga katulad ko, pero kalabisan na kasi ilang taon na lang at mawawala na ko sa kalendaryo. Kaya ganito po ang ginawa ko. Jan. 5, 2010, tama na naman po kayo, kahapon lang yan. Ngayon po ang kaarawan ko, naisip ko na bago ako maging 29 gusto ko man lang mahalikan ng isang lalake, ng isang bata at magandang lalake. Hindi ko po alam kung ano bigla pumasok sa isip ko at naisipan ko ang ganitong klaseng kalokohan. Nagkataon po na may long time textmate po ako, at sya ang naging dahilan kung bakit natuloy at nabuo ang mga plano ko.Hindi ko naman po alam na papayag sya makipagkita sakin. Siya po si "Ernesto" 19 taong gulang, opo, tama na nman po ulit kayo, mas bata po sya sakin ng sampung taon na ngayon.Sa layo po ng pagitan naming dalawa sobrang magkaiba ang aming mga prayoridad sa buhay. Minsan natanong ko sakanya kung ano bang hiling nya bago matapos ang taon ng 2009, akala ko kasama ako sa mga hiling na sasambitin nya, pero ni isa sa mga sinabi nya sakin wala ako dun...ang gusto nya lang daw muna sa buhay ay makapagtapos, mag-aral pa ng mabuti para ng sa ganoon may maganda daw sya makuha na trabaho 'pagkatapos nya ng pag-aaral. Hinintay ko na ako na man ang kanyang tanungin, pero nawalan na ako ng gana nung tinanong nya ko, ang isasagot ko pa naman sana "SIYA" . Tama po, siya ang hiling ko nitong sanang taon. Maraming beses na rin po kaming nagkita, at sa bawat pagkikita namin na yun iba talaga ang saya na dala nya, ang mga ngiti nya, ang mapupungay niyang mata, at makapal nyang labi na parang nagsasabing "hagkan mo ko". Halos lahat ng kabataan ngayon ay mapupusok sabi ni inay, madalas nya akong sermunan tungkol dyan at tungkol kay Ernesto. Hindi boto si inay sakanya, ang lagi nyang pangaral sakin "Pera mo lang ang habol nya sayo anak, pwede bang gumising ka na sa pag iilusyon mo na yan" ang sweet nya po di ba, araw-araw sa ginawa ng Diyos palagi nya sinsabi na "ang matanda ay para lang sa mga kapwa nya matanda" palibhasa kasi magkasing edad lang sila ni itay. At may naudlot din sya na pag-ibig nung panahon nila, si uncle Sonny, ang nakababatang kapatid ni itay. pitong taon naman ang pagitan nilang dalawa ni inay. Unang nakilala ni inay si uncle Sonny bago kay itay, alam ni itay ang lahat, at kung gaano kamahal ni inay si uncle. Kwento sakin ni lola 15 anyos pa lang nun si tito at 22 anyos na man si inay. Nagkakilala sila noong naliligaw si tito dito sa aming lugar sa panggasinan, malapit lang kasi ang eskwelahan na pinapasukan nya mula dito sa amin. Hinahabol daw ng aso si uncle sa mga oras na yun wala mapagtaguan kaya sa loob ng gate namin sya pumasok at dun na nga sila nagkakilala ni inay. Hindi mukhang 22 anyos ang itsura daw ni inay noon, dahil na rin daw sa payat na pangangatawan at kakapusan ng taas, dumagdag pa daw ang makinis at maputing balat ni inay,kaya parang teenager pa rin ang itsura nya. "sino ka? paano ka nakapasok ng gate?" tanong ni inay sakanya. wala daw nun nasabi si uncle, basta daw parang natrauma, hindi nga lang nila alam kung nagulat dahil sa aso o baka daw dahil sa kagandahan ni inay biro ni lola. Kasalukuyang estudyante pa lang din si inay sa eskwelahang pinapasukan ni uncle. Simula noon palagi na daw dumadaan dito si tito, unang punta nya kasama nya mga magulang nya para magpasalamat sa ngyari. Kaya naging close na nila lola sila lolo Lucio at lola Lucia. Kasalukuyang magtatapos na ng kolehiyo si inay noon at si uncle na man ng highschool. Sa maiksing panahon nagkamabutihan sila inay at uncle kahit sakabila ng pagitan ng edad nila. Katulad ni Ernesto mypagka matured na daw si uncle kahit 15 pa lang sya marami na daw pangarap si uncle kasama dun si inay.Pero kahit daw ganun hindi msyado nagpadala si inay sa mga pangako at sinasabi ni uncle sakanya. Dahil nga baka nasasabi nya lang mga bagay na yan dahil sa bata pa sya. Umiyak daw ng husto si uncle nung sinabi nya ang balita na sa states na sya magkokolehiyo. Nangako si uncle babalikan nya si inay at papakasalan. Ilang araw din nakita ni lola na malungkot si inay simula ng umalis sila uncle. Mga dalawang taon din sila nagpalitan ng sulat ni uncle noon, naputol na lang bigla ng walang kaalam-alam sila lola kung bakit.Apat na taon ng nakakalipas pero wala pa rin si uncle, hanggang sa nakilala ni inay si itay. 1 taon din bago maging sila ni inay. Noong ipapakilala na ni itay si inay kela lola Lucia, napaiyak sa pagkagulat si inay dahil kasama nila lola si uncle na may kasamang half pinay na magandang babae. hindi daw pabor sila lola para kay uncle Sonny kay inay,ayaw daw nila mas matanda ang babae sa anak nila.malapit na daw ikasal si uncle at ang gusto nya dito sila ikasal ng magiging asawa niya. Wala pang isang buwan pumanaw si uncle, sakit sa atay ang naging sanhi. Nag-iwan ng isang sulat si uncle kay inay kaya daw dito nya hiniling na ikasal para kahit sa sandaling araw daw ng buhay niya ay makita nya si inay at makahingi ng tawad. Pero hindi nya na nagawa, at sa sulat na lang nya nasabi. Pero kahit na sa sobrang haba pa ng sinabi ni lola sakin tinuloy ko pa rin ang plano ko. tama, nanood kami ng sine ni Ernesto at gusto ko dun gawin ang masamang balak ko. Hiniling ko na pumikit siya, pumikit nga siya, pero hindi ko nagawang halikan siya. Hindi nya naman ako nagawang halikan din dahil nahihiya daw sya sakin. Walang ngyari kahit ano sa loob ng sinehan, kaya sa pangalawang plano dinala ko sya sa motel sa manila. Dahil sya ang napili ko kylangan maging espesyal ang gabi na yun para sa aming dalawa. Sya ang gumawa ng unang moves, nung mga oras na hahagkan nyana ko bigla ko nalang sya natulak. Akala ko noon mahal ko na sya, akala ko lang pala. Walang ngyari niisa sa mga plano ko. Opo hanggang ngayon birhen parin po ako. At ito pa ang masaklap inamin nya sakin na may gf na pala sya. Buti na lang po hindi ko binuklat ang libro ko sakanya. At kahit pa agiwin pa ito hinding hindi ko ito basta ipapabasa sa iba at sa hindi ko mahal.Hanggang dito na lang po ang maibabahagi ko, sa kadahilanang malaki na po ang babayaran ko sa pag renta ng computer. Sana po ay may natutunan ang mga readers nyo kung meron man, at kinapulutan na man po ng aral kahit papano.
Subscribe to:
Posts (Atom)