Tuesday, January 12, 2010
Dear Sirang Papel,
Magandang hapon po sainyo, umaasa po akong mabasa ninyo ang sulat ko.Ako po si Tina, dalawangput limang taong gulang. Mag-isa na lang po ako sa buhay kasama ng aking tatlong gulang na anak. Mula noong pinanganak ako hindi ko na nasilayan kahit litrato man lang ng aking ina. Iniwan na din po ako ng aking ama anim na taon na ang nakakalipas. Biglaan po ang mga kaganapan nangyari ng mga oras na inatake si papa ng sinasabi nila traydor na sakit sa puso. Mahina po ang puso ng aking ama, tatlong beses na rin po sya nag pagamot sa tuwing susumpungin siya ng paninikip ngdibdib. Hapon po ng naganap ang pangyayari nagpabago ng husto sa aking buhay. Masaya na man po kaming naghaharutan ni ama kasama ang pamangkin kong dalawang taon na si ken, ng bigla na lang po bumagsak si ama sa kinauupuan niya. Wala na pong malay si papa at lubhang mapanganib na ang kalagayan niya noong mga oras na yun. Sobra sobra po ang pagpintig ng puso ko at tila ng hina ng husto ang dalawang tuhod ko habang dinadala si ama sa emergency room. Wala pang kalahating oras dumating na sila kuya Efren ang pangay kong kapatid kasama si ate Joy ang sumunod kay kuya at si ate Amy kasama ng anim niyang anak. Ako po ang bunso sa amin magkakapatid. Maya-maya pa lumabas na ang doctor, sinabing kritikal daw ang lagay ni papa. Kinabukasan pinapili kami ng doctor kung okay lang sa amin na oxygen na lang ang tanging bumubuhay kay papa, kahit gusto ko pang mabuhay nun si papa wala kong magawa kapag ang mga kapatid ko na ang magsimulang magdesisyon. Bago binawian ng buhay si papa tumagal pa siya ng apat na araw sa hospital. Ilang araw pa lang ang lumilipas pinakelaman na ni ate Amy lahat ng gamit ni papa sa bahay pati ang ilang kagamitan naming, ibenta niya po lahat yun. Wla kong ginawa kung hindi umiyak na lang ng umiyak. “Si papa, wala na talaga si papa” paulit-ulit kong sinasambit yan habang nakakulong sa aking silid. Hindi ko pa matanggap ang biglaang pagkawala niya, lahat ng luho ko binigay ni papa, buhay prinsesa po ako at baby pa rin ako sa tingin ni papa kahit na desyisyete anyos na ko noon. Para sakin si papa ang pinaka especial na tao sakin, at unang lalake nag-alaga, nagmahal, nagpatawa, nagtyaga sa mood swing ko at naging kaibigan ko sa buhay ko. Hanggang lumipas ang dalawang buwan, nakilala ko si Joseph, si Joseph na kau-kausap ko at naging “shoulder to cry on” noong mga panahong nagkakaroon ako ng mabibigat na pagsubok sa buhay ko, mga panahong ayoko ng mag-aral at ayoko ng mabuhay pa. May mga kapatid nga ko pera wala sila malasakit sakin, pera lang ni papa ang gusto nila. Sariwa pa ang pagkawala ni papa pero ang inasikaso na ni ate Amy ang kung paano makuha ang pension ng aming ama. Binilin sakin ni papa noon na akin lang daw ang pension niya kung sakaling mawala siya. Walang nkakaalam sa bahay mga pinagdadaanan ko. Nasanay ako sa marangyang buhay na pinaranas sakin ni papa, pero ngayon nakikitira na lang ako sa bahay ni ate Amy, magulo, maliit at halos hindi na ako makahinga dahil sa dami namin sa bahay. Madalas ako malipasan ng gutom dahil nahihiya ako kapag oras na ng kainan, at kapag bumababa naman ako pag tulog na silang lahat para kumain, tanging kardero na lang at mga hugasin ang nakikita ko. Wala ng natira sa pension ni papa, wala na rin ang dating mga ngiti ni ate Amy sa tuwing hihingi siya sa akin ng pera, wala na rin ang lambing ni ate joy sa tuwing manghihiram siya sa akin ng pang sugal niya. Ayan lahat ng sumbong ko kay Joseph noon, at matyaga na man niya ako pinapakinggan kahit na alam kong inaantok na siya at nagsasawa minsan sa akin. Masaya po siya kausap, nung una ayoko sakanya dahil iniiwasan ko pang magkaroon ng bf. Pero ang sabi niya handa daw siya maghintay kahit na gaano pa daw katagal. Minsan lang kami magkita, kahit na ganoon, sa minsan na yun unti-unti na may nabubuong relasyon sa aming dalawa. Oct. 8 2005, sinagot ko si joseph ng isang matiis na “OO”. Sa una medyo okay kami, hanggang sa sumunod na buwan madalas na kami magtampuhan, mag-aaway, magbabati, nakakasawa na. Pero kahit ganoon tumagal kami ng isang taon. Bago naming ipagdiwang ang anibersaryo naming dalawa ng boyfriend ko, pumunta sa bah yang kaibigan ko si Dona, niyaya niya ko mag bar kasama ng iba naming kaibigan noong high school. Napag usapan naming sa bar si Joseph, at nasabi ko rin na anniv. Naming kinabukasan, nagbigay sila ng ilang tips at payo kung ano magandang ibigay na regalo sakanya. Lima silang sabay-sabay na nagsabi ang pagkababae ko daw ang magandang regalo. “Oo girl ! tama ! ibigay mo na! naku masarap promise!” sambit ni Dona. “ikaw na lang kaya ang virgin pa samin kaya go girl!” pasigaw naman na sabi ni Mina. Naisip ko na okay lang ibigay at tama si Dona, ako na lang virgin sakanila, parang ako pa yung bigla nahiya sakanilang lahat. Lahat kasi sila expert na at nakailang boyfriend na rin. Palagi nila ikinikwento sakin kung ano-anong mga posisyon at kung saan sila nagsesex kasama ng mga boyfriend nila.Nakauwi na ako ng bahay, pero balot pa rin ng pressure ang utak ko, umiibabaw ang lahat ng mga sinabi nila sakin, nagflashback lahat ng mga kwento at karanasan nila, “masarap”, “exciting” , “mag-eenjoy ka talaga”. Wala na, ang nasa isip ko lang sa mga oras na yun ay sundin ang mga payo nila sakin, kasabay ng pag bagsak ng paborito kong baso na ibinigay pa sakin ni papa noon. Oct. 8 2006, eto ang araw na ibinigay ko ang aking pagkababae kay Joseph. Nagising na lang ako sa kamang kinahihigaan ko, tapos na, ngyari na ang lahat, at maniwala po kayo o sa hindi nagsisisi po ako. Pinagsisisihan ko po ang ginawa ko, tama nga po sila nasa huli palagi ang pagsisisi, hindi ko man lang naisip ang mga pangarap ni papa para sakin, bigla akong nahiya kela kuya at kela ate, hindi na ako virgin. Hindi ko na maibabalik ang pagkababae ko, tama nga sila tanga ako, ang tanga-tanga ko. Ginusto ko din na man ang ginawa ko, kaya ganito ang ngyari, gusto ko bumawi at gusto ko ipangako na sa sarili ko na hindi na muli mauulit pa yun. Pero, kahit pa pinangako ko sa sarili ko na hindi na muling mauulit pa yun, nasundan pa, at nasundan pa ng ilang beses. Opo, kung magbibigay lang ng award para sa best tanga ever baka sakin na napunta. Mga magdadalawang buwan bago umalis si Joseph patungo ng ibang bansa nagbunga ng batang babae ang pagtatalik naming. Si Princess ang anak kong tatlong taon gulang ngayon ang nabuo. Naghiwalay po kami dalawa ni Joseph simula ng nagtrabaho siya sa Riyad at hindi na ako muli pang binalikan. Pinalaki ko po mag-isa ang anak namin, nakatapos po ako ng kolehiyo, sa ngayon po nagtatrabaho po ako bilang office staff sa isang kompanya.Kasalukuyang binabantayan ni ate Amy ang anak ko, nagbago na siya, simula ng mastroke siya ng isang taon at nakarecover. Umaasa po ako na makatagpo ng isang lalaki tatanggap sakin at mamahalin na parang isang tunay na anak si Princess, nagsilbing magandang halimbawa po sana ang kwento ko. Hanngang dito na lang - Lisa
Subscribe to:
Posts (Atom)