Tama na muna tayo
tama na muna tayo, sa tingin ko mas makakabuti na ang ganito,
maghiwalay na muna na tayo.Baka sakaling may magandang
pagbabagong mangyari,baka sakaling may marealize tayo,
na hindi natin maisip-isip dahil masyado tayo nasanay
na palagi tayong isa.
Tama na muna tayo
tama na muna, hindi ba't nakakapagod na palagi
na lang tayong ganito? aawayin mo ako,susuyuin kita
kahit na alam kong ikaw ang may mali at hindi ako.
Magsisigawan tayong dalawa, hanggang sa
hindi na tayo magkarinigan. Pwede bang
kapalit ng mura mo ang salitang
"mahal kita! pwede bang tama na?!"
Tama na muna tayo
tama na muna tayo, baka sakaling mamiss mo rin ako
tapos ikaw naman ang manuyo sa akin, ikaw naman ang maghabol
ikaw naman ang mag-effort, ikaw naman ang mamoblema
at mag-ayos ng relasyon natin, baka lang naman
Tama na muna tayo
tama na muna,
para malaman natin kung
ano ba ang kulang sa atin,
malay mo maramdaman mo rin na
kulang pala ang buhay mo 'pag wala na ako
na baka balang araw hanap-hanapin mo din ako
tulad ng araw-araw na paghahanap ko sayo
kahit na palagi tayo magkasama
namimiss pa rin kita
miss na miss..
Tama na muna tayo
tama na...wala pa rin naman pinagkaiba
kung malalayo tayo sa isat-isa
dahil kahit kasama pa kita parang malayo ka pa rin
sabi nga ni robocap kaylangan na natin maghiwalay
para sa ganoon malaman natin kung talagang
may pinagsamahan tayo, kung buo pa rin tayong
dalawa kahit wala na yung isa
Tama na muna tayo
tama.. tama na.
sa ganitong paraan matututo tayong
huminto na, tumigil na muna
ng sa ganoon matutunan natin mabuhay
na wala ang isat-isa
na posibleng maisip mo na
kaylangan mo rin makinig kahit isang beses lang
na baka balang araw maalala mong
ikaw at ako ay iisa
"Hindi ang isa't isa ang tinitingnan ng mga nagmamahalan,
kundi ang kanilang iisang hantungan." (Kahlil Gibran)
No comments:
Post a Comment