Search This Blog

Saturday, March 27, 2010

Eksena sa loob at labas ng simbahan


Sinama ako ng friend ko sakanila, magsisimba daw sila ng tita niya kasama ang
tatlo niyang pinsan at kapatid niyang limang taong gulang na batang babae.
Ang gara ng dala nilang sasakyan, at ang tita niya mukha talalagang mayaman
sa kasuotan niya.Mahilig daw silang magsimba lalo na kapag mahal na araw,
kung saan-saang simbahan sila pumupunta.Malapit na kami sa simbahan ng Baclaran,
pero sa sobrang dami ng tao nagdesisyon na lang kaming maglakad at iparada ang
sasakyan medyo malayo sa simbahan.Sa kapal ng daming ng tao muntikan pa akong
maapakan. First time kong makakapagsimba sa Baclaran, hindi naman kasi ako active
sa pagsisimba every weekends. Masasabi bang masama akong tao? nagdadasal naman
ako at pumapasok ng simbahan kahit hindi ako nakakaatend ng misa. Ng nasa loob na
kami ng simbahan hindi kami nakaupo dahil sa wala ng bakanteng upuan para sa amin.
Taimtim na nagdadasal ang iba samantalang ang iba nagtetext, natutulog, mga batang
naghahabulan, mga magulang na nagsasaway, ang iba ay nakikipagdaldalan at habang
ako naman ay nagmamasid-masid at hindi rin nakikinig, hindi dahil sa english
ang sermon ng pari, dahil sa kinakain ng pari ang sinasabi niya,wala naman
kasalanan ang pari, marahil ako. Kahit papano naman naintindihan ko kahit isa sa
mga sinabi niya, tungkol sa "adultery". Bago kami lumabas ng simbahan hinawakan
muna nila at pinahid ang panyo nila sa mga santo na nanduon.Bago kami sumakay sa
sasakyan nila bumili muna ng kandila ang tita ng kaibigan ko, kulang ang binayad
ng tindera sakanya kaya bigla na lang itong nakapagsalita ng "Punyemas! hindi kasi
tinitignan mabuti ang sinusukli, nakakbuset" at isa pang mura para sa kawawang
tindera.


-The End



No comments:

Post a Comment