"Pet for Sale"
Bago mo kuhanin ang pet ko dapat
alamin mo muna kung kaylan siya
my topak at kung kaylan wala
madalas wala siya gana kumain
ang gusto niya palagi na may pumipilit sakanya
pilitin mo siya kahit na sawang sawa
ka na sa kakapilit
huwag mo siya hahayaan gawin
ang gusto niya lalo na kung
hindi ito makakabuti
sakanya
may katigasan ang ulo niya
kaya dapat medyo mahaba ang
pasensya mo
kapag bigla ka na lang niya kinagat
kagatin mo rin, mas gusto
niya yan
kapag trip ka niya ihagis sa
kama magpahagis ka na lang kung ayaw
mong masaktan
kapag niyaya ka niya sa court
para magpahabol habulin mo siya
magpanggap ka na hindi mo
siya kaya mahabol
kapag makita mo siya nagpapaulan
'wag mo na lang siya bawalan
kasi mas lalo lang siya mag
papakabasa sa ulan
hambalusin mo siya kagad ng unan
kapag makita mong nagpapatuyo
siya ng pawis sa harap
ng elektrikpan
hilig niya mangharot
lalo na kapag nakainom siya
kaya 'wag mong hahayaan uminom siya ng
madami bahala ka ikaw din ang kawawa
kapag nakita mong malungkot siya
bigyan mo lang siya ng isang
mahigpit na yakap
magugustuhan niya yun
minsan mapipilitan kang
ibigay ang gusto niya kahit na ayaw mo
kapag umarte na siya na parang
isang kawawang pusa
ipaalala mo palagi skanya niya
uminom ng maraming tubig,
kumain ng madami,
'wag magpapalipas ng gutom,
at magdasal,
hindi niya kayang alaagan sarili niya
kaya dapat turuan mo siyang matuto na
mag-alaga sa sarili nya
'pag tyagaan mo dapat makinig sa boses
niya 'pag kumakanta siya
kahit na gaano pa to
kasakit sa tenga
bigla na lang iiyak yan at magpapaawa sayo
hayaan mo lang siya titigil rin yan
mahilig siya sa mga litrato magpakuha ka
kasama niya sakyan mo lang
un trip nya
madalas siya mangati
'pag ganun itali mo dalawang kamay niya
para di siya makakamot
pinaka huli
sabihan mo siya araw-araw
ng BUSET
PUNYEMAS
MALIBI
SIRAULO
at BALIW
para namn makaganti ka man lang
kahit papano ^^