Search This Blog

Monday, October 11, 2010


may mga bagay na nasasabi ko pero
kahit ano pang gawing ingat ko ay
nagagawa pa rin kitang saktan

kung ang bawat salitang binibitawan ko
ay ang nagpapalungkot at gumugulo
sa isipan mo

mas pipiliin ko ng itikom ang aking
bibig at mag panggap na parang
isang hangin sa kawalan

kahit na ang bawat katagang naririnig
mo mula sa akin ay ang mga salita na
sadyang nakapaloob sa puso ko

nasasaktan ako kapag palagi mong
sinasambit na gusto mo na kong
kalimutan

hindi ko alam kung bakit...

may mga bagay kasi na hindi na kayang
maabot o kayang ipaliwanag pa ng
aking isipan

na kahit anong pilit ko para lang maibigay
ang mga sagot sa katanungan mo

ang pag yakap lang sayo ng mahigpit
ang tanging misasagot ko

............

......................................................

Tuesday, October 5, 2010

Friday, October 1, 2010

kapag nalulungkot ka isipin mo ang
mga oras na magkayakap tayo

mga oras na tanging sariling pintig ng
puso lang natin ang naririnig

tanging mga galamay at braso
lang nating ang nag-uusap

kung sakaling mamiss mo ko
si teddy muna ang kapalit ko

kapag gusto mong umiyak pero wala kang
makausap tawagan mo lang ako

kapag dalawin ka ng takot
bawas bawasan mo kasing tumingin tingin
sa salamin

wala man ako sa tabi mo
mag kalayo man tayo ngayon

isipin mo na lang na habang na sayo pa
ang mga ala-ala ko

parang makasama pa rin tayo
kahit na gaano pa tayo
kalayo sa isat isa

magkikita't magkikita
din tayo
............
.......
..