Masasabi kong daig ko pa ang mga pang famas at mga storya sa maalala mo pa kaya at magpakailanman dahil sa aking matinding napagdaanan sa aking buhay. Sagana nga kami sa pera pero mas gugustuhin ko pang magkaroon ng kompleto at maayos na pamilya. May mga magulang nga ko ngunit mas close ko pa mga kapitbahay namin kesa sakanila, mas pinili na lang nilang maghiwalay kesa sa buo nga ang pamilya wala namang halong pagmamahal na nag-uugnay sakanila. Si mama na daig pa ang isang dalaga kung bumili ng mga luho niya, at si papa naman idol ata si ramon revilla sa dami ng anak. Sira man ang family background ko panigurado na sakin ang swerte sa career o love life. Natapos na't lahat ang ang high school days ko pati na rin ang college days ko wala man lang love life na dumating. Pero wala pang ilang araw pagtapos ng graduation natanggap kagad ako sa trabaho at over qualified pa nga daw ako. Eto nana man ako, umaasa pa rin ako na makikilala ko na ang lalaking magpapatibok sa natutulog kong puso, at kung wala pa baka matuluyan ng hindi na ito magising sa pagkakahimlay ng matagal. Marami akong nakilalang kaibigan sa trabaho, mukha naman silang mababait kaya kung tratuhin ko sila ay parang mga kapatid ko na. Hanggang sa isang araw may pinakilala sakin ang isa kong kaibigan, pinsan niya, si Mikel. Matangkad siya at mukhang matalino kaso may gf na, yun lang. Palagi namin siya nakakasama kapag may mga party o birthday lalo na kapag walang pasok. Madalas kami magkausap sa txt dahil sa mga hinaing niya tungkol sa problema nila ng girl friend niya. Todo advice pa ako sakanya, at sobrang nagpapasalamat naman siya kapag nagkakaayos sila ng gf niya dahil daw sa mga payo ko. Kapag may extra time ako palagi niya ako pinipilit lumabas para lang itrit o magvideoke, pagpapasalamat daw yun dahil daw sakin going strong pa rin sila ng girl friend niya. Walalang naman sakin yun dahil wala naman kaming ginagawang masama pero ang hindi ko alam hindi na pala magandang tignan para sa iba. May gf siya at single ako, ako na palagi nilang nakikita na kasama si Mikel samantalang ang girlf friend dapat niya ang kasama niya. Itinigil ko na ang madalas na pagkikita at pag-uusap namin, tinatanong niya ko kung bakit at kung may nagawa daw ba siyang hindi maganda. Sinabi ko sakanya na busy lang talaga ako. ilang linggo pa lang ang nakakalipas pero parang nakakamiss rin pala, nakakamis ang mga panahong wala kong iniisip basta alam kong masaya ako pag magkasama kami ni Mikel. Alam kong mali pero bakit namimis lang naman diba? tinuon ko na lang ang isip ko at ang puso ko sa pagtatrabaho, mas mabuti na ito kesa isipan siya. Makalipas ang dalawang taon habang nagpapahinga ako sa aking malabot na kama bigla na lang may nagtxt at number lang ang nag-appear.
"Kamusta ka na? namiss kita."
ang weird ! naisip ko sino na man tong mokong na ito at ang lakas ng trip, nireplayan ko nga ng walang kamatayang .
"Who's this? do i know you where did you get my number?" mamaya pa nagreply
"si Mikel to."
oh shaiks. bigla akong nanlamig totoo ba talagang siya to. nagreply ako
"is this for real? Mikel who?" at mabilis siyang nagreply
"Yes, its me Mikel Laurente. still remember? Anna's cousin your friend. Musta ka na? its been a long time may bf ka na ba?"
omg! siya nga. hindi ko alam ang sasabihin ko pero paano niya nalaman number ko.
Doon na ulit nagstart ang closeness namin dalawa sa isat-isa at dahil na rin sa matagal na rin pala siyang wala ng gf. Nasabi niya sakin magkikita daw kami bukas sabi ko bakit naman kami magkikita, "haha" lang ang sagot ng mokong. Kinabukasan 'pag pasok ko sa office nagulat ako dahil nakasabay ko siya sa elevator, lalo siya naging magandang lalaki at ang bagay na bagay sakanya ang suot niyang business attire.
"Oh bakit andito ka ano meron?" tanong ko.
"Sabi ko namn sayo magkikita tayo diba?" sabay tawa.
"siraulo ka talaga" inis na sabi ko na may pagkakilig kasi naman ang gwapo niya. Sabay seryosong sabi ko
"saan ka nga ba talaga pupunta?"
sabay sabi niyang "pinupuntahan kita masama ba un?" at bigla niyang pang dagdag na
"makikita mo na ako araw-araw at wala ka ng choice dun"
sa isip-isip ko ano kaya sinasabi niya don't tell me . . . at tama nga hinala ko isa siya sa mga ittrain ko na mga bagong empleyado sa department namin. Naging super close na kami ulit. Isang gabi hinatid niya ako pauwi ayoko sana pero siya kasi mapilit. sabi niya
"okay lang naman siguro hatid ka single ako at single ka diba?"
"bat nga pala kayo naghiwalay ni Bea?" tanong ko. Ewan ko bat bigla ko bang natanong un.
"wala, hindi lang talaga siguro kami para sa isat-isa, malay mo tayo pala?" sabay tingin sakin ng malokong tingin.
"Gago !" sabay sambit ko sakanya.
Maya-maya nagpara na siya ng taxi. ihahatid niya pa sana ko hanggang bahay pero sabi ko 'wag na gabi na rin masyado. Iba ang mga araw ko sa trabaho kesa dati, madalas akong excited pumasok ng maaga at tila parang sabik akong makapunta na ng opisina. Nagkasabay na naman kami sa elevator.
"Good morning mam" nakangiting pagbati sakin ni Mikel.
Okay siya dahil alam niya kung kaylan siya pwede magbiro at kylan hindi, ginagalang niya ako at tinatratong trainor niya, pero pag sa labas ay sobrang kulit at pasaway niya sa akin. Ininvite niya ako minsan sa birthday ng mom niya, kantahan lang daw, dahil sa wala naman ako msyado gagawin sa mga araw na yun pumayag na rin ako. Nasundan na yun ng ilang punta sakanila lalo na kapag new year at christmas. Hindi ko masasabing M.U na kami or ano ba, kasi madalas niya ako hinahatid at palagi inaabangan sa elevator parang siraulo lang, sabi niya exciting daw un, ano naman kaya kaexcite-excite sa ginagawa niyang pag-aantay sakin palagi dun. Pero infairness exciting nga un dahil doon ay ginaganahan akong pumasok ng maaga tuwing 7:30 asahan mong andun na kagad siya at inaantay ako, nagugulat na lang ako nasa loob na siya kaga ng elevator. isang umaaga biniro ko siya.
Mikel: "Good Morning Mam !"
nagkataon na kami lang dalaw sa loob ng elevator.
Ako: "Trabaho mo bang maghatid sundo sa elevator? daig mo pa un mga guard dito huh"
Mikel: "No mam, hindi ko trabahong maghintay ng ilang oras sa isang babae at ihatid sundo siya, basta ang alam ko lang masaya akong ginagawa ito, ang paghihintay sa special na babae na un, anong malay natin may magandang resulta ang paghihintay ko"
hihiritan ko sana siya sa mga banat niya kaso huli na dahil bumukas na ang elevator. Ang hirap pala talaga kung hindi mo alam ang status niyo sa isat-isa, ni hindi ko alam kung panliligaw ba ang ginagawa niya sakin. halos tatlong taon kaming ganito pag tapos noon bigla na naman siya nawala ng parang bula kasabay ng Pagka promote ko sa opisina. Wala din balita ang pinsan niya tungkol sakanya, ni "ha" ni "ho" wala kong natanggap na mensahe. Joke ba ito? Masaya ka ngayon pero bukas hindi mo alam wala na pala ang taong nagpapasaya sayo, wala ng nangungulit. Nasanay akong may naghihintay sa akin sa elevator, sumasalubong sakin ng matamis na pagbati mula sa taong mahal ko. Dumaan ang halos apat na taon, napagod na ako sa pag-asang pagbukas ng elevator ay andun si Mikel na nakangiti sakin, pero walang Mikel na nagpakita. May iilan din akong naging bf pero hindi sila worth it para ibigay ko ang 100 % na pagmamahal ko. Sabi nga nila pag swerte ka sa career hindi ka magiging swerte sa lovelife, nakakalungkot naman isipin na mukha ngang tama sila. Medyo humupa na ang lungkot na nararamdaman ko sa pangungulila at sa pag-asang makakatagpo pa ko ng taong mamahalin ko at mamahalin din ako. Okay na sana ang lahat pero ang kaisa-isahang mentor ko sa buhay ay iniwan na ako, biglaan ang pagpunta niya sa ibang bansa dahil sa sobrang busy ko hindi ko man lang nakuha ang contact number niya. Siya lang ang bukod tanging nasasabihan ko ng mga pagpoprotesta ko sa buhay, sa lovelife at sa trabaho ko. Sobrang nalungkot talaga ko ng husto sa mga panahong kylangan ko ng makakusap. Pati mga inaakala kong mga tunay na kaibigan ay napag alaman kong mga peke pala. Ginagamit lang nila ko, pineperahan, at sa tuwing kylangan nila ng tulong ako kagad ang nilalapitan nila. Itinatak ko na sa utak ko na walang ibang maaasahan sa mundo kung hindi ang sarili mo lang talaga, lalo na kapg wala kang minamahal. Sarili lang ang dapat na pinagkakatiwalaan, at tanging sarili ko lang ang kakampi ko sa mundo. Hindi na ako muling aasa pa na may lalaking darating pa sa buhay ko, mas gugustuhin ko pang mabuhay ng nag-iisa, ng walang inaalala. Ganyan ang nasa isip ko sa mga panahon na nakulong ako kalungkutan. Isang araw sa mall may umagaw ng pansin ng isang batang babae sa akin, ang puti at ang lusog lusog niya. May bigla lumapit na lalake sakanya at kinarga siya. Napatingin kami sa isat-isa, si Mikel, si Mikel nga ba ang basa harapan ko? tanong ko sa sarile ko. Nagulat siya at biglang tanong na
Mikel: "Ikaw ba yan? oh kamusta ka na?"
Ako: "Okay lang naman ako, anak mo?" tanong ko.
Mikel: "Oo, ikaw kasi eh, nakakapagod din kaya mag-antay lang, edi sana anak natin ang kinakarga ko ngayon"
nakakatawa.. nakakatawang isipin na siya pa may ganang magsabi ng ganun sakin. Kahit na iniiwasan kong isipin at seryosohin ang sinabi niya tila hindi ko maalis sa isipan ko, pauli ulit na nag-eecho sa akin ang boses niya. Paano niya nasabi ang mga bagay na ganoon, parang feeling ko tuloy na ako pa tong may kasalanan, o sadyang ganun na ba talaga ko ka manhid para hindi maramdaman ang gusto niya ipahiwatid noon. "Nakakatawa" yan lang ang pauli-ulit kong nasasabi sa sarili ko. Sa paglingon ko ng mabilis papalayo sakanya nabuhusan ko ng shake ang isang lalaking nakasalubong ko, medyo nanginginig ang tuhod ko sa mga oras na un dahil sa sinabi niya, kaya hindi man lang ako nakapag sorry sa tao na nakabangga ko. Wala na ata akong pag-asa sa buhay, kaya nagdesisyon na akong 'wag na talagang mag-asawa. Iisipin ko na lang ang kinabukasan ko, magtatrabaho ng mabuti para kapag may masamang mangyari sakin may pang gastos ako. Sino pa bang mag-aalaga sakin, wala naman. Nag tilang ewan ata ako at bigla tuloy ako nagkasakit, nagulat ako nasa hospital na lang ako, naabutan daw akong walang malay sa may elevator. May isang taong ngdala daw sa akin, pero hindi daw iniwan yun pangalan. Binalewala ko lang siya naisip ko baka isa sa mga guards o sino man siya basta salamat. Matamlay akong pumasok kinabukasan, ang bigat ng pakiramdam ko. Pasara na ang elevator ng may isang lalaki humabol pa, medyo bata siya sa akin ng konti, matangkad at moreno siya. Nakakatuwa ang ngiti niya kasi kung makangisi siya abot hanggang tenga. Ilang minuto ang nakalipas bumaba na ang lahat sa ikawalong palapag, tanging siya at ako lang ang naiwan.
SIYA: "Ms. okay ka na ba ngayon?"
AKO: "huh?" sa isip-isip ko kilala ko ba siya, ano bang sinasabi niya.
SIYA: "Hindi mo na ako maalala? niyakap mo pa nga ko , tapos binuhat pa nga kita, sumakit pa nga likod ko."
AKO: "Bastos ka ha !" hindi ko alam ang sinasabi mo!" sigaw ko sakanya.
Wala talaga akong idea sa mga sinasabi ng lalaki na yun, barumbado msyado, hindi bagay sa pananamit niya. Hindi ko na lang siya pinansin pero maya-maya pa ay nasa likod ko na naman siya.
AKO: "Sinusundan mo ba ako?"
SIYA: "Teka Ms. relax ka lang, nagkataon lang na pareho tayo ng way na pupuntahan."
Parang napahiya ata ako nun. Naglakad na lang ako na kunwari walang ngyari. Pero ang kulit niya dumidikit siya sa akin at parang ng-aasar talaga. Binilisan ko na lang ang paglalakad at iniwanan siya. Pumasko si President Chua, at may pinakilala sa amin, bagong Manager namin. Mr. Ramon Yi ang pangalan, sa pag tingin ko ang bastos na lalaki sa elevator ang bago naming manager. Nakakatawng isipin na paanong? mapaglaro talaga ang tadhana. "nakakatawa" yan na lang ang palagi kong sambit sa sarili. Ipinakilala siya sa amin isa-isa at syempre kaylangan namin magbigay galang sa mataas sa amin. Parang nakakaloko at mapang asar ng tinignan niya ako. Matapos ang isang linggong tambak na trabaho sa opisina sa pag sakay ko ng elevator andun si Mr. Barumbado at ang kanyang malokong ngiti.
SIYA: "Hello Ms. I'm Ramon Yi, just call me Ramon, and you are?"
Sa isip ko pwede naman sigurong sumagot ako ng pabalang sakanya dahil wala na kami sa loob ng opisina at dahil sa super inis na talaga ko sakanya ito pagkakataon ko para barahin siya!
AKO: "Ah..eh, I'm ____ po sir"
SIYA: "Don't call me sir, Ramon na lang, para atang hindi ka masungit ngayon? Mas cute kang tignan pag nagsusungit ka" sabay ngiti niya.
AKO: "Ah sige na sir , Ramon pala mauna na ako."
Hinabol niya ako at sabay sabing "Pwede ba kitang ihatid? sana pwede?"
Gusto ko sana tumanggi pero hindi ko alam bat hindi ko nagawang tanggihan siya. Napag alaman ko siya ang lalaking nagdala sa akin sa hospital at siya rin pala ang lalaking nakabanggahan ko at nabuhusan ng shake. nakakatuwa, nakakatawa talaga sambit ko na naman sa sarili. Yun lang ang una't huling hinatid niya ako, dahil ayokong dumating sa point na maiwan na naman ako sa ere ng mga lalaking napapamahal sa akin. Pero masipag siya, makulit na sinusuyo ako, kahit na madalas ko siya sungitan. Isang gabi nagtapat siya ng pag-ibig sa akin, hindi ko talaga inaasahan ang pangyayari na yun, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, basta ang alam ko lang ayoko na masaktan, ayoko na.. Patulog na ako pero hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Ramon, para na akong nababaliw dahil kinakausap ko na ang sarili ko.
sarili 1: "Duwag ka, alam mo kung bakit? kasi natatakot ka magmahal, natatakot ka na kapag binigay mo ang pagmamahal mo sa isang tao iniisip mo kagad na baka masaktan ka lang."
sarili 2:"tama! hindi mo masasabing pag-ibig ang nararamdaman mo kung wala kang sakit na pagdaraanan"
Ako: "Hindi.. hindi, dahil nakakapagod at nakakasawa din masaktan, ayoko na, nagbibiro lang siya, baka nagtritrip lang yun."
Sarili1: "paano kung hindi? paano kung mahal ka talaga niya? paano kung mapalampas mo pa ang pagkakataon na matagal mo ng hinihintay?"
Sarili 2: "tama ! bakit hindi mo ulit subukan? anong malay mo? na siya na ang lalaking nakalaan sayo"
AKO: "paano kung hindi siya?"
Sarili 1 & 2: "paano mo malalaman kung hindi mo susubukan!?"
AKO: "Waaaahhhh ! ah basta ! ayoko na !"
kinabukasan, pumayag na akong ihatid niya ako. Mabait naman pala siya, maloko lang.
SIYA: "Anong tingin mo sakin?" bigla niyang tanong.
AKO: "Anong tingin? Ah, hindi ka kagwapuhan matangkad ka lang tapos palagi ka lang kasi nakangiti kaya nagmumukha ka lang cute"
SIYA: "Talaga?? haha" sabi niya sabay seryoso ng mukha niya. "Gusto ko palagi ka nakikitang masaya, sana payagan mo ako maging isa sa mga dahilan ng bawat ngiti mo"
Wala ako nasabi, nanlamig nalang ako at tila gustong bumigay ng dalawang tuhod ko, basta ang hirap iexplain ng pakiramdam sa mga oras na yun. Siya na nga ba ang hapiness na matagal ko ng inaantay, na matagal ko ng pinagdarasal, matagal ko din pinag isipan ang bagay na yan. Taon din ako sinuyo ng husto ni Ramon, matyaga talaga siya kaya naman hindi imposibleng na naging kami. Wala pang petsa sa ngayon ang pagpapakasal namin, pero isa lang ang napatunayan ko sa mundo, na habang buhay may pag-asa, na kahit mukhang imposible pwede pa rin maging posible. Kahit pa ilang elevator pa ang napalampas ko may tanging nakalaan pa rin sa bawat sasakay nito, na naghihintay lang na makasakay ka. Masaya kami sa kung ano man status namin ngayon, hindi ako umaasa na magiging kami na talaga sa future, basta masaya kami ngayon, masayang masaya. ^__^