Search This Blog

Monday, October 11, 2010


may mga bagay na nasasabi ko pero
kahit ano pang gawing ingat ko ay
nagagawa pa rin kitang saktan

kung ang bawat salitang binibitawan ko
ay ang nagpapalungkot at gumugulo
sa isipan mo

mas pipiliin ko ng itikom ang aking
bibig at mag panggap na parang
isang hangin sa kawalan

kahit na ang bawat katagang naririnig
mo mula sa akin ay ang mga salita na
sadyang nakapaloob sa puso ko

nasasaktan ako kapag palagi mong
sinasambit na gusto mo na kong
kalimutan

hindi ko alam kung bakit...

may mga bagay kasi na hindi na kayang
maabot o kayang ipaliwanag pa ng
aking isipan

na kahit anong pilit ko para lang maibigay
ang mga sagot sa katanungan mo

ang pag yakap lang sayo ng mahigpit
ang tanging misasagot ko

............

......................................................