Para kang isang gamo-gamo
at ako naman ang lampara
katulad ng gamo-gamo
hilig niya ang kaanyuan
at liwanag na taglay
ng isang lampara
kahit na alam niyang maari
siyang mapahamak at masaktan
sa pag dikit niya dito
pilit at patuloy niya
pa rin itong ginagawa
mahirap para sa isang lampara
makitang nasasaktan ang
kawawang gamo-gamo
wala siya magawa kung hindi
mapanood lang ang pagdurusa
ng munting gamo-gamo
habang unti unting nanghihina
ang kanyang maliit na katawan
hanggang sa tuluyan na
itong mahulog at mawalan
ng mga pakpak
kung pwede lang sana saluhin
ni lampara sa pagkahulog
si gamo-gamo
matagal niya sana itong
ginawa
kung pwede lang sana
kung pwede lang...
No comments:
Post a Comment