Search This Blog

Tuesday, September 21, 2010

Paano

Paano mo pa masasabi sa isang
kaibigan na "You can leon on me"
na "I'll be there" at ang katagang
"i'm just one call away"
kung ang dahilan ng kalungkutan niya
ay IKAW.

Paano mo pa ba siya mapapayuan
kung ang gusto niya lang
marinig mula sayo ay ang tatlong
salita na "mahal din kita".

Paano mo pa ba siya madadamayan
sa pag-iyak, kung ang bawat patak
ng luha niya ay dahil sa pagbitiw
mo ng "andito ako kaibigan mo"
(KAIBIGAN mo lang...)

Paano mo pa pakikinggan ang
kanyang mga daing
kung ang tanging dinadaing
lamang niya ay walang
iba kung hindi ang pag-ibig mo.

Paano mo pa siya matutulungan
kung IKAW mismo ang problema
niya.

..............................

No comments:

Post a Comment