Search This Blog

Tuesday, March 8, 2011


Ang sarap ng tulog ko bigla na lang akong nagising !
dahil hndi na ko makatulog isusulat ko na lang ang na
panaginipan ko . . . .

Itinapon daw ako sa isang bayan dahil ang paniniwala nila, iba ako, kakaiba ako dahil siguro ako lang ang na mumukod tanging maganda sakanila.

Natuto akong mamuhay mag-isa palakad lakad daw ako hanggang sa may nakita akong isang lugar. Hindi katulad sa pinanggalingan ko mabubuti ang mga tao sa lugar na iyon. Napansin kong may sugatang bata sa may gilid ng sasakyan, lalapitan ko pa lang sana kaso nagkuyog na ang mga tao at agad siya nilapatan ng lunas. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko bigla na lang ako bumagsak sa sobrang kapaguran, nagising na lamang ako sa loob ng isang magarang bahay.

"Iha, okay ka lang ba? maayos na ba ang pakiramdam mo?"
tanong ng isang matandang babae sakin.

hindi ako kagad makapag salita dahil nakatuon ang atensyon ko sa dala dala niyang mga pagkain. Bacon with fried rice, toasted bread & hot soup. Napansin niya ata ang aking pagkatulala sa pagkain hawak niya, napagiti na lang siya at nilapag niya ang hawak niya sa harapan ko.

"Marahil ay gutom ka na, sige heto't kumain ka muna"
malambing na sabi niya.

Pinagmamasdan niya lang ako habang sabik na sabik ako sa pagsubo ng mga niluto niya. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang puno ng pagkain sa loob ng bibig ko.

"Dahan dahan ka lang madami pa ako niluto, kung gusto mo ikukuha pa kita. Uminom ka muna"
Sabay abot ng isang mainit init na gatas.

Gusto ko mapaiyak sa sarap ng ng lasa ng mga pagkain pero parang mas gusto ko umiyak sa sarap ng pakiramdam na may kumakalinga sayo kahit na hindi mo naman ito kakilala.

"Salamat po lola!" Napalakas na sabi ko.

At ayun na ang simula ng panibago kong buhay.

Dahil mag-isa na lang sa buhay ang matanda itinuring niya na akong parang isang tunay niya na anak. Isang taon pa lang kaming magkasama ngunit binawian na siya ng buhay dahil sakanyang sakit sa puso. Naiwan na naman ako nag-iisa, kahit gaano pala kalaki ang bahay kung wala ka naman din lang kasama walang ring halaga. Iniisip ko na lang ang mga magagandang ala-ala naming magkasama ni lola.

Nakaupo ako sa swing sa may garden ni lola. Sa mga oras na iyon gusto kong mag-isip pero wala naman akong maisip. May kung anong bagay ang napadapo sa balikat ko, hahawiin ko sana pero ng makita ko isa pala itong ibon. Kakaiba ang itsura niya sa mga ordinaryong ibon. medyo malaki siya na tama lamang ang liit pero may kakaiba talaga sakanya. Kakaiba talaga dahil bakit bigla na lang siya dumapo sakin, mukha ba akong tulugan niya.

Medyo masakit ang kapit ng mga kuko niya sa balikat ko kaya dahan dahan ko siya nilipat sa kamay ko. Hindi ko napansin my maliit pala siya sugat sa may dulo ng pakpak niya. Ipinasok ko siya sa loob ng bahay at sinubukan kong gamutin ang sugat niya. Dahil wala ako alam sa pag-aalaga ng ibon nagbasa ako tungkol sa mga ibon. Nalaman ko na kung paano siya aalagan, pero sa dami ng ibon sa larawan wala talaga siya katulad, parang nag-iisang ibon lang sinya sa mundo. Ang ganda ng kulay niya lalo ang ang mga mata niya, nakakawala ng lungkot pag pinag mamasdan ko siya.

Mga limang araw lang medyo magaling na siya, hindi pa nga lang siya gaano nakakalipad ng mataas. Sa takot ko na lumipad siya at sumama sa mga ibang ibon kumuha ako ng kulungan at inilagay ko siya dun. Nabatid ko ang lungkot niya. Dahil siguro nag iisa lang siya sa kinalalagyan niya. Pareho lang kami. . Nalulungkot.

Sa umaga pag gising ko siya kagad ang pinupuntahan ko. Kumakanta na naman siya, gustong gusto ko ang huni niya, hindi kaya isa siyang singer sa past life niya. Para kasi siyang isang taong umaawit na tumatagos sa puso ng sino man ang makakarinig nito. Nawawala ang lungkot ko kapag nagyayabang siya sakin, para siyang sumasayaw na ewan na hindi mo malaman, tila nagtatarabaho siya sa isang kabaret. Ang harot niya. Dahil sa maharot siya binigyan ko siya ng pangalan na angkop sakanya. Tinawag ko siyang Taco.

Limang buwan din siya nanatili sa akin. Napaka ganda ng sikat ng araw nung araw na iyon.

"Happy birthday mahal kong Taco !"

March 14 na pala. Parang kaylan lang nakita ko siya sugatan sa may Hardin ngayon akin na siya. Piang handa ko siya ng cake, syempre ako lang din kumain. Nagpicture kami, nilaro laro ko siya hanggang sa mapagod na kaming dalawa.

Hanggang sa nagising na lang ako bigla sa ingay ng bell sa pinto at mga bintana, an lakas ng hangin at ulan sa labas.
Pinuntahan ko kagad si Tako para tignan kung bumalik ba siya sa lungga niya. Pero wala siya dun. Hinahanap ko siya sa labas at buong bahay wala pa rin siya, takot na takot ako sa kidlat at kulog nung gabi na yun.

"Tako asan ka na...." paulit ulit na sambit ko.

"Pangako hindi na kita ulit ikukulong, hindi na kita ulit gugulatin habang natutulog ka ! hindi na pipiliting matulog.... ! hindi na kita babawalan kapag nakikipag usap ka sa mga kapwa ibon mo ! hindi na kita ulit gugutumin at pilit na ibubuka ang bibig mo kapag naiinis ako sayo, papansinin na kita kapag binubuset mo ko.... Taco asan ka na......" hagulgol na sigaw ko.

Lumipas ang gabi wala pa rin tako na nagpakita...

Kinaumagahan may kumakatok sa pinto. "kaylan pa natutong kumatok sa pinto si Tako ko?" Bulong ko.
Dali dali akong buksan ang pinto para tignan, nakita ko ang isang medyo mataba na babae, hindi siya ganun kaganda. Magtatanong pa lang ako pero nakita ko my ibon siya sa balikat niya. Si Tako !

Nalaman ko na siya pala ang totong nag mamay-ari sakanya. Natakot ako sa sasabihin niya, akala ko kukunin niya na ulit si Tako pero ng sabihin nya ang mga katagang ito kumalma ang loob ko.

"Matalinong ibon si Steven. (wow hindi ko alam na ang arte pala ng totoong pangalan ni Tako ko.) naiiba siya sa mga nakikita mong ibon sa labas o pati sa libro. Hindi siya ang tipo ng ibon na ikinukulong, dahil nga sa kakaiba siya bumabalik at bumalik pa rin siya sayo. Mukhang may bago na siyang amo ngayon, at ikaw un. Bihira lang siya magkagusto sa isang tao, dahil wala siya iba gusto nun kung hindi ako lang noon. Ako kasi ang nag-alaga sakanya simula ng natagpuan ko ang itlog niya." Mahabang paliwanag na sabi niya.

"Bakit ng makita ko siya sugatan ang isang pakpak niya?" tanong ko.

"Nasugatan siya dahil sa akin. Sa kagustuhan kong ingatan siya hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya. Kaylangan ko na kasi munang umalis upang mag-aral, hindi ko alam na ang pag kulong sakanya ay nakasama pala sakanya. Sinubukan niyang kumawala sa kulungan niya hangang sa nakita siya ng alagang pusa ko. Nakalmot siya nito pero nakalipad pa rin siya at hindi ko na siya nahabol pa." Kwento niya.

"kawawa naman pala si tako ko" bulong ko.

Nakiusap siya sakin na kung pwede dalawin niya si Tako kahit tatlong beses daw sa isang linggo. Pumayag naman ako.
Tuwang tuwa ako na totoo ang sinabi niya na bumabalik si Tako kahit hindi mo na siya ikulong. Nung una natutuwa akong makita sila, pero ng tumatagal na hindi na ako natutuwa. Naiinis ako sa tuwing tuturuan niya si Tako, at tila mas hyper siya kapag kasama nya ang dati niyang amo. Nakakatampo naman...

Gusto ko ako lang magpapakain sakanya, gusto ko ako lang mag-aalaga at magbabantay sakanya 'pag may sakit siya. Gusto ko ako lang ang aawitan niya lalo na sa tuwing magigising ako sa umaga, Ako lang aaliwin niya, ako lang papatawanin niya 'pag nalulungkot ako. Gusto ko akin lang siya. Ayoko nakikitang pumalagay na naman loob niya sa dating nag mamay-ari sakanya, baka kasi .. baka kasi.. iwanan niya na ako. =(

Dahil daw sa galit ko pinatay ko sa panaginip ko ang dating nag mamay-ari saknya.
Pero pwede naman ibahin eh. Pwede kong gawan ng doll ang amo nya dati at ipapakulam ko. Pero dahil mabait ako. Ibibitin ko na lang patiwarik si Tako sabay sila? hahahaha. Walang ending. Dahil bigla nga kong nagising !







Zzzzzzzzzzz . . .

No comments:

Post a Comment