Search This Blog

Tuesday, March 8, 2011

1st time kong makatulog ng 8hrs buong hapon kahapon
1st time ko din nakatulog ng maaga kagabi
1st time ko ding umatend ng mass sa Quiapo kanina

first friday kasi
panata ng sis in law ko magsimba ng sampung beses
tuwing 1st friday saka huling araw ng buwan

pinagdadasal niya kasi si Mhongzsi
simula daw nun hindi na inaatake ng kumbulsyon
ang gwapong pamangkin ko

na isip ko tuloy ipag dasal si tatay

bago kami umalis may dala siyang damit ni jumong
sabi ko para saan, para daw ipa basbas sa pari
ang sabi ko pwede rin ba ako mag dala oo naman daw

kumuha ako ng towel ni popzi saka panyo ni maluz
balak co nga magdala ng madami para din sa ate ko
sa kuya ko sa kaibigan ko sa kapitbahay namin
kaso sabi niya patawa daw ako

sayang naman . . .

tulad ng inaasahan hindi masyado makapal ang tao
ang pinaka paborito kong pakinggan ang sermon ng pari
tungkol sa pagpapatawad ang kwento niya

bago tuluyang magtapos ang misa
dadaan muna si father para isaboy ang basabas niya

hindi ko sukat akalain na ang basbas ng pari ay
katumbas ng nilalabas na dami ng tubig sa shower
malapit na lumapit samin ang pari

bago lumapit si father samin madami ang sumisigaw

"father kami naman po!"

"father dito po!"

ako naman ay tila nahihiya dahil lahat sila nkataas ang
kamay habang hawak hawak ang ibat ibang bagay na dala
dala nila

"father sila po birthday nila" sabi ng lalaki sabay turo sakin

nagulat ako parang isang punong tabo ang binihos sakin
ang hapdi sa mata

"nabasa ka ba te? okay lang yan ganyan talaga pag birthday"
parang pang uyam na sabi nila kuya sa akin

ang pagkakaalam ko basbas na wisik lang hindi ko alam na
buhos pala, hahaha. pambihira.. pero ayos lang dahil na pa
blessed ko ang mga dala dala ko

parating na naman si father papunta sa kinatatayuan ko
hindi pa nga natutuyo ang nabasang bangs at damit ko

"father dito po" sabi ng mga katabi ko

isang solid na buhos na naman mula kay father ang
natanggap ko

alam ata niya na hindi ako nagsisimba at sobrang
makasalanan ko na kaya may libreng ligo ^^

nalungkot yung mukha ni lola sa may tabi ko hindi
daw siya naabutan ng basbas
gusto ko sana ipunas ang basa sa braso ko kaso nakakhiya

lumabas kami ng simbahan na basang basa
ang sarap pala sa pakiramdam

bago kami lumayo nagsindi muna ng kandila ang
sister inlaw ko ipinagdadasal niya daw ang kalusugan
ng anak niya

my ibat ibat kulay ang mga nakataling kandila
tinanong ko siya kung para saan mga iyon

halimbawa daw ang dilaw ay para ipag dasal
ang mga nangangaliwang asawa
ang iba naman ay para sa lahat ng dasal sa buhay


wala bang para sa trabaho?
yung tipong kahit hindi nag-aaply
magkakatrabaho?


ahahahahahaahahahahahahhaha ! XD

No comments:

Post a Comment