Search This Blog

Friday, February 18, 2011

LOVE LOVE LOVE


"Kamusta araw ng puso mo? saan ang date?"
yan ang kadalasan tanong pagkatapos ng Valentines
Day ng mga kapitbahay, kaklase, kaopisina,
kaibigan pati mga hindi kakilala.


ano nga ba dapat isagot kung hindi ka pa nakakaranas
na mag celebrate ng Love day na kasama mo kasintahan mo
Hindi naman siya ganun ka big deal. nagiging big deal lang
naman to sa mga taong masyado dinadamdam na wala silang
ka date sa araw ng mga puso.


bakit ba sa tuwing araw ng linggo nakaugalian ng magsimba
ng mga tao? sa tingin ko kasi ginawa ang araw na yun
para paalalahanan ang mga nakakalimot mag dasal at mag
pasalamat.


bakit ba my birthday pa at nauso pa yang edad edad na yan?
sa tingin ko para lang maging gabay sa pang araw-araw.
masasabi bang swerte ang mga kabilang na sa senior citizen?
kaya huwag kang magaglit kapag sinabihan kang mukhang bata
magalit ka kung sabihan kang mukha ng matanda.


ngayon bakit may araw ng mga puso? parang araw ng pasko
ginawa lang siya hindi para sa mga magkasintahan lang
ginawa siguro 'to upang magkaroon ng kahit sandaling oras
ang mga taong nakakalimot magmahal, magpasalamat sa mga
mahal nila sa buhay lalo na ang mga taong hindi na alam
kung paano na nga ba mag mahal kung ano nga ba ang tunay na
kahulugan nito


sa tingin ko ilan sa mga halimbawa ay ang mga eksenang na
saksihan ko sa aking sandaling paglalakad na naman sa labas


hindi ko ugaling lumabas ng bahay pero nung feruary 14, 2011
gusto kong masilayan ang mga pangyayari sa araw na iyon.


naglakad lakad lang ako pero hindi sa mall maiinggit lang ako
doon hulaan mo kung saan? edi malapit lang sa amin. mga pang
apat lang na kanto.


Madalas akong pagalitan ng tatay ko dahil bakit hindi daw
ako lumalabas ni ayaw ko daw magsundo. Pero noong mga oras
na iyon feel ko sunduin sa eskwelahan ang pamangkin kong babae
kasama ko sila taba at mhongzi mga pamangkin ko rin.


hindi pa kami masyado nakakalayo parang ayoko na ang hirap pa
may kasamang bata ang lilikot nilang dalawa. ang sarap nilang
iligaw. Patawaid pa lang kami may nakasalubong kami isang manang
may kasamang 2 bata rin, nagtatanong siya kung saan daw clinic
ni Doctor Dungo, kilalang magaling sa allergy un.



"ipapatingin ko sana tong anak ko dahil balita ko magaling daw siya
sa mga sakit sa balat." sabi niya,


"Banda po doon sakabilang looban ipag tanong niyo na lang ho ulit"
maliwanag at magalang na sabi ko.


"Ano kamo????" medyo pasigaw pero medyo mahalumanay na tanong niya.


"Sabi ko po. . . . . ." medyo malakas na pagkapaliwanag ko.



pero parang hindi niya pa rin ako naintindihan. tinuro ko na lang
ng kamay ko. okay na marahil iyon.


aalis na sana kami bigla na naman siya nagtanong



"Ne, anak mo?" tanong niya.


"Opo." sabay tango. sinungaling na sabi ko.



Napangiti siya. "pareho tayo ganyan din ako kapayat saka kaganda at kabata noon
alagaan mo sila mabuti ha, ang kukyot pa naman ng mga batang ire.
sige na ha, salamat mag-iingat kayo" sabi niya.



pakiramdam ko tuloy tila tatambangan niya kami mamaya sa gate.
nakakatatzs naman si manang. para tuloy may anak na nga ako pambihira.


habang naglalakad kami wala naman akong nakita may magkasintahang magkahawak
kamay malamang makakita nga ako kung halos kalahati sa magkasintahan kung
wala sa sinehan nasa bahay na walang kusina sila naroroon.

hanggang sa nakarating na nga kami sa harapan ng paaralang pinapasukan
ng pamangkin ko. parang kaylan lang ako sinusundo dito ng nanay ko.
lalo na noong mga panahong tag-ulan, nadulas pa nga kami sa gitna ng daan
haaaay ang mahal kong ina. mahalikan nga siya pag-uwi ko.

"ang tagal naman nakakapagsenti tuloy ako ng wla sa oras"
bulong ko sa sarile ko.


napaaga ata kami masyado ng pagsundo dahil 20 minuto na nakakalipas wala
pa rin siya. May lumabs na unang hanay. mga kinder pa lang pala. ang cute
nilang tignan dahil ang liliit pa lang nila.


lahat sila may mga sundo maliban sa dalawang nakita ko. halos iiyak na yung
isang bata sabay gulat sakanya ng kuya niya, sabay sampal niya sa kuya niya
maliit din. ang sweet naman nila.


kasunod nila mga sped. mga special child, naalala ko noon my stalker ako
nung grade 4 pa lang ako na sped sobrang natatakot ako palagi pag nakikita
niya ako kasi palagi siya nakangisi pakiramdam ko kakainin niya ko.


Pero mababait at malalambing pala sila. Lahat ng mga lumabas halos magkakamukha
lahat sila may masaya at maamong mukha. Isa sakanila kahit hirap sa paglalakad
may tungkod siya na bakal halos madapa dapa na siya ang saya saya niya tignan at
excited siya sinasalubong mama niya sa labas.

Ang isa naman sakay sakay ng wheel chair habang kumakaway sa mga tao dun at
sinasabi niya "ba bye po". tuwang tuwa naman ang kanyang ina habang pinupunasan
siya ng pawis sa likod.

Isa sa pinaka pumukaw sa akin ay ang matandang babae na hawak hawak niya kamay
ng anak niya siguro, mga nasa edad 70 na ang matanda. ang laki ng anak niya pero
mas mukhang isip bata pa siya sa iba. naisip ko paano na kaya siya kapag hindi na
kaya ng mama niya alagaan siya. sino na kaya mag-aaruga sakanya. hinalikan niya ang
mama niya sa ulo nito, isang halik lang at isang ngiti mula sa matanda. Wala ng mas
sasarap pa sa pakiramdam ang masaksihan ng ganoon eksena.

namomoblema din kaya mga sped? kasi kung hindi sila masaya at palagi nakangiti
bugnutin lang sila. buti pa sila mayaman sa pagmamahal, sa atensyon, sa alaga
lalo na sa oras. Kung ganyan din sana kayaman araw-araw mga magkasintahan sa
mundo mapupuno siguro ng pagmamahal ang buong universe.

sa ilang minutong paghihintay doon nabalot ng pagmamahal ang buong paligid
ng gate dahil sa mga taong naghihintay sa labas sa kabila ng init ng araw
para sa mga mahal nila sa buhay.


ang maghintay. yan lang ang pwedeng gawin ng mga taong naghahanap ng pag-ibig
sa buhay. ang maniwala. sakabila ng pag aabang, may taong sasalubong sainyo
at papawiin ang lahat ng lungkot na naidulot ng paghihintay.


malay mo isang araw may magsusundo na sainyo gabi-gabi sa work.
kayo naman ang makikita ng mga taong may kahawak kamay sa daan
may kaakbay habang nanonood sa sinehan
kasukob sa loob ng payong habang umuulan
may magpapaluha, magpapasaya at magpapangiti na sayo araw-araw

kaya habang wala ka pang kasintahan ngayon bakit hindi mo muna
bigyan ng pansin ang mga mahal mo sa buhay katulad ng mga
magulang mo


sa dami ng sinabi ko wala pa rin ang hinihintay namin
tumawag ate ko sa cellphone

"BRUHA KA ASAN KA NA? BAKIT YUN SINUSUNDO MO
NAUNA PA SAYO DITO SA BAHAY?! UMUWI KA NA NGA
KAHIT KYLAN KA TALAGA!"



anak ng . . .






THE END <3

No comments:

Post a Comment