Search This Blog

Friday, February 18, 2011

Ang kalahating burger


Lunch break na, balak ko kumain mag-isa sa labas
ewan ko ba basta may araw na bigla ko na lang maiisipan
mapag-isa. Akala tuloy ng mga ka opisina ko may katagpo
ako sa labas.

hindi ko naman gawain maging mapag-isa hindi ko alam
bakit sa araw na iyon parang may humihila sakin palabas.

naisipan kong kumain sa walang kamatayang Jolibee, ayan
lang kasi ang pinaka malapit na fastfood at syempre may
pinaka murang meal.

may nakasalubong akong lalaki ngumiti siya sakin pero hindi
ko naman siya kilala. Baka dahil siguro nagagandahan lang
siya sakin, baka nga. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad,
sa may bandang kaliwa ko sa gilid ng daan yun batang nasa
sinapupunan pa lang ng ina niya dati at ngayon ay sumisipa na.

kahit na salat man sila sa buhay, may payat man siya na
pangangatawan, at walang maayos na tulugan na tanging langit
lang ang nagsisilbing bubungan. makikita mo sakanyang musmos
at maamo na mukha na sagana siya sa pagmamahal ng kanyang ina.

nakakatuwang isipin na kahit na hirap sila sa buhay hindi pa rin
nila nakakalimutan ngumiti. ang saya nilang pagmasdan.samantalang
ako parang pinagsakluban ng langit at lupa ang lagay ng mukha ko

haaaay....nakakagutom silang tignan kaya pinagpatuloy ko na lang
ulit ang paglalakad

ang boring pala talaga ang maging mag-isa lalo na kung ang mga
katabi mo sa pila ay halos lahat ay may kahawak kamay. lalo tuloy
akong nalungkot.

"Miss meron ka bang 2 piso" sabi sakin ng kahera. "ay wala eh"
sabi ko. naalala ko tuloy si Ms. Jil, siya ang officer na sobrang
kwela. Sabi niya sakin kahit daw my barya ko sabihin ko daw na wala
kapag magtatanong sayo ang kahera. Nung araw na nakapila kami ayun
yung araw na nagkamali ang isa sa mga kahera. sobra ng otso ang
nasukli niya sakin. balak ko sana isoli kaso sabi ni nya 'wag na
daw, saka tinatamad na din akong bumalik.

dahil nga sa mag-isa lang ako mabilis lang ako nakahanap ng uupuan.
sa may gilid ko may dalawang mag-asawa, sa hindi ko naman plano
pakinggan ang pinag-uusapan nila ay narinig ko pa rin.

"kumain ka ng kumain hon, ubusin mo yan" sabi ng lalaki.
"parang wala kong gana eh" sabi ng asawa niya.
"sus, gusto mo subuhan pa kita" sabay ngiti ng asawang babae.

haaaaayy... ang sweet nila. nakakaumay. may lumapit na matandang babae
makikiupo daw siya. pumayag naman ako. grabe ang daldal niya hindi
tuloy ako makakain ng husto. buti na lang umalis din siya kagad.
at nagkaroon pa ako ng oras mag emote.

parang wala sa ayos ang sarile ko nun hindi ko maisip kung bakit pakiramdam
ko ang lungkot lungkot ko, hirap ipaliwanag. may pumasok bigla na 3 batang
bata isa sakanila ay batang lalake.

humihingi sila ng mga tirang pagkain, nakakaawa. pero ano nga ba magagawa
ng awa mo kung maaawa ka lang. napalunok tuloy ako . parang hindi ko na
masubo un burger na kinakaen ko.

sinubukan kong tawagin un isang batang lalaki kaso nahihiya akong sumigaw.
para akong tanga dahil ng ahas akong sundan sila at ibigay ang kalahating
burger na hawak ko.

lumabas ako nakita ko sila tumakbo sa may gilid ng jolibee. nanliit ako
sa nakita ko. shaikzs ! ang dami nila. isang mag-anak ang nakaupo sa gilid
ng daan,habang sabik na sabik nilang kinakain ang mga tirang chicken na
ibinigay sakanila.

ang saya naman chicken joy pa yung kinakaen nila samantalang ako burger lang
itinago ko na lang bigla ang hawak ko sabay alis. baka kasi ibato pa nila
sa mukha ko ang kalahating burger sa kamay ko kapag binigay ko pa iyon.

naisip ko dapat ba akong matuwa dahil mas mapalad ako kesa sakanila
o sila na dapat matuwa dahil hindi hamak na mas masaya sila kesa sakin
sakabila ng pinagdadaanan nila..

yung kalahating burger ko pinag-agawan ng dalawang pamangkin ko pag-uwi ko.
okay na rin. hindi na rin masama. Yung kalahating burger katumbas ng kalahating
saya sa puso ko at isang buong mahigpit na yakap sakanila. ^^

No comments:

Post a Comment