Tuesday, January 26, 2010
Dear Sirang Papel,
Nais ko po sana ibahagi ang aking buhay pag-ibig sainyo at sa bumabasa nito. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Isabel, 40 years old at may mapagmahal na asawa at isang malusog na anak na lalake. Bago ko po nakilala ang aking asawa nagkaroon po ako ng long time relationship na boyfriend, Tawagin na lang po natin siya sa pangalang Brenan. Pareho po kami ng eskwelahang pinapasukan at nagkataon po na naging magkamag-aral kami sa ikalawang taon ko sa kolehiyo. Pareho po kaming ng kursong kinuha,dahil sa mahilig kami gumuhit pareho naming nagustuhan ang pagkuha ng arkitektura. Nagsimula po siya manligaw noong kami ay 3rd year college na. Matalino po siya at magiliw, medyo my kaliitin at hindi naman ganoon kapangitan, dahil na rin sakanyang malalim na piloy sa kaliwang bahagi ng kanyang pisngi. Madaling lumagay ang loob ko sakanya dahil sakanyang kapilyuhan at palatawang personalidad, na sa tingin ko nga ay doon niya ako nakuha. Kahit na marami ang nanliligaw sakin at hindi hamak na mas gwapoat makisig kesa kay Brenan pero hindi nagpapadaig si Brenan dahil sakanyang kasipagan sa paghatid sakin sa bahay na halos araw-araw niya ginagawa. Mahilig din po siya magpadala ng mga rosas lalo na pag nagkakaroon kami ng alitan,madalas ay dinadaan niya lagi ako sa mga walang kamatayan niyang linya "sige ka kahit hindi ako gwapo marami pa rin patay na patay sakin at kahit ano man oras ay pwede ko sila ipalit sayo" sabay hirit ng "biro lang sige na naman oh bati na tayo? jer2 na?" (tawa ng malakas) at dahil dun ay sinagot ko siya, haha. biro lang din po, ito po ang totoo naging kami na officially bago kami magtapos ng kolehiyo, nangako kami sa isat-isa na hinding hindi magbabago ang aming pag-iibigan kahit na kami ay may kanya-kanya ng trabaho. Naging maayos naman at masaya ang aming relasyon, halos tanggap na rin ako sakanila at ganoon din naman sa aking pamilya, pero matapos ang dalawang taon ay nagkaroon kami ng isang malaking problema. Nalaman ko na lamang na dalawang linggo na pala ako nagdadalang tao. Nagulat po talaga ako dahil hindi naman ako lumiliban sa pag-iinom ko ng pills. At ng sinabi ko kay Brenan ay talagang natuwa siya ng husto sa narinig niyang balita mula sakin, pero hiniritin ko po ito sa bandang huli ng "hala! siraulo niloloko lang kita baog ka kaya, ambisyoso." wika ko. Hindi po maipinta ang itsura niya ng mga oras na yan, hindi ko po alam kung matutuwa o malulungkot ako. Gulong gulo po talaga ang utak ko sa mga panahon na yun, at nagkataon na nalalapit na ang promotion ko sa aking trabaho.Halos dalawang buwan na ang nakakalipas, hindi pa naman ganoon kahalata ang aking tiyan dahil sadyang malaki na ito noon pa. Akala pa nga nila ay dala lang ito ng aking katakawan sa pagkain.Nasa plano ko na nasabihin kay Brenan na nagdadalang tao ako at anak niya ang nasa sinapupunan ko. Pero malupit ang tadhana isang araw bago ko ito ipagtapat ay dinugo ako ng husto sa aking kinauupuan sa sala. Nakita ako ni mama at agad naman niya ako isinugod sa hospital. Ang salaysay ng Doktor ay pumutok daw ang panubigan ko at sa sobrang stress kaya nalaglag po ang bata sa sinapupunan ko, ang anak namin ni Brenan. Tinanong ako ni mama kung alam ba ni Brenan ang tungkol sa bata, "wala po. wala po siya lam" ang sagot ko. nakiusap ako kay mama na huwag na ipaalam kay Brenan ang tungkol sa ngyari at ako na ang bahala magsabi sa takdang panahon. Sinermunan ako ng konti ni mama pero bigla niya ako iniwan ng isang salitang dala-dala ko hanggang ngayon. "Nak, wag na wag kang gagawa ng isang bagay na alam mong pagsisisihan mo balang araw" sambit niya. Umiyak na lang ako ng umiyak noong mga oras na yun. Ang daming missed calls at text mula kay Brenan ang natanggap ko, tanong ng tanong kung nasaan na ba ako. Sinabi kong nakipagmiting ako sa batanggas kaya ilang araw din akong nawala at hindi nakipagkita, pero ang sa totoo ay nasa bahay lang ako, nag-iisip pero hindi tulala. Nakapag desisyon na ako na huwag na lang sabihin kay Brenan ang ngyari, kahit na alam kong karapatan din niya malaman ang lahat. Pero sa kabilang isip ko "bakit pa? hindi rin naman maganda ang ngyari kaya okay lang siguro an hindi na lang niya malaman, baka mamoblema lang siya". Noong nagkita kami parang walang ngyari, pinilit kong ngumiti na parang ang saya-saya ko. echos, i mean mahirap din naman umarte na okay ka kahit hindi di ba. Sunod-sunod ang swerte ang dumating pagkatapos ng ngyari, Isa na akong certified Architec at medyo kilala na rin sa paggawa ng magaganda at matitibay na mga bahay at building dito sa pinas. Si Brenan naman ay kilala na rin pero nagkaroon siya fractured sa kamay noong araw na nabagsakan siya sa ipaplano niyang gusali sana, dahil sa ngyari hindi na niya kayang gumuhit at magplano pa hindi tulad ng dati. May magandang opportunidad naman na dumating sakanya sa abroad, nag-aral siya ulit upang makapagturo ng arkitektura. Dalawang taon din bago ulit kami nagkita ni Brenan, masaya namin siya sinalubong kasama ng kanyang pamilya. Gumanda ang kutis niya at pumuti ang balat niya. Marami siya baon na kwento at mga kalokohan, kahit daw kadalasan ay susuko na siya sa pagkahomesick nawawala daw kagad yun kapag nakakausap at nakikita niya ako. Bigla siya naging seryoso noong sinabi niya sakin na gusto niya na magkaanak. "Love, tara na tumatanda na rin tayo kaya dapat ay umpisahan na nating gumawa ng anak, habang malakas pa kong gumawa ng anak" sabi niya. Kinabahan ako bigla, naalala ko na naman ang dapat sanang anak namin naisisilang ko noon. Wala ko naisagot at bigla ko na lang naiba ang topic, "love ano nga pala yung balak mong itayong business?" tanong ko. Halatang halata sa mukha niya ang pagkadismaya sa ginawa ko. Masakit din para sakin ang hindi pagbigyan ang nais niya na lumagay na kami sa tahimik at magkaroon na ng mga supling. Pero ngayon ko pa lang naeenjoy ang buhay ko, mabuhay na walang inaalala, mabili lahat ng luho ko, makapunta sa ibat-ibang lugar. Alam naman niya na wala ko ginwa kung hindi mag-aral ng mag-aral noon, mahirap lang kami kaya nangarap ako maging isang sikat sa larangan ng Arkitektura, at ngayon natupad na. Dalawang buwan lang namalagi dito si Brenan at bumalik ulit siya sa abroad upang magtrabaho. Pagkalipas ng ilang buwan msyado ako naging abala sa pagpapalano ng mga floor plan at pakikipag-usap sa mga kliyente. Kaya naman madalas hindi ko nasasagot ang tawag at text ni niya sa akin, na naging dahilan ng pagtatalo naming dalawa. Agosto ng gabi, bigla na lang ako nahilo at sumakit ng husto ang ulo ko hindi ko na kinaya hanggang sa napahiga ko sa kinatatayuhan ko. Nagising na naman ako at nasa hospital na naman ang location, "nagugutom ka ba? gusto mo na bang kumain ipaghahanda kita" tanong ni mama. "Ano po ngyari" tanong ko. "hindi mo ba naaalala nakita na naman kita nakahandusay sa mga floor plan mo" sagot ni mama. Kinabukasan ngtaka na ko bakit hindi pa ako pwede lumabas ng hospital ganoong malakas naman na ako. Pinagtapat ni mama ang tunay na kalagayan ko. Meron daw akong cancer sa utak, isang sakit na umaatake alinman sa tatlong mahahalagang bahagi ng utak. Ang cerebrum, cerebellum at brain stem.Mga sintomas daw ng sakit na to ay ang pananakit ng ulo, ganun din ang kahirapang ikilos ang mga paa at kamay. Wala ko masabi sa narinig ko, pakiramdam ko hindi pa ako nagigising at panaginip lamang lahat ng narinig ko. Biglang dumating ang doctor, "kamusta na ang pakiramdam mo? sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" wika niya. "hindi na ho gaano" sagot ko. "Mabuti, ang treat- ment mo ay depende sa laki at lokasyon ng tumor. Maaaring operahin ang tumor mo iha, kung gusto mo isailalim ka sa radiation theraphy o chemotheraphy" paliwanag niya. Wala pa rin akong mareact basta nagtalukbong na lang ako ng kumot at baka sakaling panaginip nga lang iyon. Kinabukasan ganoon pa din, ilang araw na rin ako nag-gagamot, at ilang na ring walang kaalam-alam si Brenan tungkol sa mga ngyayari sa akin. Msyado mahal ang mga gamot ko at ang opersyon kaya lahat ng ipon ko naaubos na lahat. "Nak paano ka na yan, saan ka na yan kukuha ng panggamot,may ilang session pa pagdadaanan mo" na ngangambang tanong ni mama sa akin. Ako na lang ang bumubuhay kela mama saka kay papa pati na rin sa isang naka babatang kapatid ko kaya na ngangamba ko paano na sila pag bigla kong nawala. Palihim na sumulat si mama kay Brenan na humihiram siya ng pera para pang negosyo, hiniling ni mama na huwag daw ipaalam sa akin. Agad naman ibinigay ni Brenan ito at naipadala niya kagad.Kaya pala ng tanungin ko si mama tungkol sa pinanggastos niya sa huli kong operasyon sinabi niyang nghiram siya kay tito Ricky, hindi naman ako nag-alinlangin dahil lubhang maganda ang estado nila tito, nakakapagtaka lang. Natapos na din sa wakas ang theraphy ko. Pero dun din nagtapos ang sweetness, closeness namin ni Brenan. Ilang buwan ko din siya hindi nacontact at ilang buwan na lang din pala ay uuwi na siya. Sa kalagayan ko ngayon naisip kong putulin na ang kaugnayan naming dalawa, maaring maging pabigat lang ako sakanya sa bandang huli. Nagpatuloy ako sa pagpla-plano ng mga bahay, hanggang sa nakilala ko si Victor, single dad. magdadalawang buwan pa lang ang anak niya at ako ang napili niya para magplano ng bahy na gusto niya. Na nagkataon naman na kautlad na katulad ng bahay ng gustong gusto namin ni Brenan. Mabait si Victor, nahulog kagad loob ko sakanya, alam niya din ang tungkol sa sakit ko. Minsan kapag inaatake ako siya ang unang nag-aalala at nag-aalaga sakin. Matapos noon ay madalas na kami lumabas every week ends kasama ng anak niya. Nalaman ko na lang na nakauwi na pala si Brenan at hinahanap niya pala ako.Mabilis masyado ang pagdaan ng mga araw para sa aming dalawa. Hindi ko na siya kinontack pa at kahit isang bagay na namamagitan saming dalawa ay inalis ko na. Masaya ako nagkakilala kaming dalawang, para sakin isa na lang siya magandang ala-ala at saka hindi ko rin naman na siya mabibigyan ng anak dahil nagkaroon na ng diperensya ang bahay bata ko, marahil ito na ang kabayaran sa mga nagawa ko sakanya. Masaya na rin ako sa buhay ko ngayon kasama si Victor , na kahit hindi na sakabila ng sakit ko ay tinanggap niya pa rin ako. At umaasa kong masaya na rin siya ngayon, maraming salamat po sa pag basa ng aking storya, sana po ay may kinapulutang aral ang mga masugid niyo taga subaybay kung meron man.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment