Search This Blog

Wednesday, September 29, 2010

HUGSZ YOU.. =)

“Are you upset little friend? Have you been lying awake worrying? Well, don’t worry…I’m here. The flood waters will recede, the famine will end, the sun will shine tomorrow, and I will always be here to take care of you.” - Snoopy Quotes



kahit na ilan beses ka pa masaktan

kahit ilan beses ka pa iwanan

kahit na ilang beses ka pa umiyak

kahit na ilan beses ka na sumuko

at kahit ilan beses ka pa

subukan ng panahon

iwan ka man nilang lahat

at kahit iwan mo man ako

basta ko hindi kita

iiwan.. =)

Tuesday, September 28, 2010

YOU make me SMILE =)




basta u make me SMILe. ^__^

Cry with someone, its more healing than crying alone =)

i'm maybe too far away from you
i'm maybe one of the reason why you cry
but whenever you cry
i cry........

lilipas din to

umieksena na naman si lumbay
pilit umuulan ng gulo
patuloy ang pag hampas
ni lungkot...

nalulunod ako
ang bigat sa pakiramdam
patuloy ang paghagos
ng ulan..

hindi ko mapigilan
kaylangan malampasan
dahil walang sino man

ang nakakaalam

*emotera*

Sunday, September 26, 2010

Alam mo ang dalawang bagay na hindi kayang pigilan ng tao?
....ang pag bahin at ano naman un isa? ano sa tingin mo?

Wednesday, September 22, 2010

korrneeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee

kasabay ng pag tila ng ulan
ang pag tila ng mga luha ko
sa aking nagmumugtong
mga mata

kasabay ng magandang sikat
ng araw ang pag-asang my
bukas pa para sa atin

sabay nating hawiin ang mga
maiitim na ulap sa pagitan
nating dalawa

sabay nating lasapin ang
ang mga pagkakataon na
hawak pa natin ang
panahon

asahan mong sa darating
na bukas at sa susunod pa
na bukas

meron pa ring ikaw at ako
sa susunod na pahina ng
buhay ko

kahit pa ilang beses mo
pa rin akong pilitin tanggalin
sa pahina ng buhay mo


..............................................

Tuesday, September 21, 2010

Bakit ba sa tuwing sasambitin
ko ang salitang "mahal kita"
palagi mo na lang binabato
ang salitang "salamat"

sana hindi ka na lang nag salita
mas mabuti yun kesa sa
salitang binitawan mo

bakit ba sa tuwing sinasabi ko
lang ang nararamdaman ko

bakit ba palagi mo na lang
nililihis sa mga kwentong
barbero mo

sinabi mo kaibigan mo lang
ako, pero kung bakit tratuhin
mo ko daig mo pa ang asawa
ng ate ko

sinasadya mo ba talaga
akong linlangin

sumasakit na ang ulo ko
sa mga pinapakita mong
palaisipan

daig mo pa ang sodoku
kung paganahin ang isip ko

kung ayaw mo sa akin pwede
'wag ka na lang gumawa pa
ng dahilan para lalo pa akong
mahulog sayo

-ale na naka high na nag-eemote