Search This Blog

Monday, January 11, 2010

Nick Vujicic (inspiring ever)

http://www.youtube.com/watch?v=nQPmY4nIjVE

Friday, January 8, 2010

"si cellphone o si Boy Friend?

ang cellphone vow
sa pag gising mo sa umaga
si cellphone ang unang kinakapa mo

'pag naiwan mo si cellphone sa bahay
si cellphone kagad ang hinahanap mo

pag nawala sya sa tabi mo
'di ka na mapakali kakahanap
sa cellphone mo

mas madalas mo pa nga sya kasama
kesa kay boyfriend

halos mapudpod na nga daliri mo
kakapindot sakanya

kasama sa pagkain
sa bahay
sa eskuwela
at pati sa banyo

paano kaya kung naging tao si cellphone?
hahawakan mo pa rin ba sya gaya ng dati?
pipindutin mo pa kaya siya at itatabi sa pagtulog
at pag ligo mo?

hhhhmmmm......
bakit hinde?
eh kung gwapong fafa nman si cellphone!

"akala ko"

akala ko noon di ka magsasawa sakin
dahil ang sabi mo kahit kylan
di mo ko pagsasawaan

ang sabi mo pa imposibleng magkahiwalay tayo
dahil ang sabi mo ikaw lang naman
ang bukod tanging nagtyatyaga sakin

pero nilolokoko lang pala ang sarili ko
nangako ka na magkasama tayong tatanda
kinantahan mo pa nga ko ng "grow old with you"
nagpadala na man ako

ang sabi mo hawak kamay natin tutuparin
mga pangarap mo
ako ba tinanong mo
kung ano pangarap ko?

ang makasama ka...
ang ingatan mo ko...
pero bakit ngayon andito ko?
kasama sa mga napagsawaan mo na
rin na gamit........

*teddy bear na tinapon na nag-eemote.

"the jokes on me"

this one of my fav. from unknown


i kept waitin' for the fone to ring
i know it wont be you
i try to feel mylife with busyness
yet all i do is think of you

what becomeof us
all our dreams and plans
how could you turned and walk away
as i watched our castles turnto sand

do unever even miss me
dont you long to cares my face
how could you forget so easily
and i can't erase?
i want to be in your arms again

to see the laugther in youreyes
butiguess the jokeson me
and oh! was i supprised?!

Music & Lyrics

etong lyrics na 2 bigla nlng ng popped up sa icp co at ngpop up ng ngpop up. snunod2 na. June 07 2008 i remember i dedic8 dz song to ace, elaine, grace, tan,arra and reg. and i called it



"Ayos lang yan"

I
tayo'y magkakaibigan walang iwanan
kahit ano pang mangyari ayos lang yan
basta't may alak at pulutan sa atin harapan
tayo'y babangon sa hamon ng buhay

(chorus)

tatayo ng sabay-sabay
at kung pakiramdam mo hindi mo na kaya
andito lang kami at sasamahan ka
ayos lang yan kaibigan kaya mo yan

II
kahit pa hindi patas ang mundo
kahit pa madalas susuko ka na
'wag kang mag-alala may karamay ka
andito lang kami dadamayan ka

(chorus)

tatayong sabay-sabay
at kung pakiramdam mo hindi mo na kaya
andito lang kami at sasamahan ka
ayos lang yan kaibigan kaya mo yan

III
tumawa ka lang kapag nalulungkot ka
kahit na ngiting asio pa yan ayos lang
kahit pa sabihing nababaliw ka na
okay lang yan kesa sumimangot ka

(repeat chorus)




other version of ayos lang, pero same tune like "Follow me"
its called "gising" fora fren of mine na mahilig maghappy2



"Gising"

I
Ako'y iyong kaibigan di ka iiwan
kahit ano pang mangyari andito lang
bastat may alak at pulutan sa ating harapan
ikay dadamayan kahit bawal pa yan

(chorus)

im singing..
iinom tayong dalawa hanggang sa ikaw ay malasing ko na
para ng sa ganun maiyou tube ka
ayaw mo nun kaibigan sisikat ka

II
kahit na nakaakinis ka minsan
kahit pa malakas ka pang mang-asar
wag kang mag-alala ganyan ka na
buti na lang napagtyatyagaan pa kita

(chorus)

im thingking..
iumpog ang ulo mo sa pader
para ng ikaw ay magising
sa mundo mong puro kasiyahan lang
umayoska kaibigan makinig ka na man

III

'wag ka ng magsmoke at 'wag ka na pasaway
pwede ba tigilan mo na yan
simulan mo na ngayon kesa bukas pa

(repeat chorus)



and more..........



"Munting anghel"

I
Ako'ymunting anghel 'di ka iiwan
kahit pa maparusahan andito lang
basta't para sayo lahat ayos lang
ikay babantayan pangako yan

(chorus)

kahit na...
mawala ang kagandahan ko
at maging isang ganap na tao
na walang alam sa kamunduhan
okay lang maging mang-mang
makasama ka lang


II

'wag ka na malungkot at 'wag ka ng umiyak
lilipad tayong dalawa
hawak ka lang 'wag kang bibitaw
andito lang ako hahawakan ka
okay lang yan basta kumapit ka lang

(repaeat chorus)




then it turns to kalokohan. haha. for regina



"Chaka nila"

Ika'yisang anghel tinakwil sa langit
at naparusahan nawalan ng ganda
bastat para sakin maganda ka
ako'y iyong kaibigan itaga mo yan

(chorus)

kahit pa..
nawala ang kagandahan mo
at naging ganap na tao
na walang alam sa kamunduhan
okay lang yan kaibigan carry mo yan

II

kahit pa nakakasindak ka minsan
kahit na mainitin pa ang ulo mo
'wag kang mag-alala ganyan ka na
buti na lang sanay na ako sayo

(repeat chorus)

Im singing...
hahawakan ang iyong kamay
at kung pakiramdam mo nahihiya ka
okay lang yan friend CHAKA nila !




i wrote diz song coz ive got da idea from a 4wrded quote
so e2 kinalabasan. ^_^


"Tagay"

I
nandito na ang barkada
sila arra at rosel na may dala dalang gitara
kasama rin si tan at shine na hila-hila ang tatlong case ng alak
pati na rin si diwata na may hawak na bong bawang sa eskinitang
tindahan nila regina kasama sila shera at eug
humabol din si jam, abby at cas
hindi rin nagpahuli si jesica sa eksena

II
Kumpleto na ang lahat
asan na ba sila starlet at eva
wala rin dito si tifanny

(chorus)

sana andyan pa rin ang barkada kahit tayo'y di na nagkikita
sana buo pa rin ang mga tropaat manatiling magkakaibigan
sana sa hilo na dulot ng alak pansamantalang makatakas dito
sa ating magulong mundo

sana sa walang humpay na tawanan at kalokohan
maitago lahat ng sakit at kalungkutan

(chorus II)

sana kapag akoy may poblema di lang alak
ang aking kasama
sana andyan pa rin ang tropa

sana sa pag-ikot ng tagay maisabayat matangay
ang mga poblemang nais mong sabihin
at sabawat pagtaas ng bote ng alak
sana may mga kaibigang
walang sawang kakampay

(repeat chorus)



i wrote this for my friend Tan


"kasama ka gagaraduate"

I
papakopyahin kita 'pag wala kang sagot
ililibre ng lunch 'pag kinapos sa baon

(chorus)

oh kay sarap isipin kasama kang gumraduate

sasamahan kahit puro recon
humigit kumulang 'di mabilang
halos mamasteral mo na lahat ng subj.
basta 'wag lang tayo abutin ng 3001

II
pupwersahin kita pag tinatamad ka
iccheer up ka 'pag di mo na kaya

(chorus)

oh kay sarap isipin kasama kang gumraduate

III

maglalakad pauwi madamayan ka lang
kahit nakahills sakin ay ayos lang


(chorus)

oh kay sarap isipin kasama kang gumraduate

IV

....at dahil sa pasaway ka
lahat ay naglaho
oh kay saklap isipin
ikaw ay magfifith year.....



i wrote this song for JB "diwata"


"Looser"

Iinggitin kita kapag my pizza ako
kakain ako sa harapan mo
oh so excitin' na makita tulo laway mo

guguluhin kita 'pag tahimik ka
gugulatin ka 'pag ikay tulala
oh kay sarap isipin naiinis na kita

kukutuan kita kahit mahawa pa 'ko
tatanggalin pa ng patay na buhok
oh kay sayang makita ikaw ay nakakalbo

sasamahan...
patatawanin...
'pag ikaw ay nalulungkot
sasabunutan...
sasampalin...
dahil ikaw ay nag-eemote

iilahin ang bangko 'pag ikay uupo
ahagisan ng kodigo pag nakatingin si mam
bibigyan ng sandwich na my bubog sa loob
papainumin ng juice na nilagyan ng asin
oh kay sarap isipin ikaw ay naisahan ko



bago aco magtapos naisipan ko lang to from the song of Apo hiking


"ESCOLTA"

nagsimula ang lahat sa Escolta]
nagsama-sama mga CBA
sa hagdana't at sa upuan
hindi maawat sa isat-isa

madalas ang siksikan sa kwarto
mga studyante na kay babango
laging may hawaka-hawak na pamaypay
upo lang saglit at may kagat na

kay simple lang namn ang aming hiling
na may maayos na elevator
eskwelahan na walang lamok at
malinis na palikuran

sana nga po...
sana nga po...
sana nga'y mangyari na yan

sa unang pasok kayo'y magkakasama
magkakasabwat sa panunukso
sa kalokohan kayo'y nangunguna
o kay sarap ng samahang barkada

sa ating thesis nyo nasubukan
ang katatagan ng samahan
tayo'y napuyat at nagkaalitan
may iyakan pati sisihan

pero kahit ganun pa man
buo pa rin ang ating samahan
kahit ano pang mapagadaanan
makakaya kung magtutulungan

araw-araw kami'y pumapasok
naglalaka ng paghaba-haba
aakyat patungo ng 4rth flr.
minsan pa nga ay 8th flr.

napakahirap malimutan ang hirap
ng napagdaanan
kahit lumipas pa ang ilang tao
mamismis nyo rin lahat ng 'to

simple lang naman ang aming hiling
na makagaraduate na this sem
diplomang inaasam at magamit ang natutunan

gagraduate nga ba...?
ggraduate nga ba kami??? ^_^







Wednesday, January 6, 2010

paano

paano ko makakagawa ng kanta
kung di ako marunong mag-guitara

paano ko makakabuo ng isang storya
kung di ko alam kung paano simula
at kung paano ito tatapusin

paano nga ba makakalikha ng isang
magandang tula kung hindi
tugma ang mga salita

sa paghawak ko ng aking panulat
kusang nabubuo at lumalabas
ang mga nakatagong salita

hindi gaano kagandang
bigkasin at hindi gaano kaganda
pakinggan

ngunit lahatng itoy
"practice lamang"

huling mensahe

ang huling mensahe
mo sakin

pero wala man lang kahit
konting luha ang tumulo
sa pisngi ko

pilit kong pinapakiramdaman
ang sarili

ngunit ni isang emosyon
wala akong maramdaman

paikot-ikot sa kama
harap dun,
harap dito,

naiinis ako.
naiinis talaga ko..

pambhira! expired na pala ko!
"YOUR UNLIMITED HAS ALREADY EXPIRED"

Dear Sirang Papel,

Sana ay mabasa nyo po ang aking munting kwento tungkol sa aking buhay,pag-ibig,at pag-asa.Nais ko rin po sanang magsilbing inspirasyon sa mga readers nyo, kung meron man. Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang "Nene". 29 taon na po akong nabubuhay dito sa mundo pero ni minsan hindi pa nadampihan ng ibang labi ang labi ko, ni minsan wala pang lalake ang bumalot sa inosenteng katawan ko at ni minsan hindi pa nabahiran ng dungis ang pagkababae ko. Opo, tama po kayo, birhen pa po ako. 'Wag na po kayong magduda tama po ang nabasa nyo. Masasabi ko na endanger na po ang mga katulad ko, pero kalabisan na kasi ilang taon na lang at mawawala na ko sa kalendaryo. Kaya ganito po ang ginawa ko. Jan. 5, 2010, tama na naman po kayo, kahapon lang yan. Ngayon po ang kaarawan ko, naisip ko na bago ako maging 29 gusto ko man lang mahalikan ng isang lalake, ng isang bata at magandang lalake. Hindi ko po alam kung ano bigla pumasok sa isip ko at naisipan ko ang ganitong klaseng kalokohan. Nagkataon po na may long time textmate po ako, at sya ang naging dahilan kung bakit natuloy at nabuo ang mga plano ko.Hindi ko naman po alam na papayag sya makipagkita sakin. Siya po si "Ernesto" 19 taong gulang, opo, tama na nman po ulit kayo, mas bata po sya sakin ng sampung taon na ngayon.Sa layo po ng pagitan naming dalawa sobrang magkaiba ang aming mga prayoridad sa buhay. Minsan natanong ko sakanya kung ano bang hiling nya bago matapos ang taon ng 2009, akala ko kasama ako sa mga hiling na sasambitin nya, pero ni isa sa mga sinabi nya sakin wala ako dun...ang gusto nya lang daw muna sa buhay ay makapagtapos, mag-aral pa ng mabuti para ng sa ganoon may maganda daw sya makuha na trabaho 'pagkatapos nya ng pag-aaral. Hinintay ko na ako na man ang kanyang tanungin, pero nawalan na ako ng gana nung tinanong nya ko, ang isasagot ko pa naman sana "SIYA" . Tama po, siya ang hiling ko nitong sanang taon. Maraming beses na rin po kaming nagkita, at sa bawat pagkikita namin na yun iba talaga ang saya na dala nya, ang mga ngiti nya, ang mapupungay niyang mata, at makapal nyang labi na parang nagsasabing "hagkan mo ko". Halos lahat ng kabataan ngayon ay mapupusok sabi ni inay, madalas nya akong sermunan tungkol dyan at tungkol kay Ernesto. Hindi boto si inay sakanya, ang lagi nyang pangaral sakin "Pera mo lang ang habol nya sayo anak, pwede bang gumising ka na sa pag iilusyon mo na yan" ang sweet nya po di ba, araw-araw sa ginawa ng Diyos palagi nya sinsabi na "ang matanda ay para lang sa mga kapwa nya matanda" palibhasa kasi magkasing edad lang sila ni itay. At may naudlot din sya na pag-ibig nung panahon nila, si uncle Sonny, ang nakababatang kapatid ni itay. pitong taon naman ang pagitan nilang dalawa ni inay. Unang nakilala ni inay si uncle Sonny bago kay itay, alam ni itay ang lahat, at kung gaano kamahal ni inay si uncle. Kwento sakin ni lola 15 anyos pa lang nun si tito at 22 anyos na man si inay. Nagkakilala sila noong naliligaw si tito dito sa aming lugar sa panggasinan, malapit lang kasi ang eskwelahan na pinapasukan nya mula dito sa amin. Hinahabol daw ng aso si uncle sa mga oras na yun wala mapagtaguan kaya sa loob ng gate namin sya pumasok at dun na nga sila nagkakilala ni inay. Hindi mukhang 22 anyos ang itsura daw ni inay noon, dahil na rin daw sa payat na pangangatawan at kakapusan ng taas, dumagdag pa daw ang makinis at maputing balat ni inay,kaya parang teenager pa rin ang itsura nya. "sino ka? paano ka nakapasok ng gate?" tanong ni inay sakanya. wala daw nun nasabi si uncle, basta daw parang natrauma, hindi nga lang nila alam kung nagulat dahil sa aso o baka daw dahil sa kagandahan ni inay biro ni lola. Kasalukuyang estudyante pa lang din si inay sa eskwelahang pinapasukan ni uncle. Simula noon palagi na daw dumadaan dito si tito, unang punta nya kasama nya mga magulang nya para magpasalamat sa ngyari. Kaya naging close na nila lola sila lolo Lucio at lola Lucia. Kasalukuyang magtatapos na ng kolehiyo si inay noon at si uncle na man ng highschool. Sa maiksing panahon nagkamabutihan sila inay at uncle kahit sakabila ng pagitan ng edad nila. Katulad ni Ernesto mypagka matured na daw si uncle kahit 15 pa lang sya marami na daw pangarap si uncle kasama dun si inay.Pero kahit daw ganun hindi msyado nagpadala si inay sa mga pangako at sinasabi ni uncle sakanya. Dahil nga baka nasasabi nya lang mga bagay na yan dahil sa bata pa sya. Umiyak daw ng husto si uncle nung sinabi nya ang balita na sa states na sya magkokolehiyo. Nangako si uncle babalikan nya si inay at papakasalan. Ilang araw din nakita ni lola na malungkot si inay simula ng umalis sila uncle. Mga dalawang taon din sila nagpalitan ng sulat ni uncle noon, naputol na lang bigla ng walang kaalam-alam sila lola kung bakit.Apat na taon ng nakakalipas pero wala pa rin si uncle, hanggang sa nakilala ni inay si itay. 1 taon din bago maging sila ni inay. Noong ipapakilala na ni itay si inay kela lola Lucia, napaiyak sa pagkagulat si inay dahil kasama nila lola si uncle na may kasamang half pinay na magandang babae. hindi daw pabor sila lola para kay uncle Sonny kay inay,ayaw daw nila mas matanda ang babae sa anak nila.malapit na daw ikasal si uncle at ang gusto nya dito sila ikasal ng magiging asawa niya. Wala pang isang buwan pumanaw si uncle, sakit sa atay ang naging sanhi. Nag-iwan ng isang sulat si uncle kay inay kaya daw dito nya hiniling na ikasal para kahit sa sandaling araw daw ng buhay niya ay makita nya si inay at makahingi ng tawad. Pero hindi nya na nagawa, at sa sulat na lang nya nasabi. Pero kahit na sa sobrang haba pa ng sinabi ni lola sakin tinuloy ko pa rin ang plano ko. tama, nanood kami ng sine ni Ernesto at gusto ko dun gawin ang masamang balak ko. Hiniling ko na pumikit siya, pumikit nga siya, pero hindi ko nagawang halikan siya. Hindi nya naman ako nagawang halikan din dahil nahihiya daw sya sakin. Walang ngyari kahit ano sa loob ng sinehan, kaya sa pangalawang plano dinala ko sya sa motel sa manila. Dahil sya ang napili ko kylangan maging espesyal ang gabi na yun para sa aming dalawa. Sya ang gumawa ng unang moves, nung mga oras na hahagkan nyana ko bigla ko nalang sya natulak. Akala ko noon mahal ko na sya, akala ko lang pala. Walang ngyari niisa sa mga plano ko. Opo hanggang ngayon birhen parin po ako. At ito pa ang masaklap inamin nya sakin na may gf na pala sya. Buti na lang po hindi ko binuklat ang libro ko sakanya. At kahit pa agiwin pa ito hinding hindi ko ito basta ipapabasa sa iba at sa hindi ko mahal.Hanggang dito na lang po ang maibabahagi ko, sa kadahilanang malaki na po ang babayaran ko sa pag renta ng computer. Sana po ay may natutunan ang mga readers nyo kung meron man, at kinapulutan na man po ng aral kahit papano.