Search This Blog

Saturday, March 20, 2010

Dear Sirang papel,

Masasabi kong daig ko pa ang mga pang famas at mga storya sa maalala mo pa kaya at magpakailanman dahil sa aking matinding napagdaanan sa aking buhay. Sagana nga kami sa pera pero mas gugustuhin ko pang magkaroon ng kompleto at maayos na pamilya. May mga magulang nga ko ngunit mas close ko pa mga kapitbahay namin kesa sakanila, mas pinili na lang nilang maghiwalay kesa sa buo nga ang pamilya wala namang halong pagmamahal na nag-uugnay sakanila. Si mama na daig pa ang isang dalaga kung bumili ng mga luho niya, at si papa naman idol ata si ramon revilla sa dami ng anak. Sira man ang family background ko panigurado na sakin ang swerte sa career o love life. Natapos na't lahat ang ang high school days ko pati na rin ang college days ko wala man lang love life na dumating. Pero wala pang ilang araw pagtapos ng graduation natanggap kagad ako sa trabaho at over qualified pa nga daw ako. Eto nana man ako, umaasa pa rin ako na makikilala ko na ang lalaking magpapatibok sa natutulog kong puso, at kung wala pa baka matuluyan ng hindi na ito magising sa pagkakahimlay ng matagal. Marami akong nakilalang kaibigan sa trabaho, mukha naman silang mababait kaya kung tratuhin ko sila ay parang mga kapatid ko na. Hanggang sa isang araw may pinakilala sakin ang isa kong kaibigan, pinsan niya, si Mikel. Matangkad siya at mukhang matalino kaso may gf na, yun lang. Palagi namin siya nakakasama kapag may mga party o birthday lalo na kapag walang pasok. Madalas kami magkausap sa txt dahil sa mga hinaing niya tungkol sa problema nila ng girl friend niya. Todo advice pa ako sakanya, at sobrang nagpapasalamat naman siya kapag nagkakaayos sila ng gf niya dahil daw sa mga payo ko. Kapag may extra time ako palagi niya ako pinipilit lumabas para lang itrit o magvideoke, pagpapasalamat daw yun dahil daw sakin going strong pa rin sila ng girl friend niya. Walalang naman sakin yun dahil wala naman kaming ginagawang masama pero ang hindi ko alam hindi na pala magandang tignan para sa iba. May gf siya at single ako, ako na palagi nilang nakikita na kasama si Mikel samantalang ang girlf friend dapat niya ang kasama niya. Itinigil ko na ang madalas na pagkikita at pag-uusap namin, tinatanong niya ko kung bakit at kung may nagawa daw ba siyang hindi maganda. Sinabi ko sakanya na busy lang talaga ako. ilang linggo pa lang ang nakakalipas pero parang nakakamiss rin pala, nakakamis ang mga panahong wala kong iniisip basta alam kong masaya ako pag magkasama kami ni Mikel. Alam kong mali pero bakit namimis lang naman diba? tinuon ko na lang ang isip ko at ang puso ko sa pagtatrabaho, mas mabuti na ito kesa isipan siya. Makalipas ang dalawang taon habang nagpapahinga ako sa aking malabot na kama bigla na lang may nagtxt at number lang ang nag-appear.

"Kamusta ka na? namiss kita."

ang weird ! naisip ko sino na man tong mokong na ito at ang lakas ng trip, nireplayan ko nga ng walang kamatayang .

"Who's this? do i know you where did you get my number?" mamaya pa nagreply

"si Mikel to."

oh shaiks. bigla akong nanlamig totoo ba talagang siya to. nagreply ako

"is this for real? Mikel who?" at mabilis siyang nagreply

"Yes, its me Mikel Laurente. still remember? Anna's cousin your friend. Musta ka na? its been a long time may bf ka na ba?"

omg! siya nga. hindi ko alam ang sasabihin ko pero paano niya nalaman number ko.

Doon na ulit nagstart ang closeness namin dalawa sa isat-isa at dahil na rin sa matagal na rin pala siyang wala ng gf. Nasabi niya sakin magkikita daw kami bukas sabi ko bakit naman kami magkikita, "haha" lang ang sagot ng mokong. Kinabukasan 'pag pasok ko sa office nagulat ako dahil nakasabay ko siya sa elevator, lalo siya naging magandang lalaki at ang bagay na bagay sakanya ang suot niyang business attire.

"Oh bakit andito ka ano meron?" tanong ko.

"Sabi ko namn sayo magkikita tayo diba?" sabay tawa.

"siraulo ka talaga" inis na sabi ko na may pagkakilig kasi naman ang gwapo niya. Sabay seryosong sabi ko

"saan ka nga ba talaga pupunta?"

sabay sabi niyang "pinupuntahan kita masama ba un?" at bigla niyang pang dagdag na

"makikita mo na ako araw-araw at wala ka ng choice dun"

sa isip-isip ko ano kaya sinasabi niya don't tell me . . . at tama nga hinala ko isa siya sa mga ittrain ko na mga bagong empleyado sa department namin. Naging super close na kami ulit. Isang gabi hinatid niya ako pauwi ayoko sana pero siya kasi mapilit. sabi niya

"okay lang naman siguro hatid ka single ako at single ka diba?"

"bat nga pala kayo naghiwalay ni Bea?" tanong ko. Ewan ko bat bigla ko bang natanong un.

"wala, hindi lang talaga siguro kami para sa isat-isa, malay mo tayo pala?" sabay tingin sakin ng malokong tingin.

"Gago !" sabay sambit ko sakanya.

Maya-maya nagpara na siya ng taxi. ihahatid niya pa sana ko hanggang bahay pero sabi ko 'wag na gabi na rin masyado. Iba ang mga araw ko sa trabaho kesa dati, madalas akong excited pumasok ng maaga at tila parang sabik akong makapunta na ng opisina. Nagkasabay na naman kami sa elevator.

"Good morning mam" nakangiting pagbati sakin ni Mikel.

Okay siya dahil alam niya kung kaylan siya pwede magbiro at kylan hindi, ginagalang niya ako at tinatratong trainor niya, pero pag sa labas ay sobrang kulit at pasaway niya sa akin. Ininvite niya ako minsan sa birthday ng mom niya, kantahan lang daw, dahil sa wala naman ako msyado gagawin sa mga araw na yun pumayag na rin ako. Nasundan na yun ng ilang punta sakanila lalo na kapag new year at christmas. Hindi ko masasabing M.U na kami or ano ba, kasi madalas niya ako hinahatid at palagi inaabangan sa elevator parang siraulo lang, sabi niya exciting daw un, ano naman kaya kaexcite-excite sa ginagawa niyang pag-aantay sakin palagi dun. Pero infairness exciting nga un dahil doon ay ginaganahan akong pumasok ng maaga tuwing 7:30 asahan mong andun na kagad siya at inaantay ako, nagugulat na lang ako nasa loob na siya kaga ng elevator. isang umaaga biniro ko siya.

Mikel: "Good Morning Mam !"
nagkataon na kami lang dalaw sa loob ng elevator.

Ako: "Trabaho mo bang maghatid sundo sa elevator? daig mo pa un mga guard dito huh"

Mikel: "No mam, hindi ko trabahong maghintay ng ilang oras sa isang babae at ihatid sundo siya, basta ang alam ko lang masaya akong ginagawa ito, ang paghihintay sa special na babae na un, anong malay natin may magandang resulta ang paghihintay ko"

hihiritan ko sana siya sa mga banat niya kaso huli na dahil bumukas na ang elevator. Ang hirap pala talaga kung hindi mo alam ang status niyo sa isat-isa, ni hindi ko alam kung panliligaw ba ang ginagawa niya sakin. halos tatlong taon kaming ganito pag tapos noon bigla na naman siya nawala ng parang bula kasabay ng Pagka promote ko sa opisina. Wala din balita ang pinsan niya tungkol sakanya, ni "ha" ni "ho" wala kong natanggap na mensahe. Joke ba ito? Masaya ka ngayon pero bukas hindi mo alam wala na pala ang taong nagpapasaya sayo, wala ng nangungulit. Nasanay akong may naghihintay sa akin sa elevator, sumasalubong sakin ng matamis na pagbati mula sa taong mahal ko. Dumaan ang halos apat na taon, napagod na ako sa pag-asang pagbukas ng elevator ay andun si Mikel na nakangiti sakin, pero walang Mikel na nagpakita. May iilan din akong naging bf pero hindi sila worth it para ibigay ko ang 100 % na pagmamahal ko. Sabi nga nila pag swerte ka sa career hindi ka magiging swerte sa lovelife, nakakalungkot naman isipin na mukha ngang tama sila. Medyo humupa na ang lungkot na nararamdaman ko sa pangungulila at sa pag-asang makakatagpo pa ko ng taong mamahalin ko at mamahalin din ako. Okay na sana ang lahat pero ang kaisa-isahang mentor ko sa buhay ay iniwan na ako, biglaan ang pagpunta niya sa ibang bansa dahil sa sobrang busy ko hindi ko man lang nakuha ang contact number niya. Siya lang ang bukod tanging nasasabihan ko ng mga pagpoprotesta ko sa buhay, sa lovelife at sa trabaho ko. Sobrang nalungkot talaga ko ng husto sa mga panahong kylangan ko ng makakusap. Pati mga inaakala kong mga tunay na kaibigan ay napag alaman kong mga peke pala. Ginagamit lang nila ko, pineperahan, at sa tuwing kylangan nila ng tulong ako kagad ang nilalapitan nila. Itinatak ko na sa utak ko na walang ibang maaasahan sa mundo kung hindi ang sarili mo lang talaga, lalo na kapg wala kang minamahal. Sarili lang ang dapat na pinagkakatiwalaan, at tanging sarili ko lang ang kakampi ko sa mundo. Hindi na ako muling aasa pa na may lalaking darating pa sa buhay ko, mas gugustuhin ko pang mabuhay ng nag-iisa, ng walang inaalala. Ganyan ang nasa isip ko sa mga panahon na nakulong ako kalungkutan. Isang araw sa mall may umagaw ng pansin ng isang batang babae sa akin, ang puti at ang lusog lusog niya. May bigla lumapit na lalake sakanya at kinarga siya. Napatingin kami sa isat-isa, si Mikel, si Mikel nga ba ang basa harapan ko? tanong ko sa sarile ko. Nagulat siya at biglang tanong na

Mikel: "Ikaw ba yan? oh kamusta ka na?"

Ako: "Okay lang naman ako, anak mo?" tanong ko.

Mikel: "Oo, ikaw kasi eh, nakakapagod din kaya mag-antay lang, edi sana anak natin ang kinakarga ko ngayon"

nakakatawa.. nakakatawang isipin na siya pa may ganang magsabi ng ganun sakin. Kahit na iniiwasan kong isipin at seryosohin ang sinabi niya tila hindi ko maalis sa isipan ko, pauli ulit na nag-eecho sa akin ang boses niya. Paano niya nasabi ang mga bagay na ganoon, parang feeling ko tuloy na ako pa tong may kasalanan, o sadyang ganun na ba talaga ko ka manhid para hindi maramdaman ang gusto niya ipahiwatid noon. "Nakakatawa" yan lang ang pauli-ulit kong nasasabi sa sarili ko. Sa paglingon ko ng mabilis papalayo sakanya nabuhusan ko ng shake ang isang lalaking nakasalubong ko, medyo nanginginig ang tuhod ko sa mga oras na un dahil sa sinabi niya, kaya hindi man lang ako nakapag sorry sa tao na nakabangga ko. Wala na ata akong pag-asa sa buhay, kaya nagdesisyon na akong 'wag na talagang mag-asawa. Iisipin ko na lang ang kinabukasan ko, magtatrabaho ng mabuti para kapag may masamang mangyari sakin may pang gastos ako. Sino pa bang mag-aalaga sakin, wala naman. Nag tilang ewan ata ako at bigla tuloy ako nagkasakit, nagulat ako nasa hospital na lang ako, naabutan daw akong walang malay sa may elevator. May isang taong ngdala daw sa akin, pero hindi daw iniwan yun pangalan. Binalewala ko lang siya naisip ko baka isa sa mga guards o sino man siya basta salamat. Matamlay akong pumasok kinabukasan, ang bigat ng pakiramdam ko. Pasara na ang elevator ng may isang lalaki humabol pa, medyo bata siya sa akin ng konti, matangkad at moreno siya. Nakakatuwa ang ngiti niya kasi kung makangisi siya abot hanggang tenga. Ilang minuto ang nakalipas bumaba na ang lahat sa ikawalong palapag, tanging siya at ako lang ang naiwan.

SIYA: "Ms. okay ka na ba ngayon?"

AKO: "huh?" sa isip-isip ko kilala ko ba siya, ano bang sinasabi niya.

SIYA: "Hindi mo na ako maalala? niyakap mo pa nga ko , tapos binuhat pa nga kita, sumakit pa nga likod ko."

AKO: "Bastos ka ha !" hindi ko alam ang sinasabi mo!" sigaw ko sakanya.

Wala talaga akong idea sa mga sinasabi ng lalaki na yun, barumbado msyado, hindi bagay sa pananamit niya. Hindi ko na lang siya pinansin pero maya-maya pa ay nasa likod ko na naman siya.

AKO: "Sinusundan mo ba ako?"

SIYA: "Teka Ms. relax ka lang, nagkataon lang na pareho tayo ng way na pupuntahan."

Parang napahiya ata ako nun. Naglakad na lang ako na kunwari walang ngyari. Pero ang kulit niya dumidikit siya sa akin at parang ng-aasar talaga. Binilisan ko na lang ang paglalakad at iniwanan siya. Pumasko si President Chua, at may pinakilala sa amin, bagong Manager namin. Mr. Ramon Yi ang pangalan, sa pag tingin ko ang bastos na lalaki sa elevator ang bago naming manager. Nakakatawng isipin na paanong? mapaglaro talaga ang tadhana. "nakakatawa" yan na lang ang palagi kong sambit sa sarili. Ipinakilala siya sa amin isa-isa at syempre kaylangan namin magbigay galang sa mataas sa amin. Parang nakakaloko at mapang asar ng tinignan niya ako. Matapos ang isang linggong tambak na trabaho sa opisina sa pag sakay ko ng elevator andun si Mr. Barumbado at ang kanyang malokong ngiti.

SIYA: "Hello Ms. I'm Ramon Yi, just call me Ramon, and you are?"

Sa isip ko pwede naman sigurong sumagot ako ng pabalang sakanya dahil wala na kami sa loob ng opisina at dahil sa super inis na talaga ko sakanya ito pagkakataon ko para barahin siya!

AKO: "Ah..eh, I'm ____ po sir"

SIYA: "Don't call me sir, Ramon na lang, para atang hindi ka masungit ngayon? Mas cute kang tignan pag nagsusungit ka" sabay ngiti niya.

AKO: "Ah sige na sir , Ramon pala mauna na ako."

Hinabol niya ako at sabay sabing "Pwede ba kitang ihatid? sana pwede?"

Gusto ko sana tumanggi pero hindi ko alam bat hindi ko nagawang tanggihan siya. Napag alaman ko siya ang lalaking nagdala sa akin sa hospital at siya rin pala ang lalaking nakabanggahan ko at nabuhusan ng shake. nakakatuwa, nakakatawa talaga sambit ko na naman sa sarili. Yun lang ang una't huling hinatid niya ako, dahil ayokong dumating sa point na maiwan na naman ako sa ere ng mga lalaking napapamahal sa akin. Pero masipag siya, makulit na sinusuyo ako, kahit na madalas ko siya sungitan. Isang gabi nagtapat siya ng pag-ibig sa akin, hindi ko talaga inaasahan ang pangyayari na yun, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, basta ang alam ko lang ayoko na masaktan, ayoko na.. Patulog na ako pero hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Ramon, para na akong nababaliw dahil kinakausap ko na ang sarili ko.

sarili 1: "Duwag ka, alam mo kung bakit? kasi natatakot ka magmahal, natatakot ka na kapag binigay mo ang pagmamahal mo sa isang tao iniisip mo kagad na baka masaktan ka lang."

sarili 2:"tama! hindi mo masasabing pag-ibig ang nararamdaman mo kung wala kang sakit na pagdaraanan"

Ako: "Hindi.. hindi, dahil nakakapagod at nakakasawa din masaktan, ayoko na, nagbibiro lang siya, baka nagtritrip lang yun."

Sarili1: "paano kung hindi? paano kung mahal ka talaga niya? paano kung mapalampas mo pa ang pagkakataon na matagal mo ng hinihintay?"

Sarili 2: "tama ! bakit hindi mo ulit subukan? anong malay mo? na siya na ang lalaking nakalaan sayo"

AKO: "paano kung hindi siya?"

Sarili 1 & 2: "paano mo malalaman kung hindi mo susubukan!?"

AKO: "Waaaahhhh ! ah basta ! ayoko na !"

kinabukasan, pumayag na akong ihatid niya ako. Mabait naman pala siya, maloko lang.

SIYA: "Anong tingin mo sakin?" bigla niyang tanong.

AKO: "Anong tingin? Ah, hindi ka kagwapuhan matangkad ka lang tapos palagi ka lang kasi nakangiti kaya nagmumukha ka lang cute"

SIYA: "Talaga?? haha" sabi niya sabay seryoso ng mukha niya. "Gusto ko palagi ka nakikitang masaya, sana payagan mo ako maging isa sa mga dahilan ng bawat ngiti mo"

Wala ako nasabi, nanlamig nalang ako at tila gustong bumigay ng dalawang tuhod ko, basta ang hirap iexplain ng pakiramdam sa mga oras na yun. Siya na nga ba ang hapiness na matagal ko ng inaantay, na matagal ko ng pinagdarasal, matagal ko din pinag isipan ang bagay na yan. Taon din ako sinuyo ng husto ni Ramon, matyaga talaga siya kaya naman hindi imposibleng na naging kami. Wala pang petsa sa ngayon ang pagpapakasal namin, pero isa lang ang napatunayan ko sa mundo, na habang buhay may pag-asa, na kahit mukhang imposible pwede pa rin maging posible. Kahit pa ilang elevator pa ang napalampas ko may tanging nakalaan pa rin sa bawat sasakay nito, na naghihintay lang na makasakay ka. Masaya kami sa kung ano man status namin ngayon, hindi ako umaasa na magiging kami na talaga sa future, basta masaya kami ngayon, masayang masaya. ^__^

Short story

Bigla na lang akong nagising sa my jeep muntikan na naman akong lumampas sa bababaan ko, buti na lang nagising ako sa ingay ng wang-wang ng isang ambulansya. Bakit kaya? ang daming tao sa may kabilang tawiran, gusto ko sana silipin kaso male-late na talaga ko, ipagdadasal ko na lang na sana wala nasaktan sa aksidenteng un. Ang sarap sa pakiramdam pag naghahabol ka ng oras lalo na kapag nakarating ka ng klase mo na 1minute na lang malalate ka na. haha ang saya talaga nun. maliban na lang sa pakikipagsik-sikan sa BUS. Damn, sobrang dami na naman tao, ano pa bang bago, ayos na ayos kang umalis ng bahay at eto ko ngayon makikipagsiksikan lang sa ibat-ibang klase at amoy ng mga tao, nakakainis talaga. Pinalampas ko muna ang isang bus, sa susunod na lang ako sasakay for sure medyo maluwang na. ilang minuto lang dumating na ang susunod na sasakyan, tama nga hinala ko medyo maluwang na kahit papano. Buti na lang may iilan pang bakanteng upuan pero mabilis din itong mapuno kagad. May isang matandang lalake ang pinaupo ng isang . . wow gwapo at matangkad na lalaki. Nakakturn on un ginawa niya. Habang tinitignan ko siya bigla siya napatigin sakin, ang bilis ng tibok ng puso ko. nahuli niya ata ako nakatingin sakanya. Paano ba naman ang ganda ng labi niya parang ang sarap sarap halikan, at ang katawan niya panalo! Napapangiti na lang ako, kasi nahuhuli ko siya tinitignan niya rin ako. Bigla binulabog ni lolo ang momentum ko, un matandang lalaking pinaupo ni mala fafa piolo ang katawan. Nakakadiri ng bigla na lang ako kinindatan ng matanda at ang tingin niya sakin ay para niya na akong hinuhubaran, muntik ko na tuloy malunok ang candy sa bibig ko. Sa sobrang takot ko baka bigla na lang siya may gawin di maganda ewan ko ba at napasama ko sa mga bumaba ng mga oras na yun. Hindi pa ako masyado nakakalayo sa mga oras na yun bumangga ang bus na sinakyan ko sa isang truck at bigla na lang tong sumabog. -THE END

Sunday, March 7, 2010

Isang malaking turn off

nasa LRT ako that time ng may umagaw pansin sakin na babae, ganda ng uniform niya fit na fit sakanya, maganda siya, at ang ganda ng cellphone niya. Ng umalis un nasa harapan niya agad siya umupo biglang nagtaas ng kilay ang isang mukhang prof. na babaeng nasa edad na 40 plus. Ilang stasyon pa bago ko bumaba, so matagal tagal din ako nag-usisa sa loob ng LRT, pero wala kaintereinteresado sakanila,except sakanya. Paano ba naman nagtetext siya ng wala naman tinetext,para lang siguro maiwasan niya un tingin ng matandang baabe nasa harapan niya. Dalawang station pa bababa na ako, Medyo inaantok na aco, pero halasha.,. si pretty vain girlaloo ng tatanggal ng dumi sa likod ng tenga niya, at talaga namang nirorolyo niya pa at pinatalsik sa lapag. OMG. Tatlong ulit niya pa ginawa yun, at dahil dyan napatunayan kong MAS MAGANDA ko sakanya ! haha.

Marami na rin akong nakilalang lalaki, karamihan sakanila mga my itsura, sa 10 cguro sakanila 6 lang ang matinong kausap, at sila pa un mga hindi uso ang itsura. nakakatuwa kasi kahit na gaano pa sila kagwapo mapapatunayan mo talgang hindi lahat binibigay sa isang tao. marahil nakuha nila ang kagandahang itsura, kutis na makinis, matangos na ilong, at magandang pangangatawan.Pero malaking TURN OFF naman pag silay nakausap mo.haha. nakakatawa, kahit anong gawin mo hindi ka matatawa sa mga corny jokes nila, nakakaboring at walang sense kausap, if hindi naman puro kabastusan lang ang laman ng utak nila.May mga lalaki pa ba na hindi bastos ngayon, parang super liberated na ata ang pinas. tsk.tsk.

Sunday, February 14, 2010

Thursday, February 4, 2010

eksena sa LRT at MRT





No, I think it taught me to be independent and never expect a handout and never wait for anybody to hand you anything in any aspect of my life. -Jesse James










8am ang interview co. Nakaalis na aco ng hauz 7:20 na. Sumakay ng jeep, naka ugalian co ng bumaba sa LRT station. tanga2 tlga, magbabus pala aco sa Lawton. Ayun nkasakay pa tuloy aco ng taft instead sa sta.cruz, sobrang trapic!!! So instead mabwiset aco at tumingin ng tumingin ng oras sa katabi, nilibang co nlng muna sarili co. Napansin co un totoy tingin ng tingin sakin, gandang ganda siguro sakin, lapitin tlga co ng mga totoy mygosh. haha. adiik. Sa kabilang Jeep my mag partner nagkikiss.
sinasabayan nila un init ng panahon huh, bigla 2loi sila napatingin sakin, buti na lang magaling aco umiwas. Haaayy.. umandar din ng tuluyan ang jeep. Pabilisan mode pala pagsakay ng Bus na G-Liner sa Lawton, nkahigh heels pa nman aco. 5 bus nalampasan co baka co ngkaroon ng guts para sumakay ngbongga sa gitna pa tlga ng daan. Mygosh.

First time co sumakay ng MRT ng aco lang mag-isa. though second time co na makasay pero my kasama co b4. Talaga namang sadyang nakakapagod ang araw na yan, di lang physicaly, emotionaly, pati na rin mentaly. After ng interview co, sa napakabilis na interview na yun nagdesyd aco wag muna umuwi. As usual better luck next time nnman ang scenario. Nagulat aco inantay pala co ng 2 kasama co dun sa interview, sinama nila co sa may Ortigas. First time co din makarating dun, so another interview na naman at walang kamatayang exam,mygod ang haba, sakit sa mata, at di pa kami nkakapaglunch. 4pm na ata kami natapos. Eto na nadarama co na ako lang mag-isa uuwi. huhuh. Sabi nila sakin magbus nalang daw aco, naisip co trapic at baka masuka lang aco sa bus kc lhat aircon. Tinuro na lang nila sakin sakayan ng MRT, akala co malapit lang, duguan na ang mga daliri co sa paa bago marating sa sinasabi ng kasama co na stairs. Nilakad co un ng bonggang bongga with my 4inch high heels ! mygod! sobrang sakit na talaga ng paa co that time. So nakapila nco nkalagay "Monumento", so naisip co baka papunta ng Monumento un, nabasa co sa my teller un 5 stations ata un. Bat wala un pasay edsa, naisip co baka gnun lang talga pag sa MRT, tanga na nga co mas tanga pa sakin un manong sa harap co. tinanong co sya if papunta ba un ng LRT sa may pasay, at talga namang "OO" kagad ang sagot sakin. Ang haba pa nman ng pila tapos malalaman co na.

Aco: "Sa may Bambang po"

Teller: "ano?" Bambang? *sabay tawa na halos kita na ngala2 niya* sa LRT un! dun ka dapat sakabila"

OHmiGosh.. an laking EWAN. Pero hindi rin dala lang cguro un ng gutom.Ikaw ba nman wlang kain. *wehhh..* haha. tanga2. so un punta nnman aco sakabila. Dalawang MRT na nakakalagpas at diparin aco nkakasakay dahil sasobrang siksikan, as in. mygudnezz! di pa nman aco makahinga pag gnun. so paano co makakasakay??. eto na un pangatlong MRT wala pa rin acong balak makipagsiksikan,tinitignan co lang sila,habang un mga kasabayan co pinipilit ipagsiksikan un katawan nila aco nakatayo lang. Sa katapat na pinto sa harap co nakatingin lang sila kuya sakin, nakatingin lang din aco sakanila. haha. aparang adiik lang, napakaimposible magkasya pa co pero my manong ngsabi "dali kasya kpa" ohmi. go nman aco kagada. at un! kahit an sikip akalain mong kasya nga co. yihee.. advantage tlga ang payat. Dahil ayoco maipit sa loob nagstay sa my pinto. naimagine co nga wut if maitulak aco dun ng mraming dumadaan palabas. Sa left side co my Mg bf-gf, Buti pa un girl my nagpoprotekta sakanya sa mga maniac, buti pa siya may kasama. Pero un bf niya nakatuon ang mga mata sa girl na sexy na sobrang puti malapit sakanila. Natawa na lang aco, buti na lang wala con bf if ever bka nabulag co na xa. ! station pa bago co bumaba un ms. na mataba pinagtawanan ng 5 grupo ng mga babae, natalisod na nga pinagtawanan pa, pambihira. After 15mins. finally makakuwi na aco, nakasay na aco ng LRT. Marami ng tao hapon na kasi. Paunahan
silang lahat para lang makaupo. Un isang studyante umupo kagad bigla tumaas naman ng kilay un isang babae,mucha siyang teacher. Ang ganda ng suot niya at mucha talgasiya kagalang galang sa pormal na kasuotan niya. Naisip co 2loi "Di lahat ng tao willing magbigay ng upuan para lang sayo" na "hindi lahat getleman o gentle woman". Si manang
kanina pa ng-abang sa kaharap niyang upuan pero nakababa na syat lahat di man lang siya nakaupo.

Pana-panahon lang ang lahat.Sbi nga nila weather2 lang yan. Malay mo sa susunod na pagsakay mo sa LRT o MRT ikaw naman ang nakaupo, sa susunod na pagsakay mo ikaw naman ang kaiinggitan dahil may bf kna na kasama, at malay mo sa susunod na pagsakay mo ikaw naman ang my work, nakasuot ng business attire, pasipol-sipol at pakanta-
kanta na lang. ^___^

Sunday, January 31, 2010

emote mode

"nabubuset aco, naguguluhan talaga aco, ang hirap-hirap, ang sakit! at talaga namang hindi co na makakayanan pa... bakit kasi HINDI ACO MAPATAE...?"


hahahaha.!adiikk.. akala co super malas co na at talaga namang paborito acong pagtripan ng tadhana, pero somehow hindi nman pala. am bait pa rin ni God sakin.
at dahil jan m22log muna cobukas n lng kita kkwentuhan. =) nytiee

Thursday, January 28, 2010

HOLDAP

"holdap to cellphone lang kylangan namin bigay niyo na"

haha.its my 1st tym maholdap mygosh. at ang nkakatawa they'r not that bad.
its lyk ngttrip lang. wer walking along uhhm.. lawton, puro kasi kalandian at kabastusan pinag-uusapan namin kahit na wer already aware sa 2notzo bad guys
na yun di pa rin namin pinansin. Go lang kami sa paglakad til malapit na sila
at tinutukan na kami, ng alin? xmpre ng armas nila. the scenerio like this

mr.manong 1: "dali asan nacellphone mo?"

me: "ohmigod manong ! sira-sira na to wag naman"

mr.manong 2: "dalian niyo na itututok co na to"

me: "hala nman ! eto na po !" (wyl making kuha)

me: "wait po kunin co lng un sim co cge na pls? pls?"

(bumalik pa tlga c manong at binigay ulit ang cp co)

me: "wait lang po ha" (it tooks a minute) (tinatanggal ko pa un scatchtape)

manong " amina dali!"

me: "oh yan na po" (paalis na tinawag ko pa) "kuya un battery naiwan oh" wahaha adiik

manong: "ah salamat" wida BIG smyl

SCENERIO ng fren co

Manong 2: "dali na wag kna pumiglas" (pumipiglas pa un fren co)

myfren: "manong wag nman maawa po kayo bata pa po kami este mahirap lng po kami"

(kinuha na un bag niya) (wer shouting)

both: "manong !! un bag po kunin lang namin khit un i.d lang namin!"

manong: "oo mamaya!"

us : "manong !now na!"

manong: "mamaya nga sinabi!"

(tumawid un not zo bad na manong tapos tumawid ulit palayo, kinuha un cp ng fren co inignore un wallet nilapag un bag ksama ng wallet)

manong: "eto na!"

us : "salamat kuya !"

manong : "sa uulitin !" haaha.dag2 co lng yn

ayun kinuha lang tlga nila un cp my laman p nman ng thousands un wallet ng fren co at worth 15 thou. pa nman un cp niya.wyl wer walking nahawakan co un kamay niya at my dugo, my sugat siya. at di nya rin alam. at dun lang din sumakit. haha, atleast wer safe.haayy.. wawa nman un fren co. di ko alam if maaawa din aco sa mga holdaper, sa hirap ba nman ng buhay ngayon sb nga ni erap "theres no law if ur stomach is empty" mali ata. ;D well thats life.

So nabilang mo na ba mga blessings mo sa araw na 2? kahit na gaano ka pa kamalas ngaun maswerte ka pa rin at Blessed. Magthank YOU ka nlang. this the line from cruel love "Hindi na ako mag-aalala, palagi na lang ako magpapasalamat" =) Thank God em still aLIve. so tagay? haha.

Wednesday, January 27, 2010

copycat

JUST A MOM?

A woman, renewing her driver's license at the County Clerk 's office,
was asked by the woman recorder to state her occupation.

She hesitated, uncertain how to classify herself.

'What I mean is, ' explained the recorder,
'do you have a job or are you just a ...?'

'Of course I have a job,' snapped the woman.

'I'm a Mom.'

'We don't list 'Mom' as an occupation,
'housewife' covers it,'
Said the recorder emphatically.

I forgot all about her story until one day I found myself
in the same situation, this time at our own Town Hall.
The Clerk was obviously a career woman, poised,
efficient, and possessed of a high sounding title like,
'Official Interrogator' or 'Town Registrar.'

'What is your occupation?' she probed.

What made me say it? I do not know.
The words simply popped out.
'I'm a Research Associate in the field of
Child Development and Human Relations.'

The clerk paused, ball-point pen frozen in midair and
looked up as though she had not heard right.

I repeated the title slowly emphasizing the most significant words.
Then I stared with wonder as my pronouncement was written,
in bold, black ink on the official questionnaire.

'Might I ask,' said the clerk with new interest,
'just what you do in your field?'

Coolly, without any trace of fluster in my voice,
I heard myself reply,
'I have a continuing program of research,
(what mother doesn't)
In the laboratory and in the field,
(normally I would have said indoors and out).
I'm working for my Masters, (first the Lord and then the whole family)
and already have four credits (all daughters).
Of course, the job is one of the most demanding in the humanities,
(any mother care to disagree?)
and I often work 14 hours a day, (24 is more like it).
But the job is more challenging than most run-of-the-mill careers
and the rewards are more of a satisfaction rather than just money.'

There was an increasing note of respect in the clerk's voice as she
completed the form, stood up, and personally ushered me to the door.

As I drove into our driveway, buoyed up by my glamorous new career,
I was greeted by my lab assistants -- ages 13, 7, and 3.
Upstairs I could hear our new experimental model,
(a 6- month- old baby) in the child development program,
testing out a new vocal pattern.
I felt I had scored a beat on bureaucracy!
And I had gone on the official records as someone more
distinguished and indispensable to mankind than 'just another Mom.'









GREAT WORDS TO LIVE EACH DAY BY:

1. Take a 10-30 minute walk every day. And while you walk, smile. It is the ultimate anti-depressant.

2. Sit in silence for at least 10 minutes each day. Buy a lock if you have to.

3. Buy a DVR. Tape your late night programs and get more sleep.

4. When you wake up in the morning complete the following statement, 'My purpose is to __________ today.'

5. Live with the 3 E's -- Energy, Enthusiasm, and Empathy.

6. Play more games and read more books than you did in 2007.

7. Make time to practice meditation, yoga or stretching, and prayer. They provide us with daily fuel for our busy lives.

8. Spend more time with people over the age of 70 and under the age of 6.

9. Dream more while you are awake.

10. Eat more foods that grow on trees and plants and eat less food that is manufactured in plants.

11. Drink green tea and plenty of water. Eat blueberries, wild Alaskan salmon, broccoli, almonds & walnuts.

12. Try to make at least three people smile each day.

13. Clear clutter from your house, your car, your desk and let new flowing energy into your life.

14. Don't waste your precious energy on gossip, energy vampires, issues of the past, negative thoughts or things you cannot control. Instead invest your energy in the positive present moment.

15. Realize that life is a school and you are here to learn. Problems are simply part of the curriculum that appear and fade away like algebra class but the lessons you learn will last a lifetime.

16. Eat breakfast like a king, lunch like a prince and dinner like a college kid with a maxed out charge card.

17. Try & pay an honest compliment to someone you wouldn't normally.

18. Life isn't fair, but it's still good.

19. Life is too short to waste time hating anyone.

20. Don't take yourself so seriously. No one else does.

21. You don't have to win every argument. Agree to disagree.

22. Make peace with your past so it won't spoil the present.

23. Don't compare your life to others. You have no idea what their journey is all about.

24. No one is in charge of your happiness except you.

25. Frame every so-called disaster with these words: 'In five years, will this matter?'

26. Forgive everyone for everything.

27. What other people think of you is none of your business.

28. However good or bad a situation is, it will change.

29. Your job won't take care of you when you are sick. Your friends will. Stay in touch.

30. Get rid of anything that isn't useful, beautiful or joyful.

31. Envy is a waste of time. You already have all you need.

32. The best is yet to come.

33. No matter how you feel, get up, dress up and show up.

34. Do the right thing!

35. Call your family often.

36. Each night before you go to bed complete the following statements: 'I am thankful for __________.' and 'Today I accomplished _________.'

37. Think positive healthy thoughts all day long.

38. Don't hang around negative people; they will breed negative thoughts into your life too.

39. Remember that you are too blessed to be stressed.





Live A Life That Matters

Ready or not, someday it will all come to an end.
There will be no more sunrises, no minutes, hours or days.
All the things you collected, whether treasured or forgotten,
will be passed to someone else.
Your wealth, fame and temporal power will shrivel to irrelevance.
It will not matter what you owned or what you were owed.
Your grudges, resentments, frustrations, and jealousies will finally disappear.
So, too, your hopes, ambitions, plans, and to-do lists will expire.
The wins and losses that once seemed so important will fade away.
It won't matter where you came from,
or on what side of the tracks you lived, at the end.
It won't matter whether you were beautiful or brilliant.
Even your gender and skin color will not be important.

So what will matter? How will the value of your days be measured?

What will matter is not what you bought, but what you built;
not what you got, but what you gave.
What will matter is not your success, but your significance.
What will matter is not what you learned, but what you taught.
What will matter is every act of integrity, compassion, courage or sacrifice
that enriched, empowered or encouraged others to emulate your example.
What will matter is not your competence, but your character.
What will matter are not how many people you knew,
but how many will feel a lasting loss when you're gone.
What will matter is not your memories,
but the memories that live in those who loved you.
What will matter is how long you will be remembered,
by whom and for what.

Living a life that matters doesn't happen by accident.
It's not a matter of circumstance but of choice.
Choose to live a life that matters.







40. Enjoy the ride. This is not Disney World and you certainly don't want a fast pass. You only have one ride through life so make the most of it and enjoy every minute.

my favorite stories

This story touched me. Just don't ask where. :D


--------------------------------------------------------------------

Two men, both seriously ill, occupied the same hospital room. One man was allowed to sit up in his bed for an hour each afternoon to help drain the fluid from his lungs. His bed was next to the room's only window. The other man had to spend all his time flat on his back. The men talked for hours on end. They spoke of their wives and families, their homes, their jobs, their involvement in the military service, where they had been on vacation, etc.

Every afternoon when the man in the bed by the window could sit up, he would pass the time by describing to his room-mate all the things he could see outside the window.

The man in the other bed began to live for those one hour periods where his world would be broadened and enlivened by all the activity and colour of the world outside.

The window overlooked a park with a lovely lake. Ducks and swans played on the water while children sailed their model boats. Young lovers walked arm in arm amidst flowers of every colour and a fine view of the city skyline could be seen in the distance.

As the man by the window described all this in exquisite detail, the man on the other side of the room would close his eyes and imagine the picturesque scene.

One warm afternoon the man by the window described a parade passing by.

Although the other man couldn't hear the band - he could see it in his mind's eye as the gentleman by the window portrayed it with descriptive words.

Days and weeks passed.

One morning, the day nurse arrived to bring water for their baths only to find the lifeless body of the man by the window... he had died peacefully in his sleep. She was saddened, and called the hospital attendants to take the body away.

As soon as it seemed appropriate, the other man asked if he could be moved next to the window. The nurse was happy to make the switch and, after making sure he was comfortable, she left him alone.

Slowly, painfully, he propped himself up on one elbow to take his first look at the real world outside.

He strained to slowly turn to look out the window beside the bed, only to find it faced a blank wall. The man asked the nurse what could have compelled his deceased room-mate to have described such wonderful things outside this window.

The nurse responded that the man was blind and could not even see the wall.

She said, "Perhaps he just wanted to encourage you."!


Epilogue: There is tremendous happiness in making others happy, despite our own situations.

Shared grief is half the sorrow, but happiness when shared, is doubled.

If you want to feel rich, just count all the things you have that money can't buy.

Today is a gift, that's why it is called the present.

Tuesday, January 26, 2010

Dear Sirang Papel,

Nais ko po sana ibahagi ang aking buhay pag-ibig sainyo at sa bumabasa nito. Itago niyo na lang po ako sa pangalang Isabel, 40 years old at may mapagmahal na asawa at isang malusog na anak na lalake. Bago ko po nakilala ang aking asawa nagkaroon po ako ng long time relationship na boyfriend, Tawagin na lang po natin siya sa pangalang Brenan. Pareho po kami ng eskwelahang pinapasukan at nagkataon po na naging magkamag-aral kami sa ikalawang taon ko sa kolehiyo. Pareho po kaming ng kursong kinuha,dahil sa mahilig kami gumuhit pareho naming nagustuhan ang pagkuha ng arkitektura. Nagsimula po siya manligaw noong kami ay 3rd year college na. Matalino po siya at magiliw, medyo my kaliitin at hindi naman ganoon kapangitan, dahil na rin sakanyang malalim na piloy sa kaliwang bahagi ng kanyang pisngi. Madaling lumagay ang loob ko sakanya dahil sakanyang kapilyuhan at palatawang personalidad, na sa tingin ko nga ay doon niya ako nakuha. Kahit na marami ang nanliligaw sakin at hindi hamak na mas gwapoat makisig kesa kay Brenan pero hindi nagpapadaig si Brenan dahil sakanyang kasipagan sa paghatid sakin sa bahay na halos araw-araw niya ginagawa. Mahilig din po siya magpadala ng mga rosas lalo na pag nagkakaroon kami ng alitan,madalas ay dinadaan niya lagi ako sa mga walang kamatayan niyang linya "sige ka kahit hindi ako gwapo marami pa rin patay na patay sakin at kahit ano man oras ay pwede ko sila ipalit sayo" sabay hirit ng "biro lang sige na naman oh bati na tayo? jer2 na?" (tawa ng malakas) at dahil dun ay sinagot ko siya, haha. biro lang din po, ito po ang totoo naging kami na officially bago kami magtapos ng kolehiyo, nangako kami sa isat-isa na hinding hindi magbabago ang aming pag-iibigan kahit na kami ay may kanya-kanya ng trabaho. Naging maayos naman at masaya ang aming relasyon, halos tanggap na rin ako sakanila at ganoon din naman sa aking pamilya, pero matapos ang dalawang taon ay nagkaroon kami ng isang malaking problema. Nalaman ko na lamang na dalawang linggo na pala ako nagdadalang tao. Nagulat po talaga ako dahil hindi naman ako lumiliban sa pag-iinom ko ng pills. At ng sinabi ko kay Brenan ay talagang natuwa siya ng husto sa narinig niyang balita mula sakin, pero hiniritin ko po ito sa bandang huli ng "hala! siraulo niloloko lang kita baog ka kaya, ambisyoso." wika ko. Hindi po maipinta ang itsura niya ng mga oras na yan, hindi ko po alam kung matutuwa o malulungkot ako. Gulong gulo po talaga ang utak ko sa mga panahon na yun, at nagkataon na nalalapit na ang promotion ko sa aking trabaho.Halos dalawang buwan na ang nakakalipas, hindi pa naman ganoon kahalata ang aking tiyan dahil sadyang malaki na ito noon pa. Akala pa nga nila ay dala lang ito ng aking katakawan sa pagkain.Nasa plano ko na nasabihin kay Brenan na nagdadalang tao ako at anak niya ang nasa sinapupunan ko. Pero malupit ang tadhana isang araw bago ko ito ipagtapat ay dinugo ako ng husto sa aking kinauupuan sa sala. Nakita ako ni mama at agad naman niya ako isinugod sa hospital. Ang salaysay ng Doktor ay pumutok daw ang panubigan ko at sa sobrang stress kaya nalaglag po ang bata sa sinapupunan ko, ang anak namin ni Brenan. Tinanong ako ni mama kung alam ba ni Brenan ang tungkol sa bata, "wala po. wala po siya lam" ang sagot ko. nakiusap ako kay mama na huwag na ipaalam kay Brenan ang tungkol sa ngyari at ako na ang bahala magsabi sa takdang panahon. Sinermunan ako ng konti ni mama pero bigla niya ako iniwan ng isang salitang dala-dala ko hanggang ngayon. "Nak, wag na wag kang gagawa ng isang bagay na alam mong pagsisisihan mo balang araw" sambit niya. Umiyak na lang ako ng umiyak noong mga oras na yun. Ang daming missed calls at text mula kay Brenan ang natanggap ko, tanong ng tanong kung nasaan na ba ako. Sinabi kong nakipagmiting ako sa batanggas kaya ilang araw din akong nawala at hindi nakipagkita, pero ang sa totoo ay nasa bahay lang ako, nag-iisip pero hindi tulala. Nakapag desisyon na ako na huwag na lang sabihin kay Brenan ang ngyari, kahit na alam kong karapatan din niya malaman ang lahat. Pero sa kabilang isip ko "bakit pa? hindi rin naman maganda ang ngyari kaya okay lang siguro an hindi na lang niya malaman, baka mamoblema lang siya". Noong nagkita kami parang walang ngyari, pinilit kong ngumiti na parang ang saya-saya ko. echos, i mean mahirap din naman umarte na okay ka kahit hindi di ba. Sunod-sunod ang swerte ang dumating pagkatapos ng ngyari, Isa na akong certified Architec at medyo kilala na rin sa paggawa ng magaganda at matitibay na mga bahay at building dito sa pinas. Si Brenan naman ay kilala na rin pero nagkaroon siya fractured sa kamay noong araw na nabagsakan siya sa ipaplano niyang gusali sana, dahil sa ngyari hindi na niya kayang gumuhit at magplano pa hindi tulad ng dati. May magandang opportunidad naman na dumating sakanya sa abroad, nag-aral siya ulit upang makapagturo ng arkitektura. Dalawang taon din bago ulit kami nagkita ni Brenan, masaya namin siya sinalubong kasama ng kanyang pamilya. Gumanda ang kutis niya at pumuti ang balat niya. Marami siya baon na kwento at mga kalokohan, kahit daw kadalasan ay susuko na siya sa pagkahomesick nawawala daw kagad yun kapag nakakausap at nakikita niya ako. Bigla siya naging seryoso noong sinabi niya sakin na gusto niya na magkaanak. "Love, tara na tumatanda na rin tayo kaya dapat ay umpisahan na nating gumawa ng anak, habang malakas pa kong gumawa ng anak" sabi niya. Kinabahan ako bigla, naalala ko na naman ang dapat sanang anak namin naisisilang ko noon. Wala ko naisagot at bigla ko na lang naiba ang topic, "love ano nga pala yung balak mong itayong business?" tanong ko. Halatang halata sa mukha niya ang pagkadismaya sa ginawa ko. Masakit din para sakin ang hindi pagbigyan ang nais niya na lumagay na kami sa tahimik at magkaroon na ng mga supling. Pero ngayon ko pa lang naeenjoy ang buhay ko, mabuhay na walang inaalala, mabili lahat ng luho ko, makapunta sa ibat-ibang lugar. Alam naman niya na wala ko ginwa kung hindi mag-aral ng mag-aral noon, mahirap lang kami kaya nangarap ako maging isang sikat sa larangan ng Arkitektura, at ngayon natupad na. Dalawang buwan lang namalagi dito si Brenan at bumalik ulit siya sa abroad upang magtrabaho. Pagkalipas ng ilang buwan msyado ako naging abala sa pagpapalano ng mga floor plan at pakikipag-usap sa mga kliyente. Kaya naman madalas hindi ko nasasagot ang tawag at text ni niya sa akin, na naging dahilan ng pagtatalo naming dalawa. Agosto ng gabi, bigla na lang ako nahilo at sumakit ng husto ang ulo ko hindi ko na kinaya hanggang sa napahiga ko sa kinatatayuhan ko. Nagising na naman ako at nasa hospital na naman ang location, "nagugutom ka ba? gusto mo na bang kumain ipaghahanda kita" tanong ni mama. "Ano po ngyari" tanong ko. "hindi mo ba naaalala nakita na naman kita nakahandusay sa mga floor plan mo" sagot ni mama. Kinabukasan ngtaka na ko bakit hindi pa ako pwede lumabas ng hospital ganoong malakas naman na ako. Pinagtapat ni mama ang tunay na kalagayan ko. Meron daw akong cancer sa utak, isang sakit na umaatake alinman sa tatlong maha­halagang bahagi ng utak. Ang cerebrum, cerebellum at brain stem.Mga sintomas daw ng sakit na to ay ang pananakit ng ulo, ganun din ang kahirapang ikilos ang mga paa at kamay. Wala ko masabi sa narinig ko, pakiramdam ko hindi pa ako nagigising at panaginip lamang lahat ng narinig ko. Biglang dumating ang doctor, "kamusta na ang pakiramdam mo? sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" wika niya. "hindi na ho gaano" sagot ko. "Mabuti, ang treat- ment mo ay depende sa laki at lokasyon ng tumor. Maaaring operahin ang tumor mo iha, kung gusto mo isailalim ka sa radiation theraphy o chemotheraphy" paliwanag niya. Wala pa rin akong mareact basta nagtalukbong na lang ako ng kumot at baka sakaling panaginip nga lang iyon. Kinabukasan ganoon pa din, ilang araw na rin ako nag-gagamot, at ilang na ring walang kaalam-alam si Brenan tungkol sa mga ngyayari sa akin. Msyado mahal ang mga gamot ko at ang opersyon kaya lahat ng ipon ko naaubos na lahat. "Nak paano ka na yan, saan ka na yan kukuha ng panggamot,may ilang session pa pagdadaanan mo" na ngangambang tanong ni mama sa akin. Ako na lang ang bumubuhay kela mama saka kay papa pati na rin sa isang naka babatang kapatid ko kaya na ngangamba ko paano na sila pag bigla kong nawala. Palihim na sumulat si mama kay Brenan na humihiram siya ng pera para pang negosyo, hiniling ni mama na huwag daw ipaalam sa akin. Agad naman ibinigay ni Brenan ito at naipadala niya kagad.Kaya pala ng tanungin ko si mama tungkol sa pinanggastos niya sa huli kong operasyon sinabi niyang nghiram siya kay tito Ricky, hindi naman ako nag-alinlangin dahil lubhang maganda ang estado nila tito, nakakapagtaka lang. Natapos na din sa wakas ang theraphy ko. Pero dun din nagtapos ang sweetness, closeness namin ni Brenan. Ilang buwan ko din siya hindi nacontact at ilang buwan na lang din pala ay uuwi na siya. Sa kalagayan ko ngayon naisip kong putulin na ang kaugnayan naming dalawa, maaring maging pabigat lang ako sakanya sa bandang huli. Nagpatuloy ako sa pagpla-plano ng mga bahay, hanggang sa nakilala ko si Victor, single dad. magdadalawang buwan pa lang ang anak niya at ako ang napili niya para magplano ng bahy na gusto niya. Na nagkataon naman na kautlad na katulad ng bahay ng gustong gusto namin ni Brenan. Mabait si Victor, nahulog kagad loob ko sakanya, alam niya din ang tungkol sa sakit ko. Minsan kapag inaatake ako siya ang unang nag-aalala at nag-aalaga sakin. Matapos noon ay madalas na kami lumabas every week ends kasama ng anak niya. Nalaman ko na lang na nakauwi na pala si Brenan at hinahanap niya pala ako.Mabilis masyado ang pagdaan ng mga araw para sa aming dalawa. Hindi ko na siya kinontack pa at kahit isang bagay na namamagitan saming dalawa ay inalis ko na. Masaya ako nagkakilala kaming dalawang, para sakin isa na lang siya magandang ala-ala at saka hindi ko rin naman na siya mabibigyan ng anak dahil nagkaroon na ng diperensya ang bahay bata ko, marahil ito na ang kabayaran sa mga nagawa ko sakanya. Masaya na rin ako sa buhay ko ngayon kasama si Victor , na kahit hindi na sakabila ng sakit ko ay tinanggap niya pa rin ako. At umaasa kong masaya na rin siya ngayon, maraming salamat po sa pag basa ng aking storya, sana po ay may kinapulutang aral ang mga masugid niyo taga subaybay kung meron man.